"Siguro nga ganoon talaga kapag nagmamahal ka, na handa mong gawin ang lahat para lamang sa mga taong pinahahalagahan at minamahal mo. Sa puntong ang kamatayan ay hindi na magiging panakot sa iyo."
CHAPTER 3:
THE SWEETNESS OF DEATH"Hulaan ko, ang iniisip mo ngayon ay hindi ang ex mo kundi si Rome." Muli akong napahawak sa dibdib ko nang muli kong marinig ang boses ni Ashford.
Why is it that whenever I am engaged in contemplation, he abruptly materializes?
Narito kami ngayon sa may balcony. Ang balak ko lang talaga ay lumanghap ng sariwang hangin, ngunit kung saan-saan ako dinala ng isip ko.
"At paano ka naman nakasiguro?" taas-kilay kong tanong sa kanya pagkatapos umalma. Muli kong ibinaling ang direksyon ng mga mata ko sa sapa, mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang kumikintab na tubig nito dahil sa repleksyon ng liwanag ng buwan. Rinig na rinig ko rin ang matinis na daloy ng tubig ng sapa.
"Dahil mayroong automatic reaction ang katawan ng tao kapag mayroon siyang iniisip. At ang reaksyon niya ay nakaugat sa iniisip niya," aniya.
"Tsk," I uttered. "When did you become a mind reader and body language expert?" pang-aasar ko sa kanya.
Kay Rome nga ako dinala ng isip ko, at bakit?
I too am unaware of the reasons behind my constant thoughts of him. Despite my efforts to suppress these thoughts, it seems that my attempts have only backfired, resulting in an increase in my preoccupation with him.
I find myself unable to remove him from my thoughts, perhaps due to my inability to come to terms with the unfortunate circumstances that befell him in Lolo's narrative. Their arduous journey, only to culminate in an outcome devoid of significance, weighs heavily on my mind.
At alam ko naman na kwento lang iyon, ngunit bakit nga ba masyado akong apektado? Bakit masyado akong apektado sa pagkamatay niya?
He is merely a fictional character; however, I am perplexed as to why he would have such a profound impact on my thoughts and emotions.
"Naalala mo pa ba 'yung araw na muntikan kang matangay at malunod sa sapa na iyan, Ate?" ani Ashford na ngayon ay nakapako na rin ang mga mata sa direksyon ng sapa.
"At sino namang tao ang hindi makakaalala sa isang pangyayari sa buhay niya na muntik niya ng ikamatay?" sagot ko sa kanya ng muling dumalaw sa isip ko ang mga pangyayaring iyon.
Mga bata pa kami noon, at masyado nang matagal ang pangyayaring iyon ngunit kapag naaalala ko ay napakalinaw pa rin, na para bang kahapon lang ito nangyari.
At kahit na nagbigay sa akin iyon ng labis na takot at kapahamakan, itinuring ko pa rin ang mga kaganapan na iyon na isang magandang karanasan, hindi dahil muntik na akong mamatay kundi dahil nakita ko kung gaano ako kamahal ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Holding Hands Firmly
Historical FictionBien Tomados de la Mano, meaning 'Holding hands firmly', is a sad novel written by Areum's grandfather. It deals with the tragic love story between an activist named Rome Miguel Fitzwilliam and the Governor General's only daughter. But what if one d...