❤His Revelation

160 10 2
                                    

"Hindi totoo yang sinasabi mo Dad,nagsisinungaling ka lang para sumama ako sayo" paninindigan ko.

"You really think that I'm lying huh? Bakit hindi mo itanong sa kanya mismo?"

Tumingin ako kay John,hindi parin sya nagsasalita.

"John,sabihin mo sa akin na na nagsisinungaling lang si Dad sabihin mo na hindi totoo ang lahat ng sinabi nya John handa kong talikuran ang lahat para sayo"

Yumuko si John at hinwakan nya ang mga kamay ko,nangingilid naman ang mga luha sa mga mata ko at alam kong anytime babagsak na ito.

"Krishna, I'm sorry.."

"Bakit ka nagsosorry John? Diba hindi naman totoong niloloko mo lang ako? Diba totoo na mahal mo ako? Diba hindi naman kasinungalingan ang lahat ng ipinakita mo sa dalawang buwan na magkasama tayo?"

Hindi ko na napigilan at bumagsak na ang mga luha ko.

"I'm so sorry" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya.

Sorry..yan lang ang masasabi nya para mapawi ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Sorry? Bakit ba lagi akong tinatraidor ng mga taong mahal ko tapos ang maisasagot lang nila ay Sorry? Ganun ba kahirap na ipaliwanag kung bakit nila ginagawa 'to sa akin?

"Kasinungalingan lang pala ang lahat,palabas lang pala ang ipinakita mo sa akin at nagawa mo yun ng dahil sa pera magkano ba ang kailangan mo? Kulang pa ba ako?"

"Krishna magpapaliwanag ako" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Huli na para dyan,alam ko na ang totoo at hindi na ako kailan man magpapaloko at magpapadala sa mga mapanlinlang mong salita!" Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya.

"Cut that drama,kunin nyo na sya" sabi ni Dad sabay utos dun sa mga body guards nya.

Hinawakan ako ng mga bodyguards sa braso,at hindi ko na nagawa pang malaban nanghihina ang katawan ko sa nalaman ko.

Para saan pa ang paglaban ko kung mag-isa lang pala akong lumalaban? Mapapagod lang ako,wala ng lakas ang puso ko dahil dinurog 'to ng lalaking pinakamamahal ko

Habang pinapasakay ako ng kotse hawak sya ng ibang guards na nanlalaban at gusto akong pigilan sa pag-alis Huli na John,hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagtatraidor sa akin

_His POV_

Nangyari na ang kinatatakutan ko ang mawala sya sa akin ng dahil lang sa nagawa ko para sa Mama ko.

(Flashback)

"Siya na po ang sinasabi ko sa inyo Mr. Oxford" sabi ng kaibigan ko sa may edad na lalaki.

"Maupo ka Ijo" sabi nya sa akin,agad ko naman syang sinunod at umupo ako.

"Sabi ng kaibigan mo sa akin kahit anong trabaho kaya mo,tama?"

"Opo"

"Mabuti kung ganun,wag lang mag-alala simple lang naman ang ipapagawa ko sayo hindi ka mahihirapan"

"Kahit ano pa po gagawin ko"

"Pinapahanga mo ako at dahil dyan ito na ang kabayaran sa gagawin mo" sabay aboy nya sa akin ng isang sobre na may lamang pera.

"Salamat po"

"Ang kaibigan mo na ang bahala sayo,pagbutihan mo ang trabaho no at baka dagdagan ko pa yan"

"Sige po" lumabas na kami ng opisina nya.

Mama maipapagamot na rin kita,wag kang mag-alala Ma ako ng bahala sa lahat

(End of Falshback)

Ang buong akala ko noon ay yun na ang pinakatamang desisyon na ginawa ko para mailigtas ang buhay ng Mama,hindi ko alam na yun din pala ang magiging dahilan para mawala ang babaeng mahal ko.

Mahal ko na si Krishna mula noong una ko palang syang nakita at mas lalo ko pa syang minahal sa pagdaan ng mga araw.

Pero noong nalaman ko na anak sya ng lalaking nag-utos sa akin na takutin sya nagdalawang isip ako na panindigan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Dapat pala hindi ko nalang ipinaalam sa Papa nya na alam ko kung nasaan sya.

(Flashback)

Habang kumakain si Krishna ay inikot ko ang buong kwarto na inuupahan nya hanggang sa makakita ako ng isang picture ng isang pamilya. Isang babaeng may hawak na baby at isang lalaki.

Pamilyar sa akin ang lalaki na nasa picture,sya yung lalaking nag-utos sa akin na holdapin yung sarili nyang anak Hindi kaya ang babaeng 'to at ang babaeng hinoldap ko ng araw na yun ay iisa?

Tinignan ko si Krishna hindi ako maaring magkamali, Kaya pala pamilyar sya sa akin

Kaya ng mabalitaan ko na nawawala ang anak ng mga Oxford agad akong tumawag sa kanya.

"Hello? Who's this?"

"Si John po 'to Mr. Oxford"

"Madami akong ginagawa ngayon,bakit ka napatawag?"

"Nabalitaan ko po na nawawala ang anak nyo,alam ko po kung nasaan sya"

"Nasaan! Nasaan si Krishna?"

"Nasa lugar po namin sya ngayon,at nangungupahan sa isang maliit na unit"

"Ganun ba,John may ipapagawa ulit ako sayo"

"Sige po"

(End of Flashback)

Ipinag-utos nya sa akin na sakyan lang ang anak nya,pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos mas lalo ko syang minamahal,mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Pero hindi ko alam kung matatanggap pa niya matapos ang lahat ng nagawa kong kasalanan sa kanya.

Patawad Krishna..hindi totoong kasinungalingan lang ang lahat, totoo ang lahat ng ipinakita ko sayo at higit sa lahat totoong mahal kita..Mahal na mahal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon