CHAPTER 39 *Date*

892 36 12
                                    

CHAPTER 39 *Date*

Renzel Carl


"Sino nalang kakausapin ko sa buong Araw?"


Yan ang sinabi ko sa kaniya, Napatunganga naman siya sa akin.

"Ang OA bespren, Andiyan naman sina Janine, Yung ibang kaklase natin." Sabi ko.

Ayoko lang talaga, Ayoko na hindi kami mag-usap, at lalong ayokong hindi kami magpansinan.

Nakakainis naman kasi eh, Sino ba kasi ang may pakana nito? -.-

"Oo na papayag na ako bespren, Isang araw lang ha? Isang araw lang." sabi ko.

Tumango naman siya. Tapos hinawakan ko yung kamay niya.

Nagulat siya sa ginawa ko, Pero hindi ko pa rin ito binitiwan.

Ang sarap pala, Ang sarap sa feeling na hawak ko yung kamay niya.

Malambot yung kamay niya, At ngayong magkahawak kami ng kamay, Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.

Yung parang may nagkakarerang kabayo.

Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon, Masaya. Sobrang saya.

Feeling ko girlfriend ko na siya, Feeling ko ako yung nagmamay-ari sa kaniya.

Maya-maya bigla niyang ginalaw yung kamay niya at inalis sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Ah eh, Bespren, Uhm-ano Ah, CR lang ako." Sabi niya.

Sabay takbo papunta sa CR.

Anyare dun? -.-

Ayun na eh, Moment na namin yun eh.

Susulitin ko na tong araw na to na makasama siya, Bukas hindi na kami magpapansinan.

Lumabas siya sa CR at pumunta ulit sa upuan namin.

Nagbasa nalang siya ng libro niya, at ako naman ito di mapakali dahil sa iniisip ko pa rin yung mangyayari bukas. -.-

Ay, sasabihin ko nga pala kay Xei na pupunta kami mamayang mall.

Kinalabit ko siya.

"Bespren, Mag-mall tayo mamaya." Sabi ko.

Tumingin siya sakin sabay ngiti.

"Okay bespren." Sabi niya.

Piningot ko lang naman yung ilong niya.

"Aray naman bespren." Pagmamaktol na naman niya.

Nakabusangot na naman yung mukha. HAHAHAHA. Ang cute niya tingnan pag nagagalit siya.

"Sorry na bespren." Sabi ko.

Tumango lang siya.

Kaya ayun nakangiti akong tumingin sa harap.

Nang biglang:

"Aww bespren." Sabi ko.

Paano piningot niya din yung ilong ko. Baliw talaga, Gumanti pa.

"Sorry bespren, Gumanti lang." sabi niya sabay tawa.

Ayos na rin tong nag-aasaran kami, Kasi bukas. Hindi namin to magagawa, Dahil sa Lintik na dare na yan.

-==-


"Yun, So pumayag na silang dalawa. Bukas na magsisimula yung dare." Sabi ni Janine, habang naglalakad kami papunta sa parking.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon