Chapter 1 : BONDING TO THE MAX
_RANZ POV_
Halos apat na linggo na rin ang nakalipas nang nakagraduate kami ng high school. Akala ko mas masaya na mawala na sa mundo ng secondary life pero nagkamali ako. Sobra kong namimiss yung kulitan, asaran, cutting classes, lalo na ang bonding naming magtotropa. Teka, bakit nga pala inaalala ko pa yung mga bagay na yan ? Haist 🙄
"Ano ba yan! Ang boring naman dito sa bahay" . Wala kasi dito sina Mommy at Daddy, sa Korea sila nag-stay for business. Marami kaming branches ng restaurant na naitayo around the world pero nasa Korea ang main branch namin, kaya nandun sila. Si Milley naman nasa America, sinama nila Tito Jhake for vacation. Haaaaaaay, I really miss Milley 😞.
"Anak, gusto mong kumain? Ipagluluto ba kita?"
"Hindi na po 'nang, aalis na din naman po ako "
"Saan naman ang punta mo?"
"Kila Oliver po."
"O siya sige, ikaw ang bahala anak. Bababa na ko, aasikasuhin ko pa yung salas."
"Sige po 😊"
Yung kausap ko? Siya si Manang Yolly. Siya na ang nag-alaga sa akin magmula ng nag migrate yung parents ko sa Korea for almost 7 years kaya "anak" na ang tawag niya sa akin. Kasi naman sila mommy puro nalang work work work, wala nang time sa akin 😪.
Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Ranz Kyle Viniel, 16 years old. Mas gusto nila akong tinatawag na Ranz, ang cute daw kasi ng name na yun .
Nakatira kami ngayon sa MB's Village dito sa Manila. Actually, hindi naman talaga Pilipinas ang hometown ko, ipinanganak talaga ako sa Korea pero nagstay lang kami ng 3 years dun kasi si Lolo pinauwi kami dito sa Pilipinas. Miss na miss na daw niya kasi ang mga apo niya. So bale 13 years na rin kami dito and I admit that I already enjoyed staying here 🤗
(Sorry for a long introduction 😂)-----------
Pumunta na ko sa kwarto ko which is in the third floor. Maggagayak na ko para magready papunta kina Oliver.
(30 mins after taking a bath)
"Im almost done and ready to go! 😁"
Bago ako umalis, tinawagan ko muna si Oliver para sabihing pupunta ako sa kanila. Im not fond of surprises.
CALLING OLIVER ☎️
📞"Hello Ranz?"
📞"Uy bro! Kamusta ka?"
📞"Ayos lang naman bro! Punta ka dito ngayon sa bahay, laro tayo ng PSP. Sobrang boring kasi dito" - Ayun sakto!
📞"Tamang tama! Kaya ako nagbihis kasi alam ko ma yan ang sasabihin mo e. Hahaha. Punta na ako"
📞"Haha, sige bro. Compete tayo tapos may punishment ang matatalo."
📞"Haha, kailan ba ako umatras sa ganyan? Game ako diyan! 😁"
📞"Galingan mo bro, baka matalo ka na naman sa akin. HAHAHAHA 😂"
📞"Kupal mo bro! Isang beses lang yun uy! Hinding-hindi na mauulit 😂"
📞"Haha sige payag . Pinapahaba mo pa yung usapan eh. Sige na Ranz, hintayin ka nalang namin ni Owy dito, mahal na yung bill ng landline ko dahil sayo 😪." - patawa talaga to 😂
YOU ARE READING
Happy Memories (A fictional "CHICSER" CHARACTER STORY)
FanficHi Readers ! Being a fanatic of Chicser world, I have decided to create an inspired and fictional story about them. I am only 16 years of age (wayback 2011) when I first planned to create this work and published here in Wattpad. I have no prior ex...