[ 36 ]
Pagpasok ni Zefran sa bahay ng mga magulang niya ay agad niyang narinig ang maliliit na hagikgikab ng mga pamangkin niya, napangiti siya agad.
Dumiretso ito sa sala, dun niya nakita sina Cookie and Crumbles — ang kambal na anak nina Jandro at Peaches na nakikipaglaro kay Cherry — ang bunso nina Czarina at Maverick at isang batang pamilyar pero ngayon niya lang nakita.
"Papa Coli!" Sigaw ni Cherry nang makita siya nito.
Ngumiti si Zefran at lumipat sa mga bata. Ginulo niya buhok ni Cookie at hinalikan ang noo nina Crumbles at Cherry.
Umupo siya sa sofa at kinuha si Crumbles para ikandong sa hita niya. "Did you miss, Papa Coli?" Nakangiting tanong niya rito at masaya namang tumango si Crumbles.
Cookie stood up and went to Zefran. "Papa, papa!" Tawag nito sa atensyon niya. Binuhat din niya ito at inupo sa kabilang hita niya.
"Yes, bud? What do you need?"
Cookie gave him a big smile, "Do you know Ella, Papa?" Zefran shook his head.
"Best friend namin siya ni Crumbles po," Zefran nodded his head while giving the girl a glimpse. "I see."
"How's work, Zef?" Tanong ng mama niya na kakapasok lang sa dining bitbit ang mga ulam na niluto nito.
"Fine, ma. We're half way done with the movie."
"Eh 'yung secretary mo kuya, kamusta?" Jandro gave him a playful smile. Napakunot naman ang noo ni Zefran at masamang tinignan si Jandro.
"Oo nga, how's your new secretary? I haven't seen and met her yet," Gaia butted in.
"She's fine," sagot ni Zefran habang kumukuha ng ulam, "maayos naman ang trabaho niya."
"I see. I have to meet her soon, ha?" Dagdag pa ni Gaia, napataas naman ang kilay niya sa narinig.
"She's working part-time. Bakit kailangan mo pa siyang ma-meet? Ikaw ba magpapasahod sa kanya?" Walang emosyon na tanong niya sa kapatid. Nagpipigil naman ng tawa si Jandro sa gilid habang sinusubuan 'yung batang bestfriend nila Crumbles.
Biglang natahimik ang buong lamesa at hindi na nakasagot pa si Gaia. Zefran just shrugged.
Habang umiinom ng tubig, hindi niya maiwasang hindi mapatitit sa batang karga ni Jandro. She really looks familiar, saan ko ba nakita ang batang 'to? He thought to himself.
"Daddy," rinig ni Zefran na tawag ng bata kay Jandro.
"Yes, baby? May gusto ka pang kainin?" Malambing na tanong ng kapatid niya sa bata.
"I want po that white spaghetti," nakangiting sabi nito na ikinatawa ni Jandro. "Carbonara 'yan baby, hindi white spaghetti." Kiniliti ni Jandro ang bata kaya napatawa ito ng mahina.
He unconsciously laughed. Ang gandang bata.
Bigla namang kinurot ni Peaches si Jandro, "Bum, ano ba. Tigilan mo 'yan, baka masuka si Ella." Saway nito.
Tumigil naman si Jandro at nagpa cute kay Peaches na 'di rin naman pinansin ng asawa. Napairap na lang si Jandro at kinuhaan ng Carbonara ang bata.
"Yay, thank you Daddy Jandro," masayang sabi nito bago halikan sa pisngi si Jandro.
"Ay Kuya, si Ella nga pala. Anak ng kaibigan ni Peaches," pakilala ni Jandro sa bata.
"She's cute, Kuya," nakangiting sabi ni Skye.
Ngumisi si Jandro, "syempre mana sa Daddy, diba baby?" Tumango-tango naman si Ella at sabay silang tumawang dalawa.
Ella. Ella. Ella.
'Yan din ang pangalan na napagusapan nina Zefran at Naya noon. Ang pangalan ng magiging anak nila.
Zefran smiled bitterly.
"Nice to meet you, Ella."