Bestfriend (One shot)

21 1 0
                                    

2 years.. 2 years ko nang tinatago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Para sa bestfriend ko.

Ang hirap. Pero nakayanan ko. Pero naisip ko din na, ayoko. Bawal 'to eh. Masasaktan lang ako. Pwedeng hanggang kaibigan lang talaga ang tingin nya sa'kin. Masakit man, pero kailangan kong tiisin. Ginusto ko 'to eh.

"Kendi!" Lumingon ako. Nakita ko na naman ang mala-anghel-sa-paningin-ko na pagmumukha ng matalik kong kaibigan.

Pero hindi Kendi ang pangalan ko. Asar lang naman yun ng bestfriend ko. I'm Candice Santos. Alam nyo naman na siguro kung saan nanggaling ang Kendi ng lalakeng 'to.

"Oh." Tipid kong sagot. Gumagawa ko ng report sa Science, at dahil bukas na 'to, kailangang hindi talaga 'ko maistorbo. At dahil din nandito ang bwisit na 'to, mukhang walang epekto ang effort ko.

"Sungit." Sagot nya.

Bumuntong hininga ako. Here we go again.

"Ano ba, Calv. Wala ko sa mood mag basketball, mag xbox, manood ng horror films, mag dota, umakyat sa puno, makipag laro, kumain ng ice cream, mantrip, at kung ano-ano pa. Umalis ka na muna." Tuloy tuloy kong sabi sa kanya. Nakakainis eh.

Tumahimik lang sya. Sumimangot. At umalis. Ha? May nasabi ba 'kong mali?

........

........

........

Ngayon lang nagprocess sa'kin yung sinabi ko. Hala, meron nga. Hay, hayaan mo na nga.

-

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising first subject namin ang Science kaya kailangan talagang maaga. Good girl ata ako.

Nag attendance na kami, wala si Calvin. Wala yung bestfriend ko. Minsan lang naman yun umabsent ah? 'Pag may sakit lang sya, actually. Nag alala tuloy ako bigla.

Sarmiento, David John

Present, ma'am!

Sevilla, Carlo

Present!

Suarez, Calvin Ken

"Absent po ma'am." Sigaw ng ilan kong kaklase. Ano kayang nangyari 'don?

Pagkatapos ng klase, naglakad kagad ako pauwi. Tinawagan ko na din ang mama nya.

"Hello Tita?.........Uhm, ano po..absent po kasi si Calv, nandyan po ba sya?........Ah,sige po............Okay po....Sige po,bye.."

Wala daw sya sa bahay nila. Pero umalis daw sya kaninang umaga.

Sa park na lang ako dumaan pauwi, kahit medyo mas malayo, ayos lang. Kesa naman dun sa kabila 'no! May kapre ata dun eh.

Nakatingin lang ako sa mga paa ko habang naglalakad ako, ng may lumapit na batang lalaki sa 'kin. May dala syang rosas.

"Ate ganda, para sa'yo po." Binigay nya sa 'kin ang dala nyang rosas. "Talaga? Salamat." Ngumiti na lang ako sa kanya at tumakbo naman sya.

Bestfriend (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon