Chapter 87: The Advices

551 4 0
                                    

Wendy's POV

Saturday night.

Dinalhan ko ng pagkain si Mark sa kwarto niya. Wala pa kasi sina Tito at Tita. Nagaalala na ako kay Mark dahil hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya magmula kaninang umaga.

Kinatok ko siya pero hindi siya sumagot o binuksan man lang ang pinto kaya ako nalang ang kusang pumasok.

Pagpasok ko, wala pala siya dun. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Kaya nilapag ko nalang yung pagkain sa mesa niya.

Nakita ko yung picture nila ni Ashleen na nakadisplay pa rin sa ibabaw ng study table niya.

Pinagmamasdan ko iyon nang biglang pumasok si Mark sa pintuan.

Mark: Anong ginagawa mo dito?

Wendy: Ha.. Dinalhan lang kita ng makakain mo kasi buong araw ka nang di lumalabas ng kwarto mo eh.

Galing siya sa banyo at kaliligo palang niya.

Mark; Lumabas ka na.

Wendy: Sige.

Mark: Dalhin mo yung dinala mong pagkain.

Wendy: Pero di ka pa kumakain..

Mark; LUMABAS KA NA AT DALHIN MO YUNG DINALA MONG PAGKAIN.

Wendy: Malilipasan ka na ng gutom niyan.

Mark; WENDY. LUMABAS KA NA.

Wendy: Pero d---

Mark: PLEASE?

Napatango nalang ako at kinuha ko ulit yung tray ng pagkain saka lumabas ulit.

-----

Rosalie's POV

Rosalie: Manang, si Mark po ba kumain na?

Manang: Hindi pa nga po nalabas sa kwarto niya.

Wendy; Ayaw niyang kumain Ate.

Rosalie: Bakit daw?

Wendy: Hindi ko po alam...

----

Ako na mismo ang nagdala ng pagkain para sa kanya sa kwarto niya. Pipilitin ko siyang bumangon at kumain.

Rosalie: Brother. Open the door.

Pero hindi niya ko pinagbuksan ng pinto kaya ako nalang ang nagbukas noon.

Madilim sa kwarto niya. Kaya binuksan ko yung ilaw. Nakita ko siyang nakahiga lang sa kwarto niya at natutulog.

Nilapag ko muna yung pagkain saka ko siya ginising.

Rosalie: Mark.. Wake up..

Mark: Ate..

Rosalie: Kumain ka na.. You should eat..

Mark: Wala akong gana..

Rosalie: Anong walang gana? Mark.. Buong araw ka nang hindi kumakain? Ano ba nangyayari sayo ha?

Mark: Wala nga akong gana!

Rosalie; Ano? Gugutumin mo yang sarili mo?! BUMANGON KA DIYAN AT KUMAIN KA!

Pagpupumilit ko sa kanya.

Mark: Mas mabuti na yun kesa yung nararamdaman ko yung sakit...

Naawa ako sa kapatid ko bigla. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganun.

Umupo ako sa kama niya at tinanong ko siya...

Rosalie: Still love her?

Mark; Ate?! Kahapon lang yun. =( Sana hindi na.. Sana pagkatapos niya akong ipagtabuyan kagabi, sana nataboy na rin yung pagmamahal ko sa kanya... </3

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon