THIRD PERSON POV
Sa isang mataas at sikat na gusali ay naroon ang mga empleyadong nakayuko,naghihintay sa paparating na si Azriel "Venom"Castillo.
Ang kanilang amo ay walang kasing lamig,hindi dapat ito tignan sa mga mata,kapag nahuli ka niyang nakatingin sa mata nito ay tatanggalin niya sa trabaho ng walang pag-aalinlangan.
Kakagaling lang niya sa Italy,upang dumalo sa isang malaking pagpupulong.
May humintong magarang sasakyan sa bungad ng gusali.
Bumukas ang pintuan nito at doon ay
bumaba ang lalaking nakasuot ng itim na longsleeve at itim na pantalon lahat ng kanyang suot ay purong itim.Nakapila parin ang mga empleyado at nakayuko ang mga ulo,ng tuluyan na itong makapasok ay sabay-sabay nila itong binati.
Pero ni isa ay wala itong pinansin.
"Welcome back sir."salubong ng sekretarya niya dito.
"Here is your schedule for today."
"At 12:00 in the afternoon you have an important meeting to attend,na pangungunahan ni Mr:Del fuego."
Tumigil ito sa paglalakad,at tiim bagang tumingin sa sekretarya nito na todo iwas ng tingin dito.
"What else?malamig na tanong nito.
"Nasa meeting room na po ang mga investor,naghihintay na sayong pagdating.
"By the po,tumawag po si Ms:Mira,ilang araw na po siyang pabalik-balik dito para hanapin kayo."pahabol nitong sinabi.
"Tssskk...fucking whore.."mahinang bulong nito.
Naglakad na ito papasok sa pribadong elevator nito,walang sino man ang maaaring sumakay dito kundi siya lamang.
-----
Nang makarating na sa kanyang opisina ay pabagsak itong umupo sa kanyang swivel chair.
Hinilot nito ang kanyang sentido,ilang araw na din itong babad sa bar noong nagdaang araw.
Muling sumagi ang maamong mukha ng babaeng limang taon na niyang hindi nakikita.
Pumikit ito ng mariin upang mabura ito sa kanyang isipan.
Bumuntong hininga ito bago tumayo.
May mahalagang bagay pa siyang kailangan ayusin.-----
LUDO POV
"Dada i miss you so much,momma doesn't want to feed me more chocolate."
Naririnig ko ang aking anak na nagsusumbong kay Eros.
"Don't worry,ibibili kita ng maraming tsokolate pagdating ko diyan."
Pagkukunsinti niya dito.
Napailing nalang ako sa narinig.Limang araw ng nasa pilipinas si Eros,may mahalaga daw itong meeting na dadaluhan kaya ito umuwi.
Naaawa na nga ako dito,dahil sa pabalik-balik ito dito.
Limang taon na kaming naninirahan dito sa France,dito ako dinala ni Eros noong nagmakaawa akong ilayo sa lugar kung saan ay lagi kong naaalala ang Unggoy na ama ni Collan.
Noong una ay nahirapan akong mamuhay dito,sobrang lamig at puro mga Ingles ang mga nakakausap ko.
Mabuti nalang at nasa tabi ko lagi si Eros,siya ang gumabay at nag-alaga sa akin.
Tinulungan din ako nitong mag-alaga kay Collan kaya naman Dada ang tawag dito.
Hindi alam ni Collan na hindi si Eros ang tunay ama nito.
Mukhang ayos lang kay Eros na siya ng tumatayong ama dito kaya hindi ko na sinabi kay Collan ang buong katotohanan.
"Where is your momma?"tanong nito sa aking anak.
"In the kitchen."
"Give the phone to your momma."malambing na utos nito.
"Okay dada,love you."
"Love you too buds."
Tumatakbong lumapit ang aking anak,inabot nito sa aking ang hawak nitong telepano.
"Momma dada wants to talk to you."
Hinalikan ko muna ito bago kinuha ang telepanong hawak nito.
Pagka-abot ay mabilis din itong umalis upang bumalik sa kanyang pwesto,nanonood kasi ito ng paborito niyang cartoons.
"Eros,kamusta ka?
"Oh my beautiful doll."
Pambobola nito sa akin.
"I miss you."
Ningitian ko ito ng matamis.
"Miss kana din namin."
Ngumiti lang ito sa akin.
"Mr:Del Fuego,tumatawag po ang sekretarya ni Mr Casti-
Biglang naputol ang linya.
Ipinagkibit balikat ko na lang ito.
BINABASA MO ANG
MAFIA OBSSESION (BOOK2)
Non-FictionSa loob ng limang taon ay namuhay si Ludo ng tahimik kasama ang kanyang anak. Tuluyan na nga ba niyang kinalimutan ang nakaraan. Paano kung may muling magbabalik? Eros Del Fuego sa loob ng limang taon ay siya ang tumayong ama sa anak ng babaeng pin...