06

21 3 1
                                    

SAPPHIRE

Alas otso na kami nakauwi ng bahay dahil napasarap ang pagtambay namin sa bahay ni Qye tapos ang dami pang kwarto. Pagpasok ay nakakunot na noo ni pareng Cole este Colemn ang sumalabong samin, tulog na ang bata kaya dinaanan ko lang siya.

Pake ko naman sakaniya at least nagsaya kami ni Colt sa bahay nila Qye sabi pa nga ni Tintin ay bumalik kami sa susunod para magkwentuhan kami. Inilapag ko si Colt sa kama ko tinanggal ko ang kaniyanh salamin bago kumutan at bigyan ng halik sa pisngi.

"It's already eight thirty ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" ngunot noo niyanh tanong.

"Nagpunta kami kayla Qye." tipid kong sabi.

"Anong ginawa niyo doon?" nakataas ang kilay niyang sabi.

"Kumain, naglaro, nakipagkwentuhan, nakipagasaran, nagbangayan, at nagtawanan. Tuwang tuwa nga si Colt" sabi ko.

"Tuwang tuwa si Colt. Si Colt ba talaga ang sumaya?" sabi niya kaya humarap ako sakanya na nakatingin sa mukha niya.

"So what? Anong pinalalabas mo ha? Na ako ang may gustong pumunta doon?" mapait akong ngumiti ng maalala ang senaryong nakita ko kanina. "Lumabas kana matutulog nako." pagtataboy ko sakanya.

Akmang tatalikod nako ng hilahin niya ang braso ko kaya dumiretsyo ang mukha ko sa matigas niyang dibdib, hindi niya ako madadala sa ganito. Tinulak ko siya palayo kaya nakawala ako sakanya pagtapos ay pinasadahan ko ng tingin ang buo niyang katawan.

Hindi koba alam sa sarili ko kung bakit ganito ang pinagkaloob sa 'kin hindi ko naman hiniling na maging ganito ang lahat. Ang hiling ko ay bigyan ng marangyang buhay ang mga kapatid ko kahit may trabaho ang magulang ko at kahit may kumpanya kami hindi doon nasusukat kung ano ang ugali namin.

"Para ka kasing gago eh hindi moba alam ha? O sadyang manhid ka lang? Bwisit kasi itong puso na ito ewan koba pero tangina lang kasi ikaw lagi eh ikaw lagi tapos kapag nakikita kita kasama...bwisit talaga. Labas!" Okay bahay koba 'to?

"Your not my type." sabi niya.

Parang may tumusok na kung ano sa dibdib ko ganito ba ang pakiramdam ng tinanggi? Masakit pala kapag sa reality hindi ko akalaing mangyayari ito sa'kin. But I'm happy na may gusto siyang iba dahil magiging kampante na ako kapag makikita siya.

"Ah..." tipid kong sabi ng makahiga na sa tabi ni Colt.

Wala pang ilang minuto ay lumabas na din siya mas mabuti na yun ng walang awkward sa loob ng kwarto na ito. Pero yung puso ko natibok na parang nahihirapan huminga dapat noong una pa lang pinigilan kona ang damdamin ko.

"Colt alam moba katulad mo ang kapatid ko napakamasayahin hindi lang masayahin napakaingay din. Minsan iisipin mo nalang na para siyang radyo dahil napakadaldal talaga niya kapag nakilala mo siya magiging magkaibigan kayo." sabi ko sa bata na tulog na.

Maya maya pa ay nagopen ako ng facebook saglit akong nagtingin ng mga nagfofollow sakin pati sa Ig at Twitter tambak wala naman akong issue. Sabi kona nga ba wala namang mutual pero naaadd nila ako but still may suggestions for you.

Nagfollow din sakin si Qye grabi sikat pala siya sabagay imposibleng hindi siya sisikat ni kahit nga madungis ay gwapo pa rin siya. Saka nagpapatakbo din siya ng kumpanya ng nanay at tatay niya yes nagcheck ako ng backgrounds nila lalo na si Qyezione Costarica.

"Pfft." huni ko ng makita ang mga post ni Qye sa Ig pati sa facebook maraming active likers at partida pati lalaki nagrereact. Hindi ko maitatanggi na gwapo ang isang yon lahi ba naman ng Costarica? Wala kang makikita na pangit sakanila lahat sila may itsura. Syempre may mukha.

Naalala kona naman yung first kiss namin ni Colemn tapos ngayon nalaman ko na hindi niya ako type ang saklap naman. Hello 911 kaylangan ko ng wine kidding.

Bukas uuwi ako sa Batangas para magstay muna sa rest house ni daddy isasama kona siguro sila kuya Caelydron para naman matuwa si Colt. Mayroong pagmamayari ang daddy at mommy sa Batangas mayroon ding lupain na pinagtatayuan ng Café De Allegra namin.

Natulog na ako para may lakas akong harapin siya bukas hindi naman ako weak 'no kaya ko nga sampalin yung mga walang hiyang bumaril sakin. Ewan koba pero tangina hindi ko alam kung bakit ako nagpapakahirap na makisama sakanya kung kaya ko namang pumili ng ibang p'wedeng bantayan.



Third Person's Pov

Umaga na nang magising ang mga tao sa bahay ng Courtwell maagang bumangon ang dalaga upang maghanda ng pagkain para sa anak ng kaniyang amo. Isa na rito ang isang binatilyo na nakaitim na coat at pormal na nakatayo sa railings ng hagdan.

Tinitignan niya ang bawat kilos ng dalaga minsan ay ngumingiti siya ngunit napapawi din ng makita niyang napapagod ang dalaga. Sunod na lumabas ng kwarto ay ang pangatlo sakanila isang binatilyo na pilit tinutukso kay Colemn ang dalagang si Sapphire.

"I don't like her." mariing sabi ni Colemn.

"Okay, but the question is she likes you? You're not her type to bro. Did you saw her eyes when she see Qyezione? It's shining like a star." panunuya ng kaniyang kapatid na si Cyequin.

"You know what? Bakit ba ang dami mong dama." iritang sabi ni Colemn.

Hindi pa nakakasagot ang kapatid ay naputol ito ng dumaan ang dalaga sa gilid nilang dalawa ngumiti ito sakanilang dalawa na para bang walang problema. Isa ito sa katangian ng dalaga na nagpapaganda lalo sakaniya bukod sa magandang mukha, kulay, hugis, at pananamit ay nakakadagdag ito sakaniyang appeal.

"Why you two always fighting?" Their older brother asked and gave them a gun. "Go shoot each other, we're sleeping peacefully but you two interupt us." sermon niya sa mga ito.

"Luto na ang pagkain sweetie." malambing na sabi ni Sapphire sa natutulog na si Colt.

Hindi nakalagpas sa pandinig ng tatlong magkakapatid ang paggising ng dalaga sa nakababatang kapatid ng mga ito. Ngumisi ang dalawa samantalang si Colemn ay nanatiling nakatingin lamang hanggang sa may marinig silang putok ng baril.

Wala pang ilang minuto nakatayo na si Sapphire sa likuran habang may hawak na bazuka habang nakangiti pa rin. Sinisiko ni Cyequin si Colemn habang naalon ang kaniyang kilay na parang may gustong iparating.

"Dadalhin ko na muna si Colt sa underground sound proof naman yon para hindi siya magising." sabi ng dalaga sakanila.

Guarding The Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now