Chapter 1

193 9 2
                                    

Jack's P.O.V.

"GUMISING KA NA!!"

Ay tengene ! Nabigla ako ng sigawan ako ng aking mama na nakasimangot. Hindi ko namalayan na late na pala ako sa eskwela.

Dali-dali akong pumasok sa CR. Muntik ko pa ngang malimutan ang aking towel sa sobrang pagmadali. Nang makatapos ako, bumihis agad ako ng aking uniform at pumunta na sa lamesa upang kumain ng almusal.

Nakahain dito ang aking paboritong hotdog at ham. Kumuha ako ng pinggan at kutsara para maumpisahan ko ng kumain.

Nagpaalam na ako sa aking nanay at nag-antay ng masasakyan papuntang school. Nang makasakay ako, sinuot ko ang aking earphones at pinaandar ang aking cellphone.

Nakatanggap ako ng text galing sa bestfriend ko.

"Hoy Gago! San ka naaa? Malalate ka niyan."

Hay naku. Ganyan talaga yan kapag nagtetext. Mahilig yang magsalita ng bad words.

Sinimulan kong alalahanin ang aking panaginip kagabi. Ang babaeng nagpaparamdam sa akin ng gaan at kasiyahan.

Ng makarating ako sa aming eskwelahan, inabangan ako ng aking matalik na kaibigan mula sa Grade 4 hanggang ngayon. Kahit na nagbabangayan kami araw-araw at nagpapataasan pa kami ng pride, nagawa pa din naming makipag-bati.

"Late ka na namang, gago ka! Ang tagal mong kumilos, gusto mo bilhan kita ng skelan? Baka may athritis ka?"

Sermon sa akin ni Krittania. Ganyan talaga siya sa akin, parang suki na nga kami ng mental hospital.

"Gaga! Tingin mo sakin, matanda? Ang gwapo ko kaya. Sa sobrang kagwapuhan ko eh dinadagsa ako ng mga bagyo dito sa Pinas."

Sabi ko habang sinuklay ang itim na buhok ko pataas. Tumawa naman si Krit ng malakas. Hinila ko ang mahaba at kulot niyang buhok. Oo, maputi din siya. Pero hindi siya yung sa panaginip ko dahil alam na alam ko ang batok at korte ng katawan niya.

"Speaking of gwapo, may kwento pala ako sayo tungkol sa panaginip ko kagabi. Ang weird talaga. Promise."

Kinwento ko sakanya ito habang pupunta kami sa aming silid-aralan. Nang makapasok kami ensaktong wala pa ang teacher at natapos ko ang kwento ko.

"Hoy! Baka ako yan ah. Pero diba magaan ang pakiramdam mo sakanya? Di kaya soulmate mo siya? Hanapin mo na, Jack."

"Gaga! Hindi nuh. Alam na alam ko ang korte mo. At seriously? Soulmate? Naniniwala ka dun? At pano ko siya hanapin, magspi-spirit of the coin ako?"

"Gago! Gusto mong masapian ka? Di mo ba alam ang soulmate? Ang bobo mo! Yan kasi puro cartoons ang laman ng utak. Soulmate, yung nawawalang kabiyak mo. Period."

"Para saan naman yan? Psh. Wala akong time sa love na yan. At saka di naman yan totoo."

"Wala daw time sa love pero naka sampung ex girlfriend na."

"Hoy! Anong binubulong mo jan?"

"Wala sabi ko ang pangit mo. Oh. Anjan na pala si Ma'am."

Binati naman ang aming teacher at nagsimula na kami sa klase. As usual, math ang first subject namin, which is, hate na hate ko. Nilalamon kaya nito ang grades ko.

Nang natapos ang klase namin. Naglunch break kami ni Krittania sa Foodcourt. Bumili ako ng paborito kong pagkain at sabay na kaming kumain.

"Oh, kung may balak kang hanapin siya. Tawagan mo lang ako. Tutulungan kita. Para naman hindi ka na maging bitter."

"Look who's talking? At least hindi ako NBSB. Hahahahaha."

"Ano ka gago? Syempre, No boyfriend since birth ka eh hindi ka naman bakla diba? o nagkakamali lang ako?"

"Ansama mo talaga kulot! Straight kaya ako. At kung magiging bakla ako mamatay na siguro ang earth dahil mawala na ang pinakagwapong nilalang."

"Psh. Kapal neto. Mas makapal pa sa lamesa dito. Anong nakain mo kanina, Jack? Sampung pakete ng marijuana?"

"Hahahaha. Oo! Gusto mo? Drug dealer ako. 99 million lang para sayo."

"Ayoko. Wala na nga akong pambayad sa Mental Hospital. Hahaha. Ay teka. Diba si Nataela yun? Ang crush mo? Ayyiiiee. Ligawan mo na kasi."

Ah. Si Nataela. Oo, crush ko siya. Tulad ng sa panaginip ko, mahaba at kulot din ang buhok niya at syempre, maputi siya. Impossible naman siya yun dahil crush ko lang naman siya.

"Saan? Bukas ko nalang siyang ligawan. Nakakatamad ngayon eh. Nabusog ako sa kinain kong balyena kanina."

"Ano ka, cannibal? Kinakain mo ang sarili mong kapwa? Ansama mooo."

"Gaga. Hindi ako mataba nuh. May abs kaya ako. Pitong abs."

"Saan yung isa? Pumunta sa ilalim? Hahahaha."

"Green-minded mo talaga. Kumakain nga yung tao eh."

"Tao? Saan? Di ako nakakita eh."

"Nasa harapan mo na nga eh. Ay teka. Di pala ako tao, god pala ako. God ng mga Gwapo."

"Psh. God ng utot mo. Tara, bumalik na tayo. Malapit ng magsimula ang klase."

Niligpit na namin at tinapon ang mga basura namin at bumalik sa klase. Pagkatapos ng klase namin, nagpasama si Krit sa Supermarket.

"Krit, anong bibilihin mo dito? Inubos mo na ba ng ref niyo?"

"Gago. Birthday kaya ni Nanay ngayon. At ikaw, tulungan mo akong bumili at magluto."

"Psh. Alam mo namang hindi ako marunong magluto diba?"

"Kaya nga tuturuan eh. Para naman mapakinabangan ka sa bahay niyo."

Hindi ko alam kung gawa sa ano ang mga paa ni Krit. Nakailang libot na kami sa napakalawak na Supermarket na ito. Oo, as in, nilibot talaga namin. Nang makatapos kami, pumunta kami sa cashier.

Iniwan ako ni Krit dito kasi may nakalimutan daw siyang kunin at babalik daw siya kaagad. May dalawang tao pa ang nasa harapan ko kaya makakabot siya.

Bumalik na si Krit na may dalang 15 pakete ng candies.

"At talagang bumili ka pa niyan. Mauubos mo ba yan? Alam ko na, bigay mo nalang sakin."

"Gago. Para to sa mga pinsan kong bata. Para din sa mga games."

As usual, ako ang pinadala ng mga binili niya. Napagkakamalan tuloy akong bodyguard. Psh. Sa gwapo kong to.

Nahahip ng mga mata ni Krit ang National Bookstore at pumasok kaagad siya. Sinundan ko naman pero nakabangga ako ng babae.

Kasing edad ko siguro. Nagulat ulit ako dahil may kulot na buhok siya. Pero hindi siya gaanong kaputi.

"Pasensya na po."

Isa-isa kong kinuha ang mga nahulog na pagkain at hinintay si Krit sa labas ng NBS. Nang makalabas siya, binigyan ko siya na isang kirot sa braso.

"Aray! Punyete. Ano ba? Sakit nun ah"

"Ba't mo ko iniwan? Yan tuloy basag ang mga itlog mo."

"Ano!?? Ikaw naman kasi hindi nag-iingat."

"Eto naman kung makapag-alala parang nawalan ng bahay. Joke lang. Hahahaha. Gotcha!"

Binigyan niya ko ng isang malakas na suntok. Parang amasona tong babaeng to. Ang lakas. Makapag-audition nga siya sa boxing.

Nang makauwi kami, dinala ko sa loob ang mga binili niya at umuwi sa bahay. Sinabihan naman akong babalik para tulungan siya. Mabuti naman dahil magkatabi lang ang bahay namin.

Pumasok ako sa bahay ng madatnan ko sila ni Mama at ni Papa na nag-uusap, tinawag naman nila ako ng bigla akong kinabahan.

My Dream Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon