Chapter 5

141 8 0
                                    

Jack's P.O.V.

Gumala muna ako dito sa kwarto ni Krit. Tsk. Ang daming libro, at ang makakapal pa. Hindi ko alam kung pano niya to nababasa eh ang liit kaya ng font size.

Gumala pa ako ng makita ko ang mga picture album niya. Hindi na ako nagdalawang-isip para buksan ito. Tawang-tawa ako sa itsura ni Krit nung bata pa siya. Hahahaha.

Tumingin ako sa shelf niya sa kabila ng study table niya. Ngumiti ako sa nakita ko sa study table niya. Isang litrato namin dalawa. Naka-akbay ako sakanya, tumatawa kami. Masayang-masaya kami nun.

Kinuha ko ang litrato at tinignan ang nasa likod ito.

"My One and Only Kuya Pat"

Yan ang tawag niya sakin noon. Ang Pangalan ko kasi Jack Patrick. Kaya ayun, tawag niya sakin Patrick. Habang nagdadrama ako nakaramdam ako ng isang suntok sa aking balikat.

"ARAY!"

Lumingon ako at nakita kong si Krit galit na galit. Pumupula ang kanyang mukha at kita ko ang kanyang kamay na ready ng manuntok sa isang tao.

"ANONG GINAGAWA MO DITO, GAGO?"

Hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Sa aking peripheral vision parang nafeel kong guminhawa siya.

"Maraming salamat sa lahat, Krit. Ikaw ang pinakadabest na kaibigan sa buong mundo. Tandaan mo, mahal na mahal kita, little sister."

Sabi ko habang yakap na yakap ko siya. Naramdaman kong bumasa dahil sa luha niya. Humihikbi siya, hindi dahil sa lungkot, kundi sa kasayahan.

Humiwalay na kami at hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinahid ang mga luha niyang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Kuya Pat. May sakit ako, Heart failure. Malala na."

Parang binaril ako ng sampung beses sa sinabi ni Krit. Nabigla ako. Nakaramdam ako ng lungkot at sakit. Unti-unting tumutulo ang aking luha. Hindi ko kakayanin na mawala sakin si Krit.

"Ano ka ba, Kuya pat? Palagi ka talagang nagpapa-uto. Malakas kaya 'tong bespren mo. Kala mo meron nuh? Hahaha. Mahal na mahal din kita kuya."

Binigyan ko siya ng isang masakit na hampas sa batok. Ang gaga niya talaga kahit kelan. Tumawa nalang kaming pareho tas nagpaalam na ko Krit. Umuwi na ako sa bahay at dumiretso sa aking kwarto ng hindi naghahapunan.

Humiga ako sa aking kama at napaisip ng malalim.

Sino kaya ang soulmate ko? Possible kayang si Nataela? O yung babaeng hiningian ko ng number? O yung babaeng tumawag sa akin? Yung babaeng nabangga ko ba sa tapat ng bookstore? O di kaya ang babaeng kinomfort ko sa playground? ....

O di kaya ang bestfriend ko?

My Dream Soulmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon