NAPANGITI si Darlene nang makita ang labas. Nahawi na pala ang kurtinang nakatabing sa glass wall ng silid na tinutuluyan niya dito sa bahay ni Jaylord.
Pakiramdam niya nga, para siyang prinsesa dito. Wala lang katulong pero sapat na si Jay. Kaya nitong gawin ang mga nagagawa ng mga kasambahay kasama na ang ipagluto siya.
Dumeretso siya sa magarang banyo at naligo. Nakakahiyang humarap kasi sa binata na magulo ang sarili tapos walang ligo. Tamad pa naman siyang maligo simula nitong nakaraan dahil sa lamig.
"Good morning," bati ni Jaylord sa kan'ya nang makita siya.
"G-good morning din," tugon naman niya dito.
"Let's eat." Tumayo si Jaylord at lumapit sa kan'ya. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papunta sa dining area.
Nakatitig lang siya sa likod ng binata hanggang sa makarating sila. Kagabi pa niya iniisip kung nasaan ang girlfriend nito.
'Hindi kaya magselos 'yon kapag nalaman nito nan nandito siya?'
"S-salamat," aniya kay Jaylord nang ipaghila siya nito ng upuan.
Ngumiti lang ito at naupo sa tabi niya.
"Tayo lang kakain?" aniya at luminga. Walang ibang katao-tao sa komedor.
"Yes."
"I-ikaw ang nagluto?" aniya nang makita ang hapag na puno ng pagkain. Pakiramdam niya tuloy mapaparami din siya ng kain dahil sa mga iniluto nito.
"Yeah."
Sabagay, sila lang pala ang nandito. 'Bakit nga ba natanong niya pa gayong alam naman niyang walang ibang tao dito maliban sa kanila?'
"Wow," aniya.
"Sana magustuhan mo."
"Mukhang masasarap sila, Jay. Salamat."
"Basta para sa 'yo."
At akmang kukunin niya ang fried rice nang unahan siya nito. Ito na ang naglagay no'n kapagkuwan. Kahit ang ulam ay ito na rin ang naglagay sa plato niya. Kumuha din ito ng maiinom niya, juice lang dahil buntis siya.
Gano'n ang set up nila tuwing umaga kaya natutuwa siya kay Jaylord. Para siyang asawa nito tuloy. Talagang pinagsisilbihan siya nito. Kahit dinner time, maaga itong umuuwi para ipagluto siya.
Kung noong una ay sabi niya na masarap siguro itong maging boyfriend, ngayon naman, ang masasabi niya ay masarap siguro ito maging asawa. Hindi niya nakita iyon kay Blake nang tumira siya kasama ito. Ang laki ng pinagkaiba ng mga ito. Kahit sino siguro papangarapin ang isang Jaylord na makasama sa iisang bahay.
'Hay, ang swerte nang mapapangasawa ni Jay.'
Hindi rin siya nito hinahayaang gumawa nang gawaing bahay. Tanging tauhan lang nito ang kasama niya minsan sa maghapon kaya hindi niya ramdam na nag-iisa siya. Minsan si Sixto ang kasama niya kaya may kinakausap siya, kagaya ngayon.
"Bakit nga pala hindi na nakatira dito 'yong girlfriend ng boss mo?"
Natawa si Sixto. "Hindi mo pa pala natatanong si boss, ma'am? Bakit hindi mo kaya tanungin para malaman mo?"
"Hindi pa, e. Nakakahiya. Bakit, hiwalay na ba sila?"
Natawa ulit si Sixto. Tumayo din ito kapagkuwan. "Kailangan ko nang balikan si boss, ma'am. Pasensya na hindi kita masagot. Pero sana matanong mo si boss, parang hinihintay niya rin ang tanong na 'yan."
"Gano'n ba. S-sige, subukan ko ngang itanong mamaya."
Ngumiti si Sixto sa sinabi niya.
"Ingat na lang sa pagmaneho," bilin niya.
BINABASA MO ANG
Dark Secret Series: Multibillionaire Obsession
Romantizm--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)--- Blurb: Love at first. 'Yon ang unang naramdaman ni Jaylord Del Franco sa batang babae na siyam na taong gulang. Daisy-siyete lang siya ng una niyang makilala si Darlene Dixon. Kahit siya hindi niya...