This is a work of fiction. The characters, places and events are fictitious. Any resemblance to a real person, living or dead or actual event is purely coincidental.
----------------------------------------------
Gramatical Errors Ahead❗❗❗
Read At Your Own Risk❗❗❗
Ako si Maria Barbara.Nakatira ako sa isang malaking bahay sa liblib na lugar sa bayan ng Ildefonso. Nakapalibot sa aming bahay ay puro kakahuyan lamang at wala kami ni isang kapit bahay. Sumakabilang buhay na ang aking ama at kapatid, si ina naman ay mayroong sakit. Kaming dalawa na lamang ang nagdadamayan t'wing may problema. Bata pa lamang ako ay marami na akong karananasan na hindi ko maipaliwanag. Marami akong naririnig at nakikita pero ipinagsasawalang-bahala ko lamang ito.
Isang gabi habang binabantayan ko si ina ay may narinig akong malakas na kalabog mula sa ikalawang palapag ng aming bahay.
Maria: Ina, narinig mo ba ang ingay na iyon na tila nanggagaling sa itaas.
Ina: Wala naman akong naririnig, marahil ay guni-guni mo lamang iyon. Halika at matulog ka na rin.
Pinilit kong makatulog ngunit pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Nagulat ako ng muling kumalabog sa itaas. Sinundan ko ang ingay hanggang napapunta ako sa isang silid na ipinagbabawal ni ina na aking puntahan. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nakatalikod na lalaki.
Maria: Leo, aking mahal mabuti at dinalaw mo akong muli.
Humarap ito sa akin. Ang kisig talaga ng aking mahal kaya hindi ko hahayaan na may humadlang sa aming pagmamahalan.
Leo: Ako'y nagagalak rin na ikaw ay aking makita, aking mahal.
Maria: Malapit na mahal, malapit na tayong magkasama.
Lingid sa kaalaman ni Maria ay sinundan siya ng kanyang ina. Nakita nito kung paano sya pumasok sa isang madilim na silid na kailanman ay hindi niya magawang pasukin, tanging sinag ng buwan lamang ang nagbibigay liwanang dito. Sumilip siya sa nakaawang na pinto at nakita niya kung paanong masaya itong nakikipag-usap kahit walang tao sa loob. Nanlaki ang mata nya nung makita itong kumuha ng punyal sa lumang aparador at humarap ito sa gawi nya.
Maria: Ina anong ginagawa nyo rito?
Tanong ko sa kanya. Bakas ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa punyal na aking dala.
Ina: Anak, bakit may dala ka na ganyan?
Maria: Gusto ko lamang po makipaglaro sa inyo.
Sabi ko habang nakangiti. Unti-unti syang umatras at nagtatakbo pababa ng hagdanan kaya sinundan ko sya habang may ngiti sa aking labi.
Maria: Ina, huwag kang matakot. Nais ko lamang na makipaglaro.
Malakas akong tumawa nang makita ko ang panginginig ni ina habang nakaupo sa sahig at umaatras, ganyang-ganyan din sina lola at lolo pati rin si ama at si bunso nung nakipaglaro ako sa kanila.
Maria: Halika, hindi kita sasaktan
Ina: Pakiusap,bitawan mo iyan.
Inilahad ko ang aking mga kamay kay ina.Tinanggap nya ang nakalahad kong kamay kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para ibaon ang punyal sa kanan nyang dibdib. Nanginig ako ng makita ko ang dugong dumadaloy mula sa kanyang dibdib. Nanlambot ako nung mapagtanto ko na wala ng buhay si ina.
Maria: Ina, ina gumising ka!
Ngunit hindi na sya gumising pa. Kagaya ni ama,ni bunso,ni lola at lolo ay pinatay ko din siya, pinatay ko ang sarili kong ina.
Leo: Bakit ka umiiyak mahal? hindi ba dapat maging masaya ka dahil wala ng hahadlang sa atin?
Maria: Mahal, si Ina! wala na si Ina! Pinatay ko sya! Siya na lamang ang natitira kong pamilya.
Leo: Wala kang kasalanan at huwag kang mag-alala nandito naman ako, isasama kita sa aking paraiso. Ako ang magiging pamilya mo.
Pinunasan ko ang aking mga luha at niyakap siya ngunit kasabay noon ay naramdaman ko ang isang matulis na bagay na bumaon sa aking likuran.
Leo: Akin ka lang Maria, akin ka lang!
Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay iyon ang huling katagang aking narinig na nasundan ng isang malademonyong pagtawa.
Nagising ako at nasilayan ko ang isang lugar na hindi pamilyar, nakakadena ang aking mga paa at kamay. Ramdam ko na tila nagliliyab ang aking katawan.
Maria: Ahhhh tulungan nyo ako, tulungan nyo ako!
Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit na aking naramdaman, muli kong pinagmasdan ang paligid ko. Napakaraming apoy, madaming tao ang nasusunog. Humihiyaw sila at umiiyak habang humihingi rin ng saklolo katulad ko.Napagtanto ko na ako pala ay nasa impyerno.
- 𝑒𝑛𝑑
