All rights reserved. ©
Cannot be copied or distributedAll are works of fiction.
-------------------
"Hey that's mine! My mommy bought me that, give it back." Ang cute cute, minsan pala talaga masaya ding tumambay sa playground ng mga bata ang daming cute kajirits. Cute na bata ah.
"Sakin kaya 'to, porket binili ng mama mo sayo na? Ba't may pangalan mo ba?"
"Wala pero we used our money to buy that toy kaya give it back na!" Kanina pa nag-aaway yung dalawang bata dito sa tapat ko, ang cute cute lang nila hehe. Feeling ko pag laki netong dalawang to magkakatuluyan hihi.
"Yaya! Yaya! My toooooy!"
"Wag ka nga umiyak dyan! Paka iyakin mo, ibabalik ko naman teka lang first time ko lang kasi makahawak neto." Malungkot na sabi nung batang lalaki.
"Ha? Why? Di kaba binibilhan ng mommy mo?"
"Hindi. Wala naman kasi akong mommy."Pwede ba yun walang mommy? Ay hala ayoko na baka maiyak pa 'ko gantong ganto yung mga nababasa ko eh, sad.
Umalis na'ko don. Nandito ako sa kabilang part ng playground tahimik kasi, perfect for muni muni moment.
Bakit kaya wala pa yung prince charming ko? Maganda naman daw ako, mabait kaso lokaret at kadalasan malakas ang amat pero believer naman ako ng love ah.
Magic, Destiny, Second Chance, Soulmate, Serendipity, Forever, Infinity, Forevermore, Eternal at kung ano ano pang kahibangan words na ginagamit sa love. Naniniwala naman ako sa lahat ng yun, positive naman ako pero bakit..
Bakit wala pa din sya? 23 years nakong nabubuhay, 2 years na lang hay malamang 25 na'ko, pero yun sana yung age na gusto ko ma-engage na'ko kaso pano ako mae-engage ni boyfriend wala ako! Miski manliligaw wala. Tatandey na ba kong loner? Jusko sayang namang ang gandabells ko, wala akong ka 'Til death do us part.' Cupid, nasan kana ba? Wala ka man lang bang papanain dyan? :(
"Nandito nako!" Ay la may biglang pagsulpot tong si kuya, ayos din trip nito ah.
"Hindi ako nant'trip, tinawag mo 'ko diba kaya 'ko andito." Aba di lang pala malakas trip nakakabasa din ng isip.
"Magician ka ba? O Manghuhula galing mo din no.""'Di ako magician at mas lalong di ako manghuhula." Nakanang baka clown to.
"Hindi rin. Hina mo naman, ako si Cupid. God of Love."
"Ay joker! Havey koya! Di naman ako na-inform na comedian ka." Sabay halakhak ko. Lakas trip talaga netong poging 'to.
"Hindi ko alam kong sadyang utak monggo ka o sadyang slow ka. Hindi ako nagjo-joke, Ako nga si Cupid the well known God of Love. At 'di ka nanaginip tinawag tawag mo 'ko tas di ka maniniwala. Tinatanong mo sakin kung bakit wala yung naka tadhana sa'yo tapos ganyan ka, kala ko ba believer ka ng love?"
"Oo believer ako pero napaka hirap namang paniwalaan na God of Love ka ba't ka naman magpapakita sakin? Diba? Malay ko ba kung isa kang adik na sabog at ako ang napagtripan, kung gayon wag kang lalapit pramis mas kriminal pa 'ko sayo."
"Aish! Utak monggo nga! Mukha ba kong adik? Seriously? I came here because now is the time for you to meet the person destined for you. Di ko nga alam ba't ako nagpakita sa'yo eh paka utak monggo mo! Sige para maniwala kang ako si Cupid tumingin ka don sa dalawang batang nag-aaway kanina."
Tumingin naman ako, at shet yung ano yung puso nung dalawang bata nakikita ko tapos, t-tapos color gold. O my gods! What's happening?
"Do you believe me now? I am the God of Love. I am Eros but mostly you, humans call me Cupid. Tinatanong mo 'ko kanina kung may pinana na ba 'ko para sa'yo, it's for you to find out."
BINABASA MO ANG
Cupid (oneshot)
Teen FictionL O V E I am a believer of love, hopeless romantic ika nila. And my expectations went beyond what I knew when I met the God of Love.