MABILIS ang naging kilos ni Darlene sa kusina nang marinig ang busina sa labas ng bahay niya.
"Naku! Sabi nang ako na ang bahalang maghugas diyan ng mga pinggan. Tingnan mo, maabutan ka pa ng asawa mo na hindi ka pa nakaligo."
Hindi na niya kinorek si Manang Esme tungkol sa kanila ni Jaylord. Na hindi naman talaga niya ito asawa noong unang punta nito.
"Ayos lang, 'Nang. Minsan lang naman 'to. Saka, makakapaghintay naman siya."
Ipapasyal kasi sila ni Jaylord sa Tagaytay tapos deretso sila sa bahay nito para doon muna mamalagi nang ilang araw. Nahihiya kasi ito kay Manang Esme lalo na kapag gusto nitong tumabi sa kan'ya.
Hindi pa niya nababanlawan ang mga baso nang marinig ang boses ni Jaylord, kausap nito si Manang. Na-missed niya ito kahit papaano. Tatlong araw kasi ang nakalipas mula nang huli itong dumalaw sa kanilang mag-ina. Hindi pa niya sinasagot ito, pero pursigido sa panliligaw sa kan'ya.
Isang buwan na ang nakalipas mula nang mag-usap sila sa bahay nito sa may Tagaytay. Isang buwan na rin itong nanliligaw sa kanilang mag-ina. Halos araw-araw ito sa bahay nila, pinagbabantay niya kay Darryl, o 'di kaya ng tindahan.
"Hi," anito sabay hawak sa bewang niya.
Bahagya pa siyang napapitlag dahil biglang daloy ng kuryente sa kan'ya mula sa kamay nito.
Ngumiti siya rito nang balingan niya.
"Malapit na akong matapos dito."
"Gusto mo bang tulungan kita?" Tumingin pa ito sa sink.
"'Wag na. Pakibihisan na lang muna si Darryl. Okay lang ba?"
"Sure."
Napaawang siya ng labi nang bigla itong humalik sa pisngi niya sabay talikod din sa kan'ya.
Sinundan niya ito nang tingin, hindi man lang lumingon sa kan'ya. Sasamaan niya sana nang tingin kasi.
Pagkatapos niyang maghugas ay nagmadaling pumasok siya sa silid nila ng anak. Naabutan na niyang naglalaro na ang mag-ama.
Naghila siya nang bathrobe at towel sa closet niya bago pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya sa labas kahit na nandoon ang binata.
Nahuhuli niyang nakatingin ito sa kan'ya pero agad ding inililihis. Naiiling na lang siya kapag gano'n ang ginagawa nito.
"'Yang dalawang bag na 'yan, dadalhin natin 'yan."
"Okay. Eh, ang damit mo?"
Tinuro niya dito ang isang shoulder bag. Apat na pares ng pambahay at tatlong dress na panglakad ang dala niya. Marami rin naman siyang baon na underwear at bra.
"Ang konti," komento nito. "'Di bale, magpapabili na lang ako kapag kulang ka ng susuotin."
"Hindi naman tayo magtatagal doon, 'di ba?"
"I dont know. Iniisip ko ngang 'wag na kayo iuwi dito, ideretso ko na lang kayo ng Maynila."
"Jay," aniya.
"Kidding aside. Anyway, ayaw mo bang makita ang Mama mo?"
"Bisitahin ko na lang siya soon. Busy pa ako dito, e."
"Okay." Hinagod siya nito nang tingin. "Let's go? "
Tumango siya dito pagkuwa'y kinuha ang anak. Si Jaylord naman ang nagdala ng mga bag na may lamang damit nila.
Bago sila pumunta sa pasyalan ay iniwan muna nila ang mga gamit at dinaanan ang inorder ni Jaylord na pagkain. Magpi-picnic kasi muna silang tatlo.
Pagkatapos mag-picnic ay niyaya siya ni Jaylord sa amusement park at doon na nagpalipas hanggang hapon. Bago magtakipsilim din ay bumalik na sila ng bahay ni Jaylord.
BINABASA MO ANG
Dark Secret Series: Multibillionaire Obsession
Romance--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)--- Blurb: Love at first. 'Yon ang unang naramdaman ni Jaylord Del Franco sa batang babae na siyam na taong gulang. Daisy-siyete lang siya ng una niyang makilala si Darlene Dixon. Kahit siya hindi niya...