Prologue

41 4 4
                                    

PROLOGUE

Her Pov

Gabi na. Naglalakad na ko pauwi ng may madaanan akong matandang pulubi na nakaupo sa gilid ng daanan. Kaya naman dumukot ako sa bulsa ko ng barya at nilagay yon sa katabi nyang lata. Bigla akong nagulat nung habang nilalagay ko yung barya sa lata ay bigla syang nagsalita.

"Nakakaranas ngayon ang pamilya mo ng matinding kagipitan, hija."-napakunot noo ako sa sinabing yun nung matandang pulubi na babae. Ganun na ba ko kahirap tingnan kaya nalaman nya agad na sobrang gipit kami? -.-

"P-po?"-tanong ko na naguguluhan.

"Isang tao lang ang makakatulong sayo."

"Talaga po? Sino---"

"NGUNIT! Sya rin ang dahilan kung bakit kayo nakakaranas ng matinding kagipitan. Dalawa ang pagpipilian mo ngunit isa lang ang dapat mong gawin. Layuan sya para sa mga taong mahalaga sayo. O magtitiis ka dahil sya ang taong mahal mo."-saad nung matanda. Kinabahan tuloy ako.

---------

Meteor Garden inspired~~~
More than 10 years na yung Meteor Garden.
Sobrang miss ko na yung Meteor Garden kaya naisipan kong gumawa ng story na base sa MG. BUT! Imbis na F4 na may apat na members gagawin ko syang nine. XD Para mas makulit. Syempre marami ding twists. Sana basahin niyo ~~~ Promise! Di mawawalan ng katatawanan.


When The Devil Is Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon