LUDO POV
Nag-aalala ako sa aking kinatatayuan dahil halos ilang minuto nang hindi lumalabas ang aking anak sa loob ng c.r na kanyang pinasukan.
Papasok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang aking anak na may ngiti sa labi,mabilis ko itong nilapitan.
Umupo ako sa kanyang harapan,para mapantayan ito ng tayo.
At nag tanong dito.
"Baby,bakit ang tagal mo sa loob."tanong ko habang hinahagod ang pisngi."I'm sorry momma,there was an old man inside,i asked him if he could help me get my zipper down."
"Anong nangyari pagkatapos?
"He looked at me for a long time."
Pinagsawalang bahala ko nalang ang narinig at hindi na ito muling tinanong,tumayo na ako at kinuha ang kamay upang akayin itong maglakad.
Bago ako tuluyang tumalikod ay muli akong tumingin sa nakasaradong pintuan.
---
"Doll,Baby Callen"
May narinig kaming pamilyar na boses,sabay namin itong nilingon ng aking anak.
"Dada....dada...you're here"masayang tumakbong lumapit ang aking anak.
Nang makalapit kay Eros ay agad niya itong binuhat at pinanggigilan.
"Finally dada,we are in the Philippines."
"Yeah baby, welcome to the philippines."at muli niya itong pinanggigilan.
Tumingin ito sa akin pagkatapos at lumapit,hinalikan niya ang aking noo at niyakap.
"Kamusta ka?bulong nito sa akin.
Ngumuti ako ng tipid bago ito sinagot.
"Okay lang ako Eros,ikaw kamusta?
Hinawakan ko ang kanyang mukha.
Mahahalata mo sa mga mata nito ang labis na pagod at kakulangan sa tulog.Kaya naman nakaramdam ako ng awa dito.
"I'm okay now doll,nakita ko na kayo."sagot niya habang nakatingin sa akin.
"Dada...I'm hungry."naputol ang tinginan namin ng magsalita ang aking anak.
"Okay let's go,kakain muna tayo bago umuwi ng bahay."
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magtingin-tingin sa paligid,kakaunti lang ang mga tao sa ngayon,siguro ay dahil sa pribado ang paliparang ito.
Hawak-hawak ni Eros ang aking kamay habang karga nito ang aking anak.
Kung titignan ay para kaming isang pamilya.
"Hey,are you alright."
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng kanyang sasakyan.
"I-iinisip ko lang si ina."
"Don't worry doll,your mother it is in good condition."
Inosente ko itong tinignan.
"Mamaya nalang natin yan pag-usapan,kumain na muna tayo,okay."malambing na pagkakasabi nito.
Tumango ako dito bilang tugon.
BINABASA MO ANG
MAFIA OBSSESION (BOOK2)
Non-FictionSa loob ng limang taon ay namuhay si Ludo ng tahimik kasama ang kanyang anak. Tuluyan na nga ba niyang kinalimutan ang nakaraan. Paano kung may muling magbabalik? Eros Del Fuego sa loob ng limang taon ay siya ang tumayong ama sa anak ng babaeng pin...