Chapter XVII

9.6K 220 34
                                    

KANINA pa napapabuntong-hininga si Tryna habang nakatingin kay Venice na nakaharang sa dinadaanan niya palabas sa exit ng mall. Halos kalahiting oras na silang nakatayo roon at tinatalakan siya ng babae. Medyo nakaharang pa naman sila sa exit kaya't nilapitan sila ng guard para sana paalisin nang ito naman ang sinigawan ni Venice. Napatiim-bagang ang guard pero pinili na lang nitong timahimik. Pat iang mga taong dumadaan ay napapailing at nagbubulungan. Gustuhin man niyang lagpasan ang babae ay hindi niya magawa dahil sa dlaawang alipores nitong nabantay sa kaniya.

"Puwede ba, Venice, huwag kang gumawa ng eksena." Mahinahong sabi niya sa babae.

Nakataas kilay na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "And who are you to told me so?" Malditang tanong nito.

She sighed heavily. "Ayaw ko ng gulo kaya padaanin mo ako," malumay na saad niya at akmang lalagpasan na naman ito nang mabilis na hinawakan siya ng dalawang kasama nito.

Kaunti na lang at mauubusan na siya ng pasensiya rito. Tumingin-tingin na lang siya sa paligid upang hanapin si Keen, iniwan kasi siya nito kanina dahil nagpunta lang ito sa CR ngunit natagalan ito kaya't naisipan niyang sa kotse na lang niya ito hihintayin. Hindi naman kasi niyang inakala na makikita ang impokritang si Venice, hindi pa naman ito absuwelo sa kaniya dahil sa ginawa nito noong nasa barko pa sila.

"I will let you go if you promise to stay away from Keen," mariing asik nito na ikinangiwi niya.

Halos ikalimang beses na ata niya iyon narinig sa babae. Nabuburo na siya sa paulit-ulit na lumalabas sa bibig nito. Inipon niya ang lahat ng tapang niya saka taas-noong tiningnan si Venice.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong hindi ko siya lalayuan? Nagtatrabaho ako sa kaniya, kaya malabong maiiwasan ko siya. Puwede ba? Huwag kang tanga?" Matapang na asik niya sa babae. Hindi niya inalintana ang gulat na nakarehistro sa mukha nito.

"What the..." Venice whispered in shocked.

Tinabig niya ang kamay ng dalawang humawak sa kaniya saka lumapit rito.  Mata sa mata at babae sa babae. Bahagya pang napaatras ang babae na para bang may gagawin siya rito.

'Duwag naman pala,'

"Bakit ba gustong-gusto mong layuan ko si Keen?" Kalmado pero seryusong tanong niya.

Minsan lang siya nagseseryuso, pero dahil makulit ang babaeng kaharap niya, hindi niya hahayaang apihin at apakan na naman siya nito dahil kay Keen.

"Keen is mine." Venice respond and gave her a death glare.

Nginitian niya ito. Hindi siya natatakot sa masamang tingin nito. She already learn her lessoned so she wouldn't let Venice to scare her again.

"Talaga? Pag-aari mo siya? Matanong ko lang, naging kayo ba?" May naglalarong ngiti sa mga labing tanong niya. "Sa pagkakaalam ko, magkaibigan lang naman kayo." Dagdag niya na diniinan pa ang salitang 'magkaibigan' dahilan para manlisik ang mga mata nito sa galit.

'Oh-oh! Nagalit ko ang reyna ng kadiliman.'

Umuusok ang ilong na dinuro siya ng babae. Parang kakainin na siya nito nang buhay. Nagkibit-balikat na lang siya, nagsasabi lang naman siya ng tama.

ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon