ANG PAGNANAKAW (Balagtasan)
(Tagpuan: sa isang barangay. Kapapasok pa lang noon ng nasasakdal hawak ng mga tanod at sumusunod sa mga ito ang galit na biktima. Naupo ang dalawa. Pumasok ang kapitan)
Kapitan: Ako'y naririto sa harap ng lahat
Upang dalawa'y siya nawang magluwat
Mula sa pagkakasalang hindi masipat
Kung ano ang tama at siya ring dapat
Nais madinig itong hinanakit
Sa puso't isip siyang alumpihit
Biktimang sinawi at ngayo'y nangangalit
Sa kanya'y ginawa , O halina't isambit
Biktima: Kung inyo pong iisipin mahal na hukom
Ginawa nitong tao'y sa mga kamay nagpayukom
Sa tindi ng galit pinilit na lamang itikom
Anupat kung hindi'y sa mukha ipapatilampon
Kapitan: Ano bang kasalanan ang sa iyo'y naibigay
Nitong taong ito , dahilan ng pagpapabarangay
Iyo bang mailalahad itong mga bagay-bagay
Upang kahatulan ay akin ng maibigay
Biktima: Ito po'y dahilan ng pagnanakaw na ginawa
Sa aming mga gamit ay siyang dumusta
Kanyang ninakaw ng walang pagkaawa
Sa ami'y nag-iwan , galit-pagluha
Sakit din itong ituring sa ating bayan
Nagdulot pasakit sa lahat ng mamamayan
Kasawiang naidulot ng malalang krimen na iyan
Kailanma'y di magdudulot ni isang kabutihan
Kapitan: Bago ang kahatulan ibig na marinig
Dipensa nitong sakdal siya ng idinig
Sa kanyang ginawa tila nagnunumikip
Itong yaring puso ng biktimang sawi
Nasasakdal: Mahal na kapitan , kailanman ay 'di ninais
Na ako'y magnakaw at ngayo'y nililitis