I though

2 0 0
                                    

Tristan's P.O.V

Gumising ako dahil sa huni ng ibon mula sa puno na maaninag mo mula sa bintana ng kuwarto namin ni Trisha.

Sa himbing nang tulog ng asawa ko ni hindi niya na namamalayan ang huni o ingay na dala ng mga ibon sa labas.

"Ang ganda talaga ng asawa ko" bulong ko habang hinahawi ang buhok niya papunta sa kaniyang tainga.

"Indeed" nakangiti nitong reply sa'kin "kung kini-kiss mo'ko edi mas magiging happy ako niyan" dagdag pa nito habang nag-uunat siya ng nangangalay niyang braso.

"Sarap tulog mo?" tanong ko sa kanya habang nakakapit ang bisig kosa tiyan niya

"Super!" excited nitong habang umamba ng yakap sa'kin "Buti naman" reply ko pabalik sa kan'ya.

Ilang minuto rin kami nanatili sa ganong posisyon bago magdesisyon na bumaba na mula sa kuwarto namin.

"Pao-pao!" tumatakbong pasigaw ni Trisha papunta sa anak naming aso "Ahahaha" tawa ko sakanya ng muntikan na siyang madapa dahil kay Pao-pao.

"Trish?" ask ko sa kanya habang inaabot ang kawali para makapagluto na "Anong Trish? Gusto mo ba nang away?" taas kilay nitong sabi sa'kin habang yakap-yakap si Pao-pao "Ahh-eh no po my wife" utal kong sabi sakanya habang nakangiti.

Natapos na kaming kumain dalawa, at naghuhugas narin ako ng plato tapos si Trisha ay bumalik kay Pao-pao para laruin ito.

"Hon? Thankyou ah" sabi ni Trisha sa'kin habang yumayakap ito mula sa aking likod "Welcome naman lagi eh. Tsaka duty ko 'to bilang husband mo"
pinaharap niya ako, at hinalikan "Wait. I'll finish lang this then we can continue naman to our room diba? I don't want Pao-pao will know this at his age" hinampas ako ni Trisha ng pabiro sabay sabi ng "Baliw" habang tumatawa.

Natapos ko lahat ang dapat na linisin sa bahay. Hindi ko kasi ini-aasa kay Trisha lahat lalo na't nagdadalang tao siya.

2months na 'yung baby sa sinapupunan niya we're very happy that time. I want to be a good father for our baby, and a good husband for my wife.

"My wife careful please!" sigaw ko mula sa likod niya nung bigla siyang kumaripas ng takbo papuntang dagat.

Dinala ko siya rito kasi lately I think that she's having a hard time dealing to her family problem. Kilala ko ang babaeng minahal ko to the point na mas gusto niyang sinasarili ang problema kesa idamay kapa, at hindi rin naman ako nagtatanong kasi mas gusto kona siya ang magsabi ng kusa sa'kin kesa naman na pilitin ko siya.

Habang naglalaro na parang bata ang asawa ko sa dagat. Minabuti kona lang na maglatag na ng sapin, payong para hindi siya ganon na mainitan kahit na malilim naman ang panahon ngayon, at inisa-isa kona rin ang mga pangkaing inihanda ko para sa kan'ya.

Nung natapos na ako'y agad ko siyang tinawag para sana makakain na. Agad akong napatakbo, at nagpalinga-linga dahil sa hindi ko maaninag si Trisha.

"Hon!" sigaw niya sakin na agad ko namang sinundan. Nakita ko siyang naglalakad pabalik mula sa puwesto namin namay dala dalang buko.

"Saan kaba galing?" tanong ko nung maabutan kona siya "Huh? Nagpaalam kaya ako sayo na pupunta ako ruon" turo niya sa pinanggalingan niya "Para makita ko kung may mga tao bang nakatira ruon" paliwanag nito sakin habang naglalakad kami pabalik na sa puwesto namin.

"Hindi ko narinig na nagpaalam ka pala" abot ko sakanya ng pagkain "Sa susunod kalabitin mo'ko ah. Para naman masamahan kita kung saan ka pupunta. Delikado pa naman 'yang pagbubuntis mo" tumango naman ito sakin na para bang nagsisisi na siya sa ginagawa niya.

I thought (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon