Sumilip sa bintana si Alex. Mula sa kanyang kinatatayuan, nasisilip niya ang pamilyang bagong lipat sa katapat na bahay. Ang kanyang atensyon ay nakatuon lamang sa batang babae na nakaupo sa damuhan habang nakamasid sa mga magulang nito na abala sa pagbubuhat ng mga kahong gamit.
Nakatali ang kulay itim nitong buhok at nakasuot ng pink na blouse at jeans na short. Kahit hindi niya masyadong kita ang kabuuan ng mukha nito, alam niyang maganda ito. Sa bawat galaw at tawa nito, tila may dalang liwanag na pumapasok sa kanyang puso.
Hindi na niya namalayan kung ilang minuto na siyang nakatitig dito, dahil tila may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang humihila patungo sa bagong kapitbahay. Para bang may koneksyon silang hindi pa niya lubos na nauunawaan.
"Alex, bumaba ka muna. Let us say hello sa bago nating kapitbahay," tawag ng ina mula sa ibaba.
Sa narinig na sinabi ng ina, wala siyang sinayang na segundo; dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba sa sala.
"Aba, excited ang baby kong makilala ang bagong neighbor ah," tukso ng ina pagkababa niya.
"Ma, huwag niyo akong tawaging baby lalo na pag kaharap sila. Hindi na ako bata," sagot niya, na may halong pagkapahiya.
Tumawa ang ina. "Sorry anak, nakalimutan ko. Halika na."
Lumabas sila ng bahay, patungo sa gate, at lumapit sa naiwang nakabukas na gate ng kapitbahay. Nasa tapat pa nito ang truck na naghakot ng mga gamit ng mga ito.
"Hello!" sigaw ng ina.
Tama namang nandoon pa ang babae, kaedad lang din ng ina. "Hi," ganting bati nito sa kanyang ina. Lumapit ito sa kanila, at siya naman ay nakatingin sa batang babae na nakatingin rin sa kanya.
Ngumiti siya rito. Laking tuwa niya nang ngumiti rin ito at kumaway pa. Ang mga mata nito ay tila nagliliyab sa saya, at sa kanyang puso, may mga damdaming unti-unting bumubukal.
Hindi na niya pinansin ang ina na abala sa pakikipagkilala sa ginang. Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanila.
"Antoinette, say 'Hi' please," utos ng kanyang ina.
Ngumiti ito at sa napakacute na boses, nagsabi ng "Hi" sa mama niya at huli ay sa kanya.
"Ito naman si Alexa," anang ina.
"Alex nalang po," dugtong agad niya.
"Toni," sagot rin ni Antoinette.
Ngumiti si Alex. "Ilang taon ka na?" tanong niya rito.
"Six."
"Eight naman ako," ani Alex na puno ng pagmamalaki.
"Tatawagin ba kitang Ate?" tanong nito na may halong biro.
Tumawa siya, ikinagulat naman ito. "Alex nalang, okay lang ba?"
Ngumiti ito at tumango, tila nag-uumpisa na ang kanilang pagkakaibigan.
---
Napatingin si Toni sa iniabot ni Alex sa kaniya.
"Ano yan?" tanong niya.
"Bulaklak, para sa'yo."
"Hmm, bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?" tanong na naman niya, may halong pagdududa.
"Wala lang. Ayaw mo ba? Ibibigay ko nalang sa iba," sagot ni Alex na parang nagbibiro.
Bago pa tumalikod ang kaibigan, pinigilan niya agad ito at kinuha mula rito ang isang pulang gumamela. Inipit niya yun sa likod ng tenga at tumingin rito.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈