Lumabas na silang lahat sa isang videoke room at isa-isang nagpaalam para umuwi. Isa na dito ang kaibigan ni Gianna na si Angie. Sila na lamang dalawa ni Matt ang natirang magkasama,alam niyang mangyayari iyon dahil nga plano ito ng mga katrabaho niya.
"Ahmm,so ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" Naglalakad lakad na sila sa isang sidewalk papunta sa isang waiting shed.
"Ahh ako? Mamaya pa. May pupuntahan pa ako saglit. Ikaw?"
"Ahh sasakay na sana ko sa susunod na parating na bus. Pero,gusto mo bang samahan muna kita?" Alok ng binatang nasa harapan ni Gianna. Natutuwa ang dalaga kasi this time,hindi pumalpak ang pakikipagkilala niya sa lalaki at mukhang naging successful ito.
"Ahh nako,hindi na. Dyan lang naman iyon at uuwi na rin ako agad. Tsaka anong oras na din oh? Last ride na ng bus." Tinanggihan ng dalaga ang alok nito,kasi ayaw niya namang magpa importante sa binata at isa pa nakakahiya.
"Sure ka?"
"Yup" nginitian niya ang binata at nagsimula ng maglakad palayo.
"Uhmm,bye Gianna" nagwave naman ito para magpaalam at ginantihan din ito ng dalaga ng pagkaway.
Tumalikod na ulit siya at nagsimula ng maglakad papunta sa isang convenient store.
Ang totoo nito kaya hindi siya nagpasama kay Matt dahil bibili siya ng sanitary napkin. Nakakahiya naman kung kasama niya ang binata at 'yun ang makikitang bibilhin niya.
Papasok na siya sa isang convenient store ng biglang may lalaking pasuray suray na nangunang pumasok sa kanya.
"Mga kabataan nga naman talaga". Nagpatuloy sya sa pagpasok sa convenient store at dumiretso sa section ng bilihan ng sanitary napkin.
Kumuha sya ng isa at pumunta sa bilihan ng mga drinks para bumili ng maiinom bago umuwi. Nakita nyang nandoon din ang lalaking pasuray suray kanina,kumukuha ito ng beer. Tinitigan nya ito at sa kanyang tantsa ay kaedad lang ito ng nakababata niyang kapatid.
"Hoy" tinawag nya ito,naiinis siya sa mga gantong uri ng kabataan,nakikita nya kasi sa ugali ng kapatid nya iyon.
"Ako?"
Lumingon ito sa kanya at itinuro pa ang sarili.
"Oo ikaw! Mabuti pa umuwi ka na sa inyo baka hinahanap ka na ng nanay mo. Kayo talagang mga kabataan kayo".
Sinisinghalan niya ang binata. Dahil sa tingin niya na dapat lang na pagsabihan ang ganitong kabataan.
"Nanay ba kita?" Tumalikod ang binata at nagsimula ng maglakad papunta sa counter ng biglang--
*boogsh*
"Aray!" Sapul ang ulo ng binata ng isang bote ng mineral water.
"Bulls eye" nagsimula na siyang maglakad at nilagpasan ang binata sabay diretso sa counter.
"Ito lang po,miss?" Sambit ng kahera kay Gianna dahil nagtitingin tingin pa noon ang dalaga ng mga Magazine sa gilid.
"Ahh--"
Sumulpot ang binata dala ang mga beer at inilapag sa counter.
"Ate! Ito pa oh. Pakibayaran na rin" ngumiti pa ang binata kay Gianna. Ngiting pang-asar.
"Kapatid nyo po?"litong tanong ng kahera.
"Ahh h--"
"Opo,ate ko po siya miss. Mabait 'yan. She allow me to drink. So,hihintayin na lang kita sa labas ate ahh?" Ngumiti pa ito sa cashier at kay Gianna sabay labas ng convenient store.
"Aba talaga naman!"
Wala nang nagawa si Gianna,hinayaan niya na lang ang binata at binayaran ang mga beer na inilapag nito sa counter.
Pagkaabot sa kanya ng cashier ay agad siyang lumabas ng convenient store.
*uwaaaaaak* *uwaaaaaaak*
(Sounds ng nagsusuka)
Nakita niya sa isang tabi ang binata at mukhang hapong hapo na sa pagtawag ng uwak.
"Oh ano?! Kaya mo pa?" Hinagod niya ang likod nito.
"Oo naman,akin na yung beer" humarap ito sa kanya habang pinupunasan ang bibig. Sabay kuha sa supot na may lamang beer. Binuksan niya ang isa at agad na nilagok.
"Aba! Hapong hapo ka na nga sa kakasuka,nakuha mo pang uminom ulit? At saka,pera ko pinambayad ko dyan no! Kung makahablot ka! Sino bang mga magulang mo ha?!" Inagaw ulit ni Gianna sa binata ang supot na mau lamang beer.
"Bakit ba napaka pakielamera mo? Umuwi ka na nga sa inyo,hinihintay ka na ng asawa't anak mo!"
Parang mga sira na nagtatalo ang dalawa sa gilid ng kalsada,mabuti na lamang at wala nang masyadong taong nagdadaan doon. "Walang naghihintay sakin sa bahay! Ikaw ang umuwi sa inyo,naghihintay ang mga magulang mo"
Humarap sa kanya ang binata at itinapon sa gilid ang simot ng lata ng beer. "Ahh! Siguro iniwan ka no? Ang ingay kasi ng bunganga mo eh!" Dinuro duro pa siya nito habang nagsasalita.
"Aba talaga na--"
*uwaaaaaaaaak* *uwaaaaaaaak*
This time,sa harap na niya sumuka ito at natalsikan ang damit niya. Lasing na lasing na ang binata at tipong lalagpak na sa kalye ng hawakan ito ni Gianna. Pumara sya ng taxi at agad namang sumakay roon.
"Ma,sa Geology St. Po".
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
RandomKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...