"Wow! Ang bango naman niyan, Hon. Anong putahe ang niluluto mo?" Malambing na tanong ni Kendrick sa asawa niyang si Kristine. Yumakap ito sa asawa at sumilip sa niluluto nito.
Ngumiti naman si Kristine bago sagutin ang asawa.
"Italian pasta for breakfast, Hon. Mamaya naman ipagluluto kita ng adobo. Dadalhin ko sa office mo. Magluluto rin ako ng sisig for dinner." Masaya nitong sagot sa asawa.
"Hon," malumanay na tawag ni Kendrick kay Kristine.
Bumuntong hininga si Kristine. Kabisado na nito ang ganoong tono ng asawa.
"Naiintindihan ko, Hon. Call of duty kaya hindi ka ulit makaka-uwi mamaya. Gusto mo bang hatiran na lang kita ng pagkain sa office?" Malambing na tanong ni Kristine.
"Huwag na, Hon. Alam mo naman na ayokong napapagod ka. Dito ka na lang sa bahay. Manood ka ng k-drama para hindi ka mainip. Uuwi rin ako bukas ng umaga kapag natapos namin ang assignment." Nakangiting sabi ni Kendrick.
Isang alagad ng batas si Kendrick. Palagi itong hindi nakakauwi dahil sa trabaho. Nauunawaan naman ito ni Kristine at suportado niya ang asawa.
"Okay, Hon. Mag-iingat ka ah. Tawagan mo na lang ako kapag may oras ka pa. Ihahanda ko rin ang mga gamit na kailangan mo. Magpalit ka agad ng damit kapag pinawisan ka. 'Yung mga-"
Nahinto sa pagsasalita si Kristine ng halikan ito sa labi ni Kendrick at mahigpit na niyakap.
"Lagi kong tatandaan ang mga bilin mo. Thank you for understanding, Hon. I love you." Malambing na sabi ni Kendrick.
"I love you too, Hon. Basta lagi kang mag-iingat ah. Hindi ko alam ang gagawin kapag napahamak ka. Huwag mo rin hahayaan na magkasugat ka. Naku! Baka nerbyosin ako kapag may nakitang dugo sa'yo."
"Ma'am! Yes, Ma'am! Palagi akong mag-iingat dahil may Misis akong naghihintay sa bahay." Nakangiting sang-ayon ni Kendrick.
Makikita ang labis na pagmamahalan sa mga mata ng mag-asawa.
Blessing para kay Kendrick si Kristine. Hindi lang ito maganda kundi sobrang bait pa. Sa isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, nakita niya rin ang pagiging maasikaso ni Kristine. Higit sa lahat maunawain ang kanyang asawa. Nauunawaan nito ang kanyang trabaho bilang Police. Minsan dalawang araw siyang hindi umuuwi sa bahay pero hindi ito nagagalit. Nakangiti pa rin itong sumasalubong sa kanya at kinukumusta ang araw niya.
...
Masayang pumasok sa trabaho si Kendrick. Nakangiti siya habang binabaybay ang pasilyo ng presinto.
"Good morning, Ken. Ang lawak ng ngiti natin ah. Anong pabaon ni Kristine sa'yo?" Nakangiting salubong ni SPO2 Gin Vargas, ang kaibigang pulis ni Kendrick. Pareho ang ranggo nila sa pulisya.
"Baon ko ang pagmamahal ng aking asawa." Nakangiting sagot ni Kendrick.
"Sana all swerte sa asawa. Ang misis ko kasi akala niya may iba akong babae. Ilang araw akong hindi umuuwi tapos pagdating ko, sasalubong ang annulment paper sa akin. Hindi pa rin niya naiintindihan ang klase ng trabaho natin." Reklamo ni Vargas.
Hindi na iyon bago sa pandinig ni Kendrick. Palagi niyang naririnig ang hinaing nito sa asawa kapag ilang araw silang may assignment at hindi nakakauwi ng bahay.
"Wala tayong magagawa kapag tinawag tayo ng tungkulin. Mabuti na lang maunawain ang asawa ko." May pagmamalaking sabi ni Kendrick. "Siyanga pala. Anong sabi ni Captain Magtanggol? Saan ang assignment natin ngayon?"
"Sa Quezon City, barangay Tobas. Babantayan natin ang isang drug transaction sa lugar na iyon." Sagot ni Vargas.
Habang patungo sa opisina ni Captain Magtanggol, nakasalubong na nila ang Kapitan. Agad sumaludo ang dalawa bilang paggalang.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
AléatoireRead full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.) CEO's Lady Bodyguard 6.) My Annoying Assistant 7.) My Gay Housemate 8.) The Runaway Bride meets Badb...