Kinabukasan nagising ako dahil may humalik sa noo ko.
"Good Morning!" Masiglang bati nya sa akin habang nakangiti.
"Good morning"
"Nagugutom ka na ba?"
"Hindi pa,may iniisip lang kasi ako"
"Ano naman yun?" Hindi ko sya sinagot at tinalukuran ko nalang sya.
Niyakap naman nya ako mula sa likod. "Sabihin mo na,ano ba yung iniisip mo?"
"John,pa'no kapag ano..kapag may nabuo tayo" Hindi nya ako sinagot,haharap sana ako sa kanya pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkalayakap nya sa akin.
"John naman eh, sagutin mo yung tanong ko"
"Kung may mabubuo man edi pananagutan ko,kung wala naman edi gawa pa tayo"
Napabalikwas ako ng bangon sa sinabi nya,nilingon ko sya at nakita kong pangisi-ngisi sya.
"Sira ulo ka!" Sabi ko sabay palo sa kanya. Tawa naman sya ng tawa.
Mayamaya pa may narinig kaming komosyon sa labas ng building kung saan kami umuupa. Kaya nagbihis na kami at sumilip sa bintana.
Nakita naming nagkakagulo ang mga tao sa baba dahil sa pagdating ng isang kotse. Sino kaya yung sakay ng kotse? Kamag-anak yata ng land lady namin dito
Bumaba kami ni John para alamin kung anong nangyayari,kasunod naman naming bumaba ang Mama ni John na parang kagigising lang din.
"Anong meron dito?" Tanong ni John dun sa isang lalaki.
"Hindi ko nga rin alam,basta bigla nalang dumating ang mga kotseng yan at bumababa yang mga nakaitim na lalaking yan" yung tinutukoy nung lalaki ay yung mga lalaking nakablack suit.
Hindi parin natigil ang mga usap-usapan hanggang sa may lumabas na lalaki. Ikinabigla ko kung sino ang lumabas mula sa kotse.
"Dad?" Malakas kong sabi dahil sa sobrang gulat,kaya naman nakuha ko ang atensyon ng lahat pati na si John na parang gulat na gulat.
"Stop playing hide and seek Krishna,time to go home" sabi nya sa akin.
"No Dad I'll stay here! masaya na ako dito kaya please hayaan nyo na ako" matigas kong sabi habang nakahawak ako sa braso ni John.
"Oh come on Don't fool me,hindi mo kayang mamuhay sa lugar na 'to ng matagal"
"You're wrong Dad, I already did! I've been living here for two months"
"Two months? That's only a short period of time,so please don't make things difficult for all of us Let's go home"
"No! I am not going home with you"
"So that's what you want,well then pagbibigyan kita Bakit ba gusto mong magstay dito? Give me one good reason why I should let you live here""Dahil gusto ko dito masaya ako dito,malaya ako at hindi nakakulong sa hawla ng pera nyo at higit sa lahat nandito ang taong mahal ko" sabay tingin ko kay John.
"Oh I get it! Kaya pala ayaw mo ng umuwi kasi may ipinagmamalaki ka na,sya ba? Siya ba ang ipinagmamalaki mo?" Ngumisi si Dad at para bang may kabuluhan ang pagngisi nyang yun.
"Oo sya ang lalaking mahal ko" tinignan ko si John at hinihintay ko na magsalita sya pero walang lumabas na kahit na anong salita mula sa bibig nya. Umurong na ba ang dila nya? Kinakabahan ba sya dahil kay Dad?.
"Gaano mo na ba sya kakilala sa loob ng dalawang buwan? Alam mo na ba ang mga baho nya?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala ka talagang kaalam-alam,tsk! tsk! tsk!"
Hindi ko gusto ang tono ni Dad kasi parang may alam sya na hindi ko alam,at mas lalo akong kinakabahan dahil wala pa ring sinasabi si John na kahit ano.
"Wag ka na ngang magpaligoy-ligoy Dad,diretsuhin mo na ako"
"Come to think of it Krishna,wala ka bang naalala sa kanya? Wala ka bang naalala nung gabing naligaw ka?"
Naguluhan ako sa sinabi ni Dad,pero mas pinili kong isipin kung ano yun. Nagflashback sa akin ang nangyari nung gabing yun pero hindi ko parin nakuha kung ano yung gustong sabihin ni Dad.
"John! My boy! Stop acting like an innocent man! Tapos na ang pagkukunwari,pwede mo ng ilabas ang tunay mong pagkatao" sabi ni Dad kay John.
Tinignan ko naman si John pero nakatingin sya kay Dad magkakilala sila? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Ang dami kong tanong na walang ibang makakasagot kundi si John at si Dad.
"Kilala mo si Dad, John?" Tumingin si John sa akin at hindi ko gusto ang ipinahihiwatig ng mga mata nya.
"Krishna.." magsasalita na sana si John ng biglang magsalita si Dad.
"Si John lang naman ang nangholdap sayo ng gabing yun at binayaran ko sya para gawin yun"
"Binayaran? Bakit Dad? Bakit?" Gulong-gulo kong tanong.
"Para turuan ka ng leksyon,at alam mo bang matagal ko ng alam na nandito ka? Hinayaan ang kitang mabuhay ng panandalian sa pantasya mo,thanks to John dahil sa kanya nalaman ko kung nasaan ka"
Naguguluhan na ako,hindi ko alam kung paniniwalaan ko si Dad sa mga sinasabi nya tungkol kay John o kung panghahawakan ko nalang yung mga pinagsamahan namin ni John ng dalawang buwan.
Kasinungalingan lang ba ang lahat? Pinaglaruan lang ba ni John ang nararamdaman ko para sa kanya?. Dahil sa hindi inaasahang bisita,naguguluhan na ako ngayon ng sobra.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤
Krótkie OpowiadaniaHer holdaper is her lover?!OMG i smell trouble!...but what if malaman mo na trinaidor ka nya mamahalin mo pa rin ba sya?o magmomove-on ka na?.. This is a story of Krishna Jewel Oxford na isang anak ng mayamang may-ari ng isang tanyag na jewelry shop...