My 30-Day Boyfriend (One-shot)

309 5 0
                                    

YANA'S POV

"YANAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Nagpantig yung tenga nung may narinig akong sumigaw. UGH. Sarap sarap ng tulog ko dito eh.

"Shet internal bleeding. Internal bleeding! Doctor please! Doctor!" sabi ko na may padrama drama effect pa

"HEH. Ewan ko sayo."

"Wow ha. Ikaw pa may ganang magsungit jan. Problema mo Charlie?"

"Eh kasi--"

"Oh wait. Let me guess, may date kayo ni Papa Ace ngayon kaya di mo ako masasamahan?"

"Umm.. oo. Sorry talaga Bes!" sabi niya sabay yakap sakin.

"Naka. Kung hindi lang ako maganda, nabigwasan na kita left and right! Sige na, gumora ka na dun sa fafabol mo. Humayo at magparami!" sabi ko sabay taboy sa kaniya

At nakuha pa akong batukan ng bruha. Susme. Kinikilig lang eh. Nako.

"Sige na aalis na ako. Bes! Yung confession ha? Gawin mo! Sayang ang magandang atmosphere"

"Ay leche! Oo na!" naalala ko nanaman yang confession na yan. Kailangan ko ba talagang gawin?

Valentines Fair kasi namin ngayon ay nagkaron kami ng usapan ni Charlie na magcoconfess ako ngayon sa ultimate crush ko. Si David Alvarez. Ang captain ng basketball team. Nakoooooo. Kinakabahan ako. FACT SHEET NAMAN EHHH.

Basta nagbigay na ako ng sulat sa kaniya na pupunta kami ngayon sa rooftop kasi may sasabihin ako sa kaniya. Maygaaaaaad.

Eto na po. Pupunta na pong rooftop. Woo! Go Yana! Kaya mo yan! Fighting!

*ROOFTOP*

Andito na ako ngayon sa rooftop naghihintay. Grabe. Ambilis ng tibok ng puso ko. Pano kung ireject niya ako? Pano kung magalit siya? Halaaa.

Nanginginig yung tuhod ko. Kinakabahan talaga ako sobra. Feeling ko anytime, hihimatayin na ako.

Tug. Tug. Tug.

WAAAAAAAAAA. Baka siya na yan! HALA! OMG. Lord, tulungan niyo po ako.

*creeeaaaak*

At tama nga ang hinala ko. Dumating na ang pinakagwapong nilalang sa mundo.

SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET. Andito na si David. Andito na siya. OMG. OMG. OMG. Oh puso, wag kang ganyan! Kailangang itago ang kilig. Baka isipin ni David, cheap-pipay ako. NOOOO.

"Uhh.. ikaw ba si Allana Genevieve Mercado?"

Ay hindi! IKAW YUN. IKAW. Wala namang ibang tao dito sa rooftop kundi kaming dalawa lang. Malamang ako yun! Ang bombels naman eh. Di bale, kahit ikaw ay booby bird, mahal pa rin kita. WUU. Harot! XD

"A-ah. Oo.. Ako nga"

"Anong gusto mong sabihin sakin?"

SHET TO THE HIGHEST LEVEL. Eto na talaga. Eto naaaaaaa. Hingang malalim Yana. DIZ IZ IT!

"A-ah.. ano. David, ano kasi. Gusto kita. Wait. Scratch that. Mahal kita. Simula nung nakita kitang maglaro ng basketball nung intrams, nahulog na ako sayo. Sorry ngayon ko lang sinabi kasi natatakot ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin to. So yeah, mahal kita. Mahal na mahal."

*sileeeeeeeeeeeeeeeeeeeeence*

*sileeeeeeeeeeeeeence*

Ano ba? Hindi ba to magsasalita?

Inangat ko yung ulo ko at nagulat ako sa nakita ko.

Pokerface.

EH LECHUGAS NAMAN. WALA MAN LANG BA SIYANG NARAMDAMAN NA KUNG ANO? Ako nga halos maihi ihi na dito sa sobrang kaba eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My 30-Day Boyfriend (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon