Queen's POV
"Guys. Pwede ba!! Wag na kayong jejemon!!!" Inis na sabi ko kay Elle, Mitch at Abi.
"Grabe ka! Eh jejemon din nga apelyido mo! Kung makapanghusga to oh! Nakikiuso lang naman kame eh!" Sabi ni Abi
"Oo nga! Queen BhieMhineQuu" sabi ni Mitch
"Bwiset!!" Yun nalang ang nasabi ko
Kainis!! Nagiinit ang dugo ko pag nakikita ko ang jejemon nilang pagmumukha! Huh sana ma-basted kayo pag nanligaw kayo.
Napagisipan kong sumali ng organization dito sa university at ang napili ko ay photography club.
Si Abi ay sumama saakin para magparegister din sa photography club.
Si Gia naman ay napunta sa Culinary Arts club.
Si Mitch at elle ay sumali sa Modelling club. Lintek naman oo. Baka sila pa ang maging modelo ko pag nakapasok ako sa photography club.
"Good Morning po, magpaparegister lang ho sana kami" sabi ko sa lalaking nasa front desk ng studio.
"Ah sige po ate, pakisulat nalang ng pangalan niyo dito sa notebook" sabi ni kuyang naka glasses
"Ah nga pala ate, yung camera niyo po dapat eh dslr. Di po pwede ang mini ah. Yun kasi ang rules dito para maganda ang shots natin. Tapos tuturuan din kayong kumuha ng litrato." Nginitian ako ng kuya at nagsulat na ulit siya ng kung ano doon.
"Ah ano po sunod naming gagawin?" Tanong ko
Napatingin ulit si kuya samin.
"Dalhin niyo yung camera niyo at kumuha na kayo ng mga litrato. Yung theme pala ay 'happiness' tapos ipapasa niyo yun dito para makita ni ma'am kung pasado kayo o ano. Para malaman kung anong level na kayo" sabi niya
"Ah sige salamat kuya" nginitian namin siya ni abi at ganun din naman si kuya.
Hindi ko pa nga hinahawakan ang door knob ng pinto nang bigla itong bumukas.
"Ah yes ma'am. Ako na ang bahala sa event na yon tapos-" napahinto siya sa pagsasalita nung makita niya ako.
Parehas kaming nagulat.
Anong ginagawa niya dito???
"Ah uhm e-exuse" napatingin ako sa may paa ko at naglakad dahan dahan papunta sa may pinto. Gumilid naman kasi siya.
"Miss Bhi!" Sabi saakin ni Ma'am
"Ah yes po?" Napatingin ako sakanya. Prof ko kasi siya sa Lit. Tapos siya ang adviser or nagtuturo dito sa photography club.
"Nagregister ka ba? Sasali ka sa club namin?" Tanong niya saakin
"Opo ma'am" tapos nginitian ko siya
"Sige, sinabi naman na sayo ni ralph yung kailangan diba?" Tanong ulit niya
"Si kuya po?" Tiningnan ko si kuya na nakaglasses na kausap ko kanina
"Yes, si ralph"
"Ah opo ma'am. Dslr tapos samples. Theme ay happiness." Ngumiti ulit ako
"Good" sabi ni ma'am
"Una na po ako." Ngumiti ulit ako at ganun din siya
Tatalikod palang ako ng biglang umepal si koya
"Hoy!" Sabi niya
Humarap ako. Andun kasi si ma'am. Baka sabihin niya wala akong manners huhu
"Hmm?" Sabi ko
"Diba siya yun?" Bulong na sabi sakin ni abi. Halatang kinikilig ang bruha.
"Diba ikaw si neckl-" pinutol ko ang sasabihin niya
"Hep! Di tayo close. Bye" tumalikod na ako
"Miss Bhi!" Lagot kang bata ka. Yan na nga ba sinasabi ko eh
"yes po ma'am?" Humarap ulit ako sakanila
"Hindi pa pala kayo magkakilala? Eto nga pala si King, isa sa pinaka magaling na photographer dito sa university. Siya rin minsan ang pinaglelecture ko pag may mga inaasikaso akong iba" sabi ni ma'am
"Ah King" sabi ko
Ha?? Teka!! Nanlaki bigla ang mata ko
"K-king?" Nauutal kong tanong kay ma'am
"Oo. Bakit Ms. Bhi?" Tanong ni ma'am.
Shet naamoy ko na ang pangaasar sakin ni abi. At for sure ikekwento niya to sa jijimamon friends niya.
"Na gwapuhan ata sa pangalan ko" nag smirk si k-king? Urgh!!
"And oh. Ngayon ko lang to napansin ah. Queen and king pala" sabi ni ma'am
"Huh?" Pagtataka ni king
"King, eto nga pala si Queen." Pagpapakilala saakin ni ma'am
Sabi na eh. Nagulat din siya. Uh bat ganun? Ang weird kaasar.
"Seryoso ka?" Tanong ni king
"Hindi. Joke lang yun ha ha ha ge bye" tatalikod na sana ako kaso hinatak niya braso ko. Mahina lang naman ehehe
"Ayos ah! Apir nga!" Tinaas niya kamay niya pero di ako nakipag apir sa loko na yan.
"Buti naman at hindi neckl-" pinigilan ko siya
"Hep! Bye" sabi ko
"Papasok muna ako sa loob ah?" Sabi ni ma'am
"Sige po. Thank you po ulit" sabi ko kay ma'am bago siya pumasok sa loob
"Sige"
"Queen! Hahah bagay pala tayo? King and Queen!" Sabi niya
Inikot ko nalang ang mata ko
"Omg teen king and queen?" Pag eepal ni abi
"oo nga noh! Apir tayo! Hahaha" sabi ni king at nakipag apir din ang bruha
"Pwede ding King and Queen of Hearts! Diba? Diba?" Sabi ulit ni abi
"Oo! Astig ah! Apir ulit!" At ng apir nanaman sila. Aba't nagkasundo ang malandi at sira ulo.
"Una na ko" sabi ko
"Teka!" Sabi niya. Tiningnan ko lang ito ng masama
"Woah. Wag ganyan. Baka mainlove ka" natatawang sabi ni king
Napabuntong hininga nalang ako
"It was nice meeting you, Queen" sabi niya at nginitian niya ako
"Ulol!" Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Pero nadidinig ko pa ang usapan nila ni abi.
"Ako pala si hihi abi"
"Ah hello hihi abi. It was nice meeting you too. Una na ko ah? Bye. Sundan mo na yung masungit mong kasama hahah" sabi ni king
Ugh!
"Abi!! Walang hihi!"
"Ah ge abi, una na ko sa loob." Nagapiran ulit silang dalawa.
Narinig kong tumakbo si abi papunta sakin.
"Ang gwapo niya noh? Yie King pala pangalan niya? Siya ata yung binabanggit ni ate sesilya na nakakaubos din ng paninda niya! Oh mey ges. Mahilig din siya sa street foods!" Kinikilig nanaman ang malanding to
"Ge" sabi ko
"Bat ba ang sungit mo sakanya? Di ka parin maka get over sa kagwapuhan niya noh?"sabi niya
Hindi pa pala niya alam kung bakit ayaw ko sa sira ulo na yun.
Habang naglalakad lakad kami, Kinwento ko sakanya ang nangyari kung paano ko siya nakita at kung bakit ayaw ko sakanya.
Nakinig siya at lintek tawa siya ng tawa sa neckless chater.
BINABASA MO ANG
Our Love Game
Romance"This game you have started should be finished as soon as possible" -Queen Bhi