Chapter 11

7 1 0
                                    


Umaga ng linggo at nag-aayos ako ngayon para pumunta sa church nila Meds. Nagpaalam na rin ako kay Mama, pupunta raw siya sa marikina ngayon at doon magsisimba. Tinapos ko na rin ang ilang mga gawain at homework ko kahapon para focus na lang sa practice ngayong araw.

Na-chat ko na rin si Charls para sabay kami pumuntang church. Nagulat naman siya sa aking nasiwalat, naiinggit ang gaga dahil kapag siya raw nagyaya mag church ay tumatanggi ako, kapag si Meds daw ay agad akong pumapayag. Malamang, no choice.

Nang makarating si Charls sa amin ay agad na akong lumabas at sabay kami tumungo sa church.

Nang makarating kami roon ay agad namang may lumapit sa amin, mga ka churchmate yata nila, at parang kilala ng mga 'to si Charls dahil ito ang unang kinamusta—sumunod ako.



Nakaupo na kami dito at naghihintay magsimula. Napansin kong may tumabi sa akin, mabango... amoy mamahaling perfume na panlalaki. Nang lingunin ko ito ay agad kong nakita si Beau Galen, crush ni Charlie Haven Mayo at kapatid ni Mederi (Meds).

Dahil mas matangkad ito sa akin kahit nakaupo ay yumuko siya at tumingin dito, ngumiti na lang ako nang pilit— gumanti rin siya ng ngiti sa akin.

Siniko ko si Charlie Haven para ipahiwatig na nandito crush niya. Nakayuko at parang ang lalim kasi ng iniisip ng babaeng ito. Nang maramdaman niya ang siko ko ay agad itong napatingin sa akin at agad naman lumipat ang kanyang mata sa katabi ko. At this moment, nakita kong sa altar na nakatingin si Beau.

Maya-maya pa'y may tumabi naman kay Beau, at nang aking lingunin ay si Meds. Nagkatingin naman kami at una niya akong nginitian, kumunot ang noo ko at ngumit nang pilit sa kanya.



As usual, maayos naman ang sunday service, series daw pala ang topic, malamang hindi ko na sundan 'yon. Hindi naman ako madalas nandito e. Pagtapos ay wala muna raw kaming group sharing since may meeting daw na magaganap.

Nang makatayo ako ay hinanap ko agad si Meds. Napahinto ang aking paghahanap noong makita ko siya sa may stage at parang tumulong maglipit. Katabi ko pa rin si Charlie Haven Mayo na parang wala pa ring imik.

Kinalabit ko siya kaya ito napatingin sa akin, "Anyare sa'yo, be?" tanong ko.

"Haha. Wala. Puyat lang yata." sagot niya.

Naningkit ang mata ko sa kanya, at ginilid ang aking ulo, Ha? Puyat lang? Walang pasok kahapon ha? Hindi rin naman siguro marami ang mga assignments since grade 7 pa lang kami.

"May problema ka ba?" tanong ko ulit, gamit ang seryosong tono.

Tinapik niya ang braso ko, "Wala, gagi hehe."

Hindi ko na lang pinilit mag-share, alam kong hindi ko siya mapipilit.

Maya-maya pa'y kinabalit ulit ako ni Charls, "Bakit?" tanong ko nang makalingon.



"Mauuna na akong umuwi sa iyo, Devi. May gagawin pa pala ako. Alam mo namang walang katulong si Lola sa pagbebenta ng gulay 'di ba?" paalam niya sa akin.

Nilibot ko muna ang aking paningin dito sa loob ng church at saka sumagot sa kanya, "Sige. Tagal kasi ni Meds pag-ayos." sagot ko naman.

"Sige, thank you." tapos nagpaalam din siya sa ibang mga tao rito.

At nang maka-alis si Charls ay umupo ako sa gilid, may mga bakanteng upuan dito. Nakikita ko rin ang mga taong lumalabas na ng church, siguro'y uuwi na sila.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now