Chapter 13 - Unexpected

472 12 1
                                    

Ryla

Makalipas ng isang buong buwan after ng sa sine, araw na ng contest ko.

Kakagulat nga eh. Isang buwan nila ako hindi pinansin, hindi kinausap o nilapitan. Masakit pa doon, isang buwan akong di kinausap ng bestfriend ko na si Krystal. Feeling ko nga galit sila sa akin. Feeling ko pinagtabuyan nila ako.

Hay, bahala na nga. Kailangan kong magfocus.

Naligo na ako at nagbihis. Binitbit ko damit ko para mamaya at pumunta na ako sa school. Sa school kasi gaganapin yung contest.

Kinakabahan ako.

Oo nga. First time kong sumali sa contest. HA HA HA.

Nakarating na ako sa school. Ito na. Nakita ko na iba kong kalaban. Hala-

"Ryla! Goodluck!" Nagulat ako nang niyakap ako nila Krystal. Kala ko ba-

"Ano ka ba?! Hindi kami galit sa'yo. Binigyan lang namin ikaw ng space para mag-isip. Okay?" Inexplain ni Krystal as if nabasa niya thoughts ko.

"Tsaka, bakit naman kami magagalit sa kaisa-isa naming Ryla?" Nagtawanan kaming lahat sa comment ni Brandon. Halos mapaiyak na ako dito. Sino naman di maiiyak sa ganitong sitwasyon?

"Hiramin ko muna si Ryla. Ryla! Ryla! Tara na! Magsisimula na!" Inagaw ako ni ma'am sa barkada. As in, hinila nila ako palayo.

"Ma'am naman eh!" Angal ko.

"Sshh! Late ka na nga eh. Magbihis ka na." Binigay niya sa akin yung paper bag na may lamang damit.

"Napractice mo ba yung kakantahin mo?" Tanong sa akin. Nahulaan mo niyo na ba contest ko?

"Opo miss. Ilang beses na po." Oo, sasali ako sa singing contest. Pwede naman si Krystal yung isali, ako pa napili. Buhay nga naman.

Pumasok na ako sa rest room at nagbihis. While yung iba naka-dress, ako naka-casual outfit lang. (A/N: outfit is on the sidebar ^_^)

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako at hinanap ko yung- gitara kooo!! Bwisit nakalimutan ko.

"Ma'am! Yung gitara ko, nakalimutan ko!"

"Hala paano yan? O siya, manghihiram ako. Kumalma ka lang." At nawala sa tapat ko si ma'am.

Paano ako kakalma? Ano ako? mag-aacapella? Mag-aala-Barden Bellas ako? Yeah, I'm addicted to that movie haha.

"5 minutes nalang!" Sigaw ng nag-ooperate. Hala! Panic mode!

Halaaaa... Juicecolored. Omfg. Gaaaah!

Umiikit na ako sa backstage. Literally. Tumitingin ako sa paligid, hinahanap ko si ma'am. Nasaan na ba yun?

Pumasok na yung unang contestant. Hala, pangatlo pala ako. 15 kaming schools maglalaban. Pangatlo ako.

Bumalik na yung first contestant at tinawag na yung pangalawa.

Teka, pangalawa? Ako na AGAD susunod? No effing way.

Nasaan na ba si miss?!

"Ryla!" Huh? May tumatawag ba sa akin?

Shinake ko ulo ko. Nanaginip lang ata ako.

"Ryla!" Nakita ko si Rence, tumatakbo papunta sa akin, bitbit gitara niya.

Anong ginagawa niya dito?

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon