A/N: Hello! I edited po lahat ng past chapters kasi inayos ko po yung ibang words na ginamit ko tsaka yung mga pangalan... Nagkandahilo-hilo na ako... Hehe... Tapos yung sa chap. 1, nawala yung isang picture pala doon kaya naghanap ulit ako ng bago, nawala na kasi sa gallery ko....
Sa ngayon, ayos na yung lahat ng chap kaya pwede niyo siya ulit i-back read if gusto niyo lang... 😊
Thank you for reading... 😘😘
*********************************
Month passed at marami na ang nangyari.
I am already done training and tomorrow we're ready to go to the Academy.
Nagkaroon lang ng problema dahil hindi ko magamit ang kapangyarihan ni Sophia. Ngunit sabi nila ay nararamdaman naman nila ang aura ng kapangyarihan na nasa loob ng katawan ko, kakaiba nga lang daw kesa sa normal na aura na nararamdaman nila noon kay Sophia. Kaya ang nangyari ay natuon na lang ang training namin sa pisikal na pakikipaglaban gaya ng self defense at ang paggamit ng iba't ibang armas na ikinatuwa ko naman sa huli dahil madali ko lang ang mga ito na natutunan sa loob ng isang buwan. But still, I am trying na mapalabas ang kapangyarihan ni Sophia base sa mga itinuro nila sa akin. Kung baga 'try and try until you succeed'. Tsaka hindi pa naman daw kinakailangan ang paggamit ng mahika sa 1st and 2nd Tier... At dahil nasa 1st Tier ako ay mas maganda dahil mahaba pa ang panahon ko para makapag-basakaling maggamit ko na ang kapangyarihan niya.
Si Kuya Dave at ang apat na kalalakihan na nakilala ko sa bayan ang naging kasama ko sa pag-eensayo. Hindi man ako kasing lakas nila pero ayos na din dahil may kakayahan na akong makipaglaban ng pisikalan. Pinaalalahan din nila ako na palagi pa rin akong mag-ensayo para mas mahubog ako ng husto.
Pwede na ngang makipag-away eh... Pfft! Kung katabi ko na naman si Kuya siguradong pinitik na naman noon ang noo ko.... Ang sakit pa naman...
Naging maayos naman ang nangyaring pag-uusap namin noon at pinatunayan nila na mapagkakatiwalaan nga sila. Mga kaibigan din pala kasi sila ni Kuya kahit na magkaka-iba ang antas ng taon sa pag-aaral at edad nila.
They also gave me a magical bracelet made by their mixed magic that will block my thoughts from those whose able to hear thoughts cause I really can't make a barrier on my mind by my own. Kaya nga raw sila nandoon sa pangyayaring iyon ay dahil nga sa narinig nila ang mga pinagsasabi ko sa isipan ko. Masiyado daw bukás. Pasalamat na lang kami dahil sila lang ang nandoon na may kakayahan na makarinig ng isipan dahil kung mayroon pang iba lalo na kung isang di mapagkakatiwalaan ay lagot na kami.
And about Sophia's condition... Every time I slept at night, I am coming back to my real world. Pero andoon lang ako sa loob ng kwarto kung saan ako nakalagi. Kaya parang naging instant guwardiya na niya ako... Hehe
Habang nandoon ako ay lagi ko rin siyang kinaka-usap kahit hindi ko alam kung naririnig niya ako. Kinikwento ko sa kanya lahat ng nangyayari at pangangamusta ng Duke at ng kapatid niya sa kanya. Maging ang pagbabalik niya sa katawan niya ay sana mangyari na dahil hindi ko kakayaning mapatagal pa sa katawan niya 'pagkat pakiramdam ko ay inaangkin ko na ito kahit hindi. Tanggap ko naman na kung mamamatay ako dahil hindi naman ako takot doon.
Healer Celine already knew na may iba pang nakaalam tungkol sa akin kaya kinausap nila kami ng masinsinan at mahigpit na pinagbilinan na sana ay wala ng iba pang makaalam dito dahil baka mapahamak pa ako at maging ang iba pang nakakaalam nito. Kaya binalaan niya akong mag-ingat palagi. The guys assured her that I will be safe at their care kaya kahit papaano ay hindi na siya masiyadong nag-alala lalo na't nahihirapan pa rin siyang mangalap ng impormasiyon tungkol sa sitwasiyon ko.
BINABASA MO ANG
A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)
De TodoA soul transmigrate into another world. Ano ang mangyayari kung ang kaluluwa niya ay lumabas sa katawan na kinalalagyan niya at mismong katawan na niya ang gamit niya sa dimensyon na iyon? Let's just find out the mystery behind it... Language: TagLi...