celestial 21

15 2 0
                                    

The last year to remember,

||kiannah||
2022

Mabilis lumipas ang panahon at disiyembre na, masaya ang naging gabi nila Zamora bago kami umalis para magpalipas ng bakasiyon, last dinner night after three weeks.

"What are your plans for Christmas Vacation? There's no class starting tomorrow." tanong ko habang abala sa pagpupunas ng kamay.

As usual si Zamora ang laging sumasagot dahil siya lang naman ang may plano.

"Anyways, I'm going to my grandparents. You know they want their children to celebrate with them, a minimal reunion. I think my boyfriend will come with me, he should." tumawa si Wilhem.

"I can't with this woman! Of course he will, he probably doesn't want you to leave him so he should have to. We should always be the boss, Zam." kinindatan ko siya, tahimik naman ang dalawa habang sabay naman kaming natawa.

Natapos din sa ilang oras ang hapunan namin kasama sila, ngayon kami nalang ni Luinax ang naiwan papunta sa sasakyan niya. Ilang minuto nalang ay flight na namin, ewan ko ba kung bakit night flight ang naisip ni Luinax na kunin.

"Pagkarating natin doon, saan mo gusto pumunta?" tanong ko nang makapasok sa sasakyan.

"We will rest first, Kiannah."

"After that?"

"Netflix and chill?" umiling ako, hindi ako mahilig sa panonood ng movies or video clips. I find it kinda boring, kahit libro ay hindi ko magawang basahin. Mas gusto ko ang lumabas kasama siya kaysa ang manatili sa condo.

"Parang ayaw ko, labas nalang tayo."

"You will always be the boss, Kiannah." tumawa ako't lumapit para pisilin ang pisnge niya, halata naman ang gulat sa mukha niya pero nagpatay malisiya.

Agad kaming sinalubong ng masayang ingay ng dalawang alaga namin, at talagang ni isa sa kanila ay walang lumapit sa akin. Silang dalawa ay nag-uunahan kay Luinax, ano ba ako rito multo?

Pumasok ako sa kwarto para kunin ang mga dadalhin ko, inihanda ko narin ang couple clothes na susuotin namin ni Luinax para sa byahe, tulad ng nakasanayan ay naligo muna ako. Oh diba gabing-gabi ay naliligo, siyempre naman nagpahinga muna ako ng ten munites.

"Ilang beses kana bang nakasakay ng plane?" buhat-buhat ko si Clio sa dalawang braso ko habang panay naman ang amoy niya sa buong mukha ko, pati na nga rin sa iilang hibla ng buhok ko.

"Ilang beses na, but it didn't felt good." napaka-maldita ni Clea dahil ayaw niyang lumapit sa akin, aba!

"Huh, bakit naman? Masaya kaya tsaka chilling." kontra ko.

"Wala kasi akong kasama."

Hindi paman kami nakakaalis ay lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko upang abutin ang bulaklak na nakapatong sa unecessary table ko, malapad akong ngumiti bago humarap sa kan'ya at inabot ang bulaklak na kinuha ko.

Pagtataka ang inukit n'g mukha niya na may halong ngiting tumingin sa akin.

"Bulaklak, para sa iyo." marahan niya itong tinanggap, pilit niyang tinatago ang ngiti.

Under the Vast CelestialWhere stories live. Discover now