Chapter 24

7 0 0
                                    

Coffee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Coffee

"Pasok kayo." Anyaya ko sa mga kaibigan.

Sunod sunod silang nagpasukan sa bahay matapos hubadin at igilid ang mga sapatos nila.

"Nandyan na pala kayo," si Mama na kalalabas lang, galing sa kusina at lumabas lang dahil nakarinig ng ingay.

Mama is baking and cooking food for us. Nang tumawag ako kanina ay agad siyang umuwi galing Flowery Bakes kahit na pwede naman kaming um-order na lang ng pagkain.

"Good afternoon po." Sunod sunod silang bumati kay Mama.

Pinagmasdan ko si Shone at si Mama nang magkaharap sila. Mama only smiled and greeted him back. Parang bato si Shone na pinipigilan ang kaniyang hininga. Mukhang nabunutan ng tinik ang lalaki nang makita ang reaksyon ni Mama.

May meetings ang mga teacher namin kaya cancelled ang klase. Pinauwi na rin kami para naman makapagpahinga. Sabi nga ng isang teacher namin ay tapusin na namin ang gagawin at umuwi na sa bahay deretso. Ayan tuloy, sa bahay namin sila umuwi.

"Bakit hindi niyo na yata nakakasama si Wonwon ko?"

"Ay may date po iyon," sabi ni Yuno. Abot ang ngisi at hagikgik. Masiyahin talaga ang taong 'to.

"May girlfriend na ba ang pusang iyon?" Nagtatakang saad ni Mama. She's really fond of him at sino ba ang hindi?

"In a relationship with his duties po. Kadate niya iyong mga papel nila sa SC office."

"Ganoon ba? Uwian niyo na lang ng brownies pag uwi niyo. Sipag naman pala ng batang iyon. Akala ko puro pangungulit lang ang alam dahil sa pilyong itsura. Masipag pala!" Chika pa ni Mama bago pumasok muli sa kusina.

Komportable na si Ian at Ishi sa salas, si Shone na lang ang mukhang hindi pa ayos. Para siyang bato don sa gilid. Ang mga kaibigan niya ay nakikipagkwentuhan na pero siya, nandon lang.

Inabot ko sa kaniya ang remote para siya ang magcontrol ng TV. Mukhang busy na ang apat sa pag-uusap.

"I'll be back. Tulungan ko lang si Mama," mahina kong saad sa kaniya at bahagyang pinalo ang hita niya.

His eyes followed me as I stood.

"Sama ako." Ibinaba niya ang remote sa gilid at tumayo na rin.

"Sure?" Baka kasi naiintimidate siya kay Mama. Pwede naman siyang magstay kasama si Seo at Yuno.

He merely nodded.

Nakasunod siya sa akin papuntang kusina. Mabagal at magaan ang pagtama ng paa niya sa tiles taliwas ng maingay na lagaslas ng panloob kong tsinelas.

"Mama, tulungan ko na kayong maghanda."

I volunteered na rito na lang sa amin kumain kaysa gumastos kami sa fast food. Grabe na rin kasi ang tinaas sa isang fast food na paborito naming kainan. Dati ay madalas kami roon dahil kalayuan ang ibang fast food na mura at noong tuluyan ng magmahal ay mas pinili na lang naming magtipid. Mabuti na lang at nasaktong nandito si Mama.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon