Hindi ko rin alam at bakit madaling-madali ako magbihis at mag-ayos para sa pagpasok. Napansin din ito ni Mama, "Hinay-hinay 'nak. Anong bang ganap? Aligaga ka d'yan? Hindi ka pa naman late."
Hindi ko rin alam, Ma e. Basta susunduin daw ako ni Meds, "Wala naman po, Ma." sagot ko na lang.
Inayos ko ang buhok ko, naglagay ako ng pulbo at dinamihan ko na rin ang paglagay ng cologne. Ano ba ito?!
Paglipas ng dalawampu't limang minuto ay may narinig kaming boses ng lalaki na tinatawag ang aking pangalan.
Nagkatinginan lang kami ni Mama at agad akong tumakbo sa gate para i-check kung si Meds nga 'yon. Kahit alam ko namang siya 'yon.
Nang mabuksan ko na ang gate ay agad bumungad sa aking ang amoy pabangong panlalaki na soft at kalmado lang sa feeling. Luh, lakas maka-describe.
Tumalikod ako sa kanya para humarap kay Mama na ngayon ay nakatingin sa gawin namin. Wait, ano bang sasabihin ko?
"Ma, si Meds po. Classmate ko, sinundo niya raw ako para tulungan ako sa props na kailangan namin for radio presentation."
Nag-chat ako kay Charls na huwag muna kami magsasabay dahil kasabay kami ni Meds. Pumayag naman siya at sinabihan akong Enjoy! parang ewan.
Lumipat ang kanyang mata kay Meds.
"Hello po, Tita. Good Morning." bati ni Med habang
Ay wow, tita. Close friend kita?
Nakita ko namang ngumiti si Mama sa kanya, "Hello Hijo. Good Morning din."
Agad ko namang kinuha lahat ng kailangan kong dalhin para maka-alis na. Nandito ako sa loob ng bahay namin ngayon.
Nilapitan ako ni Mama, "Hmmm May naaamoy ako."
Napako naman ang tingin ko sa kanya, "Ma?"
Nakita ko siya nakangising mapang-asar, "Hmmm?"
"Ma!"
Hindi ko alam, para siya nanunuya.
Nakangisi pa rin siya, "Bakit? Sabi may naaamoy akong masusunog na." Agad niya akong tinalikuran at dumaretso sa may kalan namin.
Pagtapos ay nagpaalam na ako sa kanya. Para maka-alis na kami.
Dinala naman ni Meds ang mga props namin, hindi naman talaga mabigat ang mga 'yon. Pero kung 'yon ang pakay niya kaya niya ako sinundo ay hinayaan ko na lang.
Nagyayaya siya na sumakay na lang daw kami papuntang school. Tumanggi ako kahit libre niya pa ang pamasahe. Walking distance lang naman kasi ang school. Siya kasi e! Napalayo tuloy siya ng lalakarin dahil sa pagsundo sa akin. Ayan tuloy...
May na-open din na tanong sa akin si Meds tungkol sa What if same crush kayo ng katapid mo? Hindi ko alam ang isasagot ko, wala akong kapatid e. Awkward ang usapan pero buti na lang may naisagot kahit papaano.
Pag-uwi namin ay kasabay ko na ulit si Charls. Sinabihan ko rin pala siya kagabi na uwian na lang kami magsabay, at mag-isip na lang siya ng dahilan kay Meds kung tatanungin siya nito. Mukha silang close. Edi sila na.
"Ano, musta?" tanong ni Charls sa akin habang naglalakad kami.
"Ok lang." tipid kong sagot.
"Ok lang, ampota."

YOU ARE READING
Obtaining your Past Memories
RomanceAcademic Rivals-to-Lovers. The Christian Couple met each other at a young age. Things they learn together as they grow up-fates they didn't expect. Everything is alright; most of their prayers were answered. Not until one day, someone found out som...