Crush

3 0 0
                                    

Hindi kita kilala pero madalas kang marinig ng aking mga tenga.
Marahil nakita na kita ngunit di pa ako interesado sa iyong presensya.

Hanggang sa makasalubong kita kasama mo ang iyong barkada.
Ikaw agad ang unang dinapuan ng aking mga mata.
Bitbit mo ang iyong mga ngiti, at matang nagsusumigaw ng "magandang umaga".

Marahil nabihag ako nang mga ngiti mo,
Halakhak mong naging musika sa pandinig ko.
Nakakagulat na di naman ako madaling magkagusto, ngunit nang ikaw, nagugulumihanan na ako.

Nalilito sa nararamdaman sapagkat napakababaw naman.
Dumagdag pa sa pagkalito ang ideyang hindi naman ikaw ang tipo ko at hindi ganito ang paraan kung paano ako magkagusto.

Ngunit napagtanto ko na ikaw na pala ang laman ng bawat akdang sinusulat ko,
Pati mga panalangin kong lumilihis na patungo sayo.
Magulo, pero masaya sa pakiramdam ang mapansin mo.

-crush

toi et les lettresWhere stories live. Discover now