CHAPTER 14

665 19 2
                                    

TWO years later...

"Nang, pasuyo naman po saglit si Darryl, punta lang po ako sa palengke." Ang tawag niyang Nang ay pinaikli lang na Manang. 'Yon na rin kasi ang nakasanayan niyang tawag kay Manang Esme dahil iyon din ang tawag ng mga kapitbahay nila.

"Sige, Dara, ako na ang bahala sa mistisong ito."

Dara na rin ang pinangalan niya sa sarili niya mula nang tumira siya dito sa Laguna. Ang lapit lang sa Metro Manila pero hanggang ngayon, hindi pa siya natutunton ng ina at ni... Jaylord. 'Yon ay kung hinanap nga siya.

Mas pinili niyang maging low profile. Sa paraang iyon maitatago niya ang sarili. Nagtayo siya ng maliit na negosyo na nakapangalan kay Manang Esme. Isang kainan at all-in-one shop, na mga groceries, gamit sa bahay, mga damit, gamit sa eskwelahan ang mga tinitinda niya. May tatlong tauhan naman siya sa shop at tatlo din sa kainan maliban kay Manang.

Malaking tulong para sa kanilang mag-ina ang naitayong negosyo dahil napupunan niyon ang pangangailangan nila.

Kabuwanan niya noon nang ma-acquire niya ang pasarang gusali na iyon, na hanggang tatlong palapag. Malaki naman ang naipon niya sa ilang taong pagmomodelo kaya nabili niya ng cash. Maliban kasi sa ibinibigay niya sa ina noon, talagang nagtatabi siya para sa sarili.

Hinigit niya ang body bag niya at sombrero nang lumabas. Naipasok na rin niya ang ecobag sa bag niya kanina bago nagpaalam sa matanda. Tulog pa naman si Darryl at mamayang hapon na naman ang gising nito. Panggabi kasi ang anak niya nitong nagdaang linggo– ang ibig niyang sabihin, sa gabi ito naglalaro. Pabago-bago ito, sa totoo lang. Pero may buwan na pang umaga naman ito.

Dahil malapit lang naman ang palengke sa kanila, naglakad lang siya. Mga dalawang kanto lang ang layo.

Kung tutuusin, p'wede niyang iutos ito sa mga tauhan niya sa kainan kaso, namalengke na ang mga ito. Hindi na siya nakapagpasabay dahil nawala na rin sa isipan niya tapos abala pa siya noon sa anak niya.

Bumili lang siya ng gulay at karne na sapat sa kanila ni Manang ng tatlong araw. Ayaw niyang mag-stock nang napakatagal, hindi na kasi masarap kapag niluluto.

Natuto siyang magluto pagkapanganak niya. Though kasama na niya noon si Manang na p'wedeng tagaluto, pero pinili niyang matuto. Nahihiya siyang iaasa ang lahat kaya palitan sila sa pagbantay sa anak at sa gawaing bahay.

"Luya nga po, mga halagang bente lang. Sa sibuyas, limang piraso at tatlong bawang po," aniya nang matapat sa stall ng isang suki. "Pakisamahan po ng pamintang buo, mga halagang sengkwenta lang po." Naubos na pala kasi.

Ngumiti ang lalaki sa kan'ya at agad na tumalima.

Inilinga niya ang sarili dahil baka may magustuhan pa siya. Magta-trickle naman kasi siya kaya okay lang kahit may mabigat, gaya ng prutas.

"Ito na ganda, o."

"Salamat po. Ito po." Sabay abot ng limangdaang piso. Naubos na ang barya niya sa isdaan kanina.

Pagkakuha ng sukli at pinamili ay agad na tumawid siya sa kabila. Bibili siya ng prutas para sa anak. Ginagawa niyang juice iyon para madaling mapainom sa anak.

Napangiti siya nang makita ang malalaking apple. Mukhang masarap kaya inuna niyang lapitan iyon. Kumuha siya ng apat niyon at inilagay sa plastic na bigay ng tindero saka inilagay sa timbangan nito.

"Magkano po?"

"35 ang isa, pero 33 na lang para sa 'yo," nakangiting wika ng tindero.

Ito ang kagandahan dito, lagi siyang nakaka-discount. Ang apple sa kabilang stall, 35 talaga, e. Pero kay Manong naka-discount siya.

Dark Secret Series: Multibillionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon