#22 SA DILIM

54 2 0
                                    

Sa Dilim

Nandito na naman ako,

Sa punto ng buhay ko na tila ba kinakalaban ako ng mundo.

Naku! Nandito na naman ako,

Sa gitna ng mga mapanghusgang tao. Pinipilit gawing tama ang mali at mga naghihila pababa hanggang sa 'di ka na makatayo.

Nandito na naman ako,

Kung saan mararanasan ang walang tigil na pag-iyak at pagkirot ng puso.

Hays nandito na naman ako,

Paulit ulit, Pabalik balik yung sakit na pinaparamdam nila na para bang wala talagang katapusan.

Nandito na naman ako.

--

Kailan ba ako babalik sa dati, yung walang problemang dala-dala?

Kailan kaya babalik ang mga ngiti na laging nakaukit sa mga labi?

Hanggang kailan ako magtitiis sa sakit na aking nadarama?

Hanggang kailan niyo ba ipaparamdam sakin na wala akong halaga?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan ako mananatiling ganito?

--
Sa araw araw naming magkakasama

Akala nila okay ako,

Okay naman talaga ako -- sa umaga,

Ngunit sa unti-unting pagdilim ng kalangitan ay nararamdaman ko na,

Merong kung ano sa aking isipan na pilit binabalik ang mga masasakit na salita na inyong binibitawan.

Naaapektuhan na ang aking katawan,

Bumibigat na ang aking pakiramdam.

Pinipilit pagaanin ang kalooban

Ngunit taksil ang aking mga mata dahil sa pagtulo ng mga luha,

Mga luha na kahit anong pigil ay hindi matigil tigil.

Kasabay nito ang pagkirot ng aking puso

Hanggang sa 'di ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Patuloy lang sa pag-iyak sa madilim na sulok habang sinasabi ang mga katagang;

"Pagod na ko"

"Pagod na kong unahin kayo"

"Pagod na pagod na kong intindihin kayo, Paano naman ako?"

"'Di niyo ba naisip kung anong nararamdaman ko"

Gusto kong magreklamo pero wala akong lakas na sabihin sa inyo.

"Pagod na ko, pagod na ko sa mapanghusgang mundo."

--

Nandito na naman ako,

Kung saan walang taong gustong makinig. Walang ni isa ang gustong maki alam.

Nandito na naman ako,

Katulad ng dati, walang pinagbago.

Marami pa rin ang nagkukubli sa aking puso,

At patuloy pa ring iniiyakan ang mga masasakit na salita niyo.

Nagtagumpay kayo, naaapektuhan pa rin ako.

Nandito lang ako,

Sa dilim na tila ba nagsisilbing liwanag sa akin o sadyang nasanay lang ako?

Kaya kung sakaling ako'y inyong hahanapin lagi niyong tatandaan na

Nandito lang ako at nandito na naman ako.

----------------------------------------------

To everyone figthing their silent battles and carrying a heavy hearts, magpakatatag tayo. Huwag ko sana kayong matagpuan sa dilim kundi sa liwanag. Pray and keep praying. Malalagpasan din natin ito. My celimine 🤍🤍

Ctto of Photo.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon