until it gives over

696 18 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-FOUR
until it gives over
━━━━━━━━━━━━━━━━

Hindi ko na naisipang paunlakan ang imbitasyon ni Nigel sa usapan naming pagpapakilala sa supervisor ng isla dahil sa pagmamadali kong bumalik sa chalet pagkatapos ng sinabi ni Tito Ian.

Wala akong may sinabi muna kay Ashton. Nagsaya lang kaming dalawa saglit at nang gumabi ay tsaka ko na tinignan ang mga dokumento para makita mismo ang lahat.

And fuck, he wasn't lying. Gazer gave it all up. Mayroon pang isang lumang notebook kasama ng envelope ro'n na 'nung binuksan ko ay hindi ako pinatulog.

It was Avara's diary. A notebook containing her proses, poems, sketches, wishes, and notes. Na hindi ko binasa dahil baka mamugto ang mata ko buong araw.

Ngunit sa kabila nu'n ay may isang pahina na bumasag sa'kin du'n. Isang pahina lang 'yun na naglalaman ng pangarap niya pero sapat na 'yun para umiyak ako buong gabi at magising na mugto ang mata.

Kinabukasan ay napag-isipan kong kausapin si Ashton na bumalik muna sa Manila dahil sa biglaang desisyon ni Gazer na ibalik lahat ng kumpanyang minsang kinuha nila sa'kin. Nasa envelope lahat ng dokumentong kailangan at tanging ang lagda ko na lang ang kulang para maiproseso 'yun sa mas madaling panahon.

All the liabilities, assets, shares, management of stocks as well as the sole ownership or proprietorship all went back to me. Nandoon mismo sa dokumento ang pangalan ko ngunit ang pinagkaiba ay Denuevo na ro'n ang apelyido ko at hindi na 'Madrigal'.

Seemed like Gazer pulled a lot of strings in a short span of time, but that doesn't mean that I'll come back to him or let alone let all of this slide.

Basta-basta niya lang sinulat ang apelyidong walang kasiguraduhan kung akin at ngayon ay nam-mroblema nanaman ako kung sakaling kumalat 'to sa karamihan. I will surely have a yet another controversial issue sabay sa biglang pagpapasa niya ng pagmamando ng nga kompanya.

What is he even planning now?

Make me come back to his arms?

Asa.

Mugto ang matang suminghot ako bago tumingin sa tea na hinanda ni Ashton para sa'kin pagkatapos niya makita gaano ako kasabog.

"Aster, I know your mind's clouded right now, but the best solution here is go to your parents first. Ask them, confront them, and make them spill everything. Nadadawit na ang buhay mo sa problema nila nang halos ano? Tatlong dekada? C'mon now. It's time for you to live a life without binding yourself from the chains of your family's thirst for a clean reputation and power." Ani Ashton na seryoso ang tingin sa'kin habang nakaupo kami sa porch ng chalet.

Napaiwas ako ng tingin. I didn't expect him to say that considering that he looked like he's enjoying spending time here and he of all people was the one who took me here for peace of mind.

"Pero kung babalik ako, maaaring magtagpo nanaman ang landas namin ni Gazer. Ash, he's one of those few people who hid the truth away from me thinking that I wouldn't find out. Hindi ko siya kayang harapin." Sagot ko.

"Aster, this isn't about you or Gazer, okay? This is about you and the life you should live fully. Huwag kang magkukulong dito. Kailangan mo pa ring harapin ang lahat kahit anong mangyari. You can't bind yourself to what those people did. Oppose them." Mahinahong aniya.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon