Once upon a time, I was in a very deep sleep, at sa sobrang lalim ng tulog ko posibleng di na ko magising (wag naman sana), but suddenly I heard this annoying sound, as in annoying talaga...
"Di mo alam dahil sa'yo ako'y 'di makakain, 'di rin makatulog buhat ng iyong lokohin, kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo, tulad mo na may pusong bato."
Napakanta ka? Sorry, that was the alarm tone of my phone, I thought I was just dreaming lang, gising na pala ko. Akalain mo yun, its morning already.
At dahil umaga na, isa lang ibig sabihin yan, gising-gising, bangon-bangon, at galaw-galaw din pag may time dahil may pasok pa, hehe, nakikiuso lang.
Tiningnan ko muna yung oras sa phone ko and it's already 6 o'clock, too early pa pala, kaya dapat siguro matulog muna ko. Oops! Joke lang, alas-syete kaya pasok ko, anu ko hilo. Baka ma-late na naman ako, alam niyo na, napaka-strict ng professors ko, especially yung prof. namin sa sa first subject, Biology. Siya lang naman kasi yung katangi-tanging nagpapatupad ng close-door policy sa school. But so much for that, ikwekwento ko na lang sainyo mamaya, kailangan ko munang mag-prepare for school eh.
So yun na nga, bumangon na ko, but suddenly, I heard again an annoying sound, or should I say super-duper annoying na boses. Guess what? I mean guess who pala? Syempre heto na naman yung parang pari kung makapangsermon, at yun ay walang iba at nagiisang si MAMA, kinapitalized ko na yan para maemphasized. Kay aga-aga sermon na naman niya yung naririnig ko, 'di ko na lang iniintindi, pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa, ganun yung ginagawa ko araw-araw. Memorize ko na nga mga lines niya eh, pero kahit siya ganyan, love na love ko siya, siya ang best MAMA in the whole world, capitalized again para maempasized na she's the best. Bakit nga ba? Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako nandirito sa mundong ibabaw, humihinga at masayang nabubuhay, at syempre siya rin ang dahilan kung bakit ako nag-aaral. Dugo't pawis lang naman niya ang sina-sacrifice para makapag-aral lang ako sa isang mamahaling university.
Dami ko na palang nasabi, pero di niyo pa ko nakikilala, I'm Josh Enriquez, 18, at proud ako na 4th year na ko, at syempre sa college. Yeehey! Isang taon na lang pala at gragraduate na ko, (well, di ka pa dyan sure, kaya aral- aral din ng maigi pag may time para sure na makapasa ka). Yung may open and close parenthesis yun pala yung konsenya ko, haha, may konsenya pa talaga.
FACT, Di naman talaga ko matalino at di rin naman bobo, average lang kunbaga, minsan mahiyain, minsan hindi, pero inilulugar ko naman ang pagiging makapal ang mukha ko. Sabi ng nanay ko, ako raw ang pinakagwapong lalaki sa buhay niya, bukod sa yumao kong tatay. Oh di ba, kahit papaano, eh may nakakaapreciate din pala ng kagwapuhan ko. Maiba naman tayo, nagaaral pala ko sa Saint Joseph University, isa sa pinakasikat at kilalang private school sa lungsod namin. At ang ipinagmamalaki ko tungkol dito ay isa rin sa pinakamahal, pagdating sa tuition fee, laboratory fee, library fee, guidance fee, insurance fee, internet fee, at iba pang fees. Kaya tanung ko lang, wala bang e-fees? As in flying e-fees. (ang corny, ang corny3x mo) Promise last ko na po yun.
Fees-te naman talaga oh. Kayhirap talagang maging estudyante noh? It's worth stu-DYING for, eh ikaw ba naman ang mamatay-matay na sa kakareview, tapos pag examination day na, eh di naman pala kasama yung reniview mo sa coverage nung exam, eh halos literal mo na ngang masunog yung magkabilang kilay mo sa kaka-aral, eh hindi pa rin sapat para pumasa ka, yun talaga ang masaklap sa lahat. Buti na lang ako, kahit easy-go-lucky na student, sa awa naman ng panginoong may kapal, nakakapasa rin, kahit man yan pasang-awa eh, ayus lang, ang importante, nakapasa ka, period.
At yun na nga, heto na ko, nakasakay ng jeep papuntang school, nakaupo ako sa likod ni manong driver. At since dito ko piniling umupo, wala akong magagawa kundi tanggapin ang part-time job na iniatang sa'kin, ang maging taga abot ng bayad kay manong. Pero okay lang yun, dahil katabi ko naman crush ko, pero di ko alam name niya eh, kaya Angel na lang muna yung itawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Isang Estudyante
Short StoryHello sa mga magaganda’t gwapong nagbabasa diyan. Kumusta na kayo? Heto mabuti naman ako… Oo nga pala, nais ko lamang ibahagi sainyo ang isang produkto ng aking makulit at malawak na imahinasyon bilang isang trying hard na manunulat??? Ang kwe...