"Mahal di ka pa ba maghahanda?" tanong ni papa kay mama na animo'y sasagutin siya nito.
medyo pabulong ni papa kay mama sa bintana na nakaupo sa may bandang bintana habang malalim ang iniisip na nakatingin sa kawalan.Tahimik ko lang silang pinagmamasdan.
Tango lamang ang tugon ni mama at dahan-dahan na itong pumasok sa kwarto dala-dala ang isang manika na kanya pa itong sinusuklayan kahit pa ang mga buhok nito ay paubos na.
Araw-araw ay ito ang nakikita kong eksena sa may sala.
Si mama sa may bintana na tila ba ay may hinihintay na dumating galing sa isang mahabang panahong pagbabaksyon at ang pulang manika na laging kandong niya.Sinundan ko si mama sa may kwarto at sumilip sa nakasiwang na pintuan.
Naaawa ako kay mama dahil kahit di man niya masabi ay alam kong ang bigat na pinagdadaanan niya.
Marami ang mga pagbabago kay mama.
Bukod sa pagbabago ng pangangatawan ay palagi na itong pumirme sa bahay, nakatingin sa malayo mula sa may bintana't hawak-hawak ang kanyang manikang pula.
Nagbago na rin ang pakikitungo nito kay papa at sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya.Kung kakausapin man ay laging tango at minsan ay tingin na magkaparehong emosyon lamang na katulad ngayong kahit nasa loob na kami ng aming van papunta sa aming pupuntahan ay parang wala siyang ibang nakikita kundi ang kanyang manika.
Lagi na lang nakatuon ang tingin nito sa dala niyang manika na animo'y naghihintay na ito itong magsalita.
Tila ba ang kanyang mundo ay umiikot na lang dahil sa manika at di niya papayagang mawala o agawin ng mga bata.Ang totoo ay marami na ang nagsasabi kay papa na dalhin sa espesyalita o sa "House of Hope" si mama ngunit hindi pumapayag si papa kasi ayon pa sa kanya ay kaya naman niyang alagaan si mama at higit pa dun ay wala na naman daw talaga sakit si mama.
Napapaiyak ako tuwing naririnig kong binubulungan ni papa si mama ng
"Misis Esmeralda Dantes Tancongco, mahal na mahal kita"
sabay halik sa pisngi nito kay mama habang siya ay patuloy parin sa paghahawi ng at inaaayos ang buhok at damit ng kanyang manikang pula.Naririnig at nararamdaman ko ang sakit kapag lumuluha na si papa kapag ginagawa niya yun na tila ba namimiss na niya kung ano dati si mama.
Minsan ay naririnig ko rin si mama na umiiyak mag isa pagkatapos niyang kantahan ang kanyang hawak na manika ng kantang kabisado ko pa sabay bigkas ng salitang
"Drea, anak mahal na mahal kita.
Uwi ka na. Miss na miss ka na ni mama."Madami na rin ang tao sa lugar na aming pinuntahan sa kadahilanang kami ay natrapik sa may daan dahil na rin siguro kasi lahat ay gustong bumisita.
Nagbuluntaryong magbitbit si mama ng bulaklak na binili namin kanina habang tinatahak namin ang daan sa may eskinita at di napigilang magbuhos ng emosyon nang kami makarating na.
Sa unang beses pagkatapos ng halos anim na taon ay binitiwan ni mama ang manika na lagi niyang dala-dala at ito ay humagulhol ng sobra sabay ang pagbigkas ng
"Hija, Drea anak ko, mahal na mahal kita.
Miss na miss kana ni mama!"
kasabay ang pagdaloy ng mga luhang animo ay may sariling buhay at nag uunahang dumaloy sa humpak na pisngi ni mama pababa sa puntod ng aming binisita."Esmeralda tama na"
pag awat ni papa sa kanya."Mag aanim na taon ng wala si Andrea, ang anak natin.
Tanggapin mo na ang katotohanan na halos anim na taon na siyang wala.
Tanggapin na natin ang masakit na katotohan na matagal na siyang wala at di na siya babalik!"
pagyakap ni papa kay mama habang hindi na din mapigilan nitong lumuha.Tama at halos mag aanim na taon na pala akong wala.
Halos anim na taon na pala akong nasa ilalim ng puntod na may nakalagay na
"In Loving Memories of Andrea Dantes Tancongco" sa may lapida.
Halos anim na taon na pala noong araw na naiwan ko silang dalawa.
Halos anim na taon na pala magmula ng nawala ang kanilang Unica Ija na kahit isang habilin ay di ko nagawa.
Halos anim na taon na pala noong ako ay kasama sa nasawi nang minsan ay may aksidente sa may kalsada habang ako nooy papauwi na sa bahay galing sa skwela.Ako nga pala si Andrea, ang dahilan kung bakit palaging hawak ni mama ang manika habang tila may hinihintay siya ngunit ang totoo'y anim na taon na akong wala.
All rights reserved, 2021
Plagiarism is a crime
BINABASA MO ANG
Ang Manika ni Mama
Short StorySa biglaang pagbabago nang takbo ng kanilang buhay ay hindi maiwasang magdamdam ng bata lalo na sa kalagayan ng kanyang ina. Malayo na ito sa kung ano ito noon. Alam ng bata sa kanyang sarili na merong hinahanap ang kanyang ina't sa huli ang katoto...