Wicked Love 18

42 4 0
                                    

JEALOUS.

Hinihintay ko si Tyron sa harap ng room namin dahil sasabay raw siya sa akin na mag-lunch pero halos sampong minuto na ay wala pa rin siya hanggang ngayon. I started overthinking again.

"Gago talaga..." naiiling na bulong ko.

Imbes na hintayin, nauna na lang ako sa Cafeteria at natagpuan ko siya roon kasama ang kaniyang mga kaibigan at may katabi pa siyang babae at alam kong kaklase nila 'yon. Nakaramdam ako ng inis ngunit dumiretso na lamang ako sa counter ng cafeteria.

Bakit ba kasi ako sumabay sa gusto niya? Nakakatawa lang. Tangina niya. May pasabi-sabi pa siya na sa akin lang ang atensyon niya at ayaw niya sa ibang babae. That's pathetic of him.

"One blueberry cheesecake, please." order ko sa kahera. "Take out, Miss." dugtong ko.

Hinintay ko lang ang order ko sa gilid na upuan at nilingon ang puwesto nila Tyron ngunit napansin pa ako ng gago.Napairap na lamang ako.

Tangina, hindi naman masakit.

Iniwas ko na lang ang aking tingin at narinig ko pa ang tawanan nila ng kaniyang mga kasama. Kinuha ko na ang order ko at naglakad patungo paalis.

Minabuti ko na lang munang tumambay sa Green Lake Forest at naupo sa isang bench roon bago simulang lantakan ang pagkain ko.

Sumagi na naman sa aking isipan ang eksena sa cafeteria kanina at hindi ko maiwasang hindi mainis sa lalaking 'yon. Putangina, akala ko, lahat totoo... hindi pala.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago muling kumagat sa blueberry cheesecake na binili ko nang makarinig ako ng isang masuyong boses sa aking likuran.

"Ang lalim naman no'n?"

Kumunot ang aking noo nang mapagtantong si Tyron 'yon. Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko olang siya. Tumingin lang ako sa malinaw na lake at nasisinagan 'yon ng araw.

"Do we have a problem, shorty?" tanong niya.

"Wala," patutyang sagot ko. "Walang problema." dugtong ko pa.

Naramdaman kong naupo siya sa aking tabi.

"I'm sorry. Isinama lang nila akong mag-lunch. Nakalimutan kong sabay pala tayo." hinging paumanhin niya.

Nilingon ko siya at pekeng ngumiti. "Ayos lang. Dapat nga hindi mo pa sila iniwan doon, e." giit ko na bakas ang bitterness sa aking tono.

"I'm sorry, shorty. Nakalimutan kong i-text ka. Kinuha kasi nila ang cellphone ko," paliwanag niya.

Tumayo ako. Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Muli ko siyang tinapunan ng tingin bago buhatin ang bag ko.

"Bumalik ka na lang doon. Ang saya mo nga, e." inis na pagtataboy ko.

"Nagseselos ka ba, shorty? Sabihin mo lang." saad niya.

Itinuro ko ang aking sarili habang nakatingin sa kaniya. "Ako, magseselos? Bakit ako magseselos? Hindi naman tayo at wala naman tayong label, e." sabi ko.

"Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Nahuhulog ka na ba sa akin?" muling tanong niya.

I laugh, sardonically. Inaamin ko unti-unti na akong nahuhulog. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa bawat gestures niya? Sa kung paano niya ako tratuhin ng maayos at kung gaano niya panindigan ang bawat salitang binibitawan niya.

"Oo! Nahuhulog na ako! Nahuhulog na ako sa iyo! Ano, masaya ka na?" inis na pag-amin ko sa kaniya. "Doon ka na, tutal balewala lang naman lahat sa iyo, e. Tangina, kung alam ko lang Ezekiel... kung alam ko lang. Sana pala hindi na lang kita pinaniwalaan!"

Natulala siya. May gusto siyang sabihin ngunit hindi niya maibuka ang kaniyang bibig. Napahilamos siya sa kaniyang mukha dahil sa labis na frustration.

"Umalis ka na lang at bumalik sa mga kasama mo. Sobrang saya mo nga, e. Kaya ibig sabihin lang no'n hindi ka masaya... sa akin, sa atin." pagtataboy ko sa kaniya.

"Hindi... dito lang ako. Hindi na mauulit," pagsusumamo niya at hinawakan ang aking pulsuhan.

I smirked. "Hindi na lang sana ako pumayag sa set up na ito. Binakuran mo lang ako pero hindi mo naman pala kayang panindigan." madiin kong usal.

He stood up, heaved a sigh. "Kaya kitang panindigan," putol niya.

Natawa ako. "Talaga ba, Lanchester? Simpleng sabay lang tayo kumain hindi mo nga magawa, panindigan pa kaya?"

His jaw clenched. Hindi mawari ang kaniyang expression.

"I'm... fuck! I'm stupid." inis na singhal niya sa kaniyang sarili. "Shorty, I'm sorry... I'll make it up with you. Tangina, huwag mo lang sabihin sa akin na hindi kita kayang panindigan." puno ng pagsusumamo sa kaniyang tinig.

Binawi ko ang aking kamay na hawak niya. "Sana sa susunod, kung ayaw mo akong makasabay, pwede ba na huwag ka na lang magparamdam? Kasi hindi ako sumusugal sa ganitong sitwasyon kung wala ka naman palang nararamdaman sa akin." inis na litanya ko at nagtaas-baba na rin ang aking dibdib.

"I love you!" he shouted, looking intently at my eyes. "Putangina, mahal kita! Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman pero matagal ko ng itinatago sa iyo na... mahal kita." dugtong niya.

I felt my face heated. Nagtatalo rin ang aking utak maging ang aking puso kung paniniwalaan ko ba ang kaniyang sinasabi o hindi.

"M-mahal mo lang ako kung kailan mo lang gusto..." basag ang boses na usal ko. "Mahal mo lang ako kasi nagseselos ako?" dugtong ko, hindi pa rin makapaniwala.

Once again, he held my hands and intertwined our fingers as he wipe the tears streamed down my face.

"Mahal kita kasi mahal kita. Hindi dahil sa galit ka sa akin o nagseselos ka. Mahal kita at kaya kitang panindigan." masuyong sambit niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.

I gulped. I shook my head. "Hindi sapat ang salita lang, Ezekiel... kung mahal mo ako, panindigan mo at huwag mo naman sanang puro salita lang. Ayaw ko ng hanggang sa salita lang, Tyron." bulalas ko sa kaniya.

Kahit masakit ang binitawan kong salita sa kaniya, pinilit ko pa rin ang sarili ko na bawiin ang aking mga kamay at tinalikuran siya habang tumutulo ang aking mga luha.

"I want assurance, Ezekiel... pero kung hindi mo 'yon maibigay," I trailed off and smiled bitterly. "Please lang, sabihin mo na lang kung ayaw mo para mapigilan ko ang sarili kong lalong mahibang pa sa iyo..." dugtong ko at umalis na roon.

I left him dumbfounded. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag lalong maluha habang naglalakad patungo sa departamento namin. I felt betrayed all of a sudden. Hindi ko kasi aakalain na ganito ang mangyayari.

Kung ganito pala kasakit magka-gusto sa taong hindi ka naman kayang panindigan at hanggang salita lang, sana hindi na ako tumuloy at nag-take ng risk kung sakit lang pala ang kapalit.

Tumuloy ako sa klase ko kahit pa namumugto ang aking mga mata. Nakinig na lang ako hanggang sa matapos ang klase namin at inayos ang aking gamit bago pa tuluyang lumabas sa aming room.

Umikot na lang ako sa kabilang bahagi ng hallway para hindi ko madaanan ang room nila Tyron at dumiretso na lamang ako sa dorm ko at inihagis ang aking katawan sa kama.

Nakatingala ako sa kisame, nasasaktan. Bakas pa rin ang bigat sa aking dibdib habang iniisip pa rin ang mga salitang binitawan ko sa kaniya.

"You told me not to break your heart but the thing is... you're the one breaking off my heart into pieces." mahinang bulong ko sa hangin. "Mahal kita... pero kung ngayon sinisimulan mo ng basagin ang puso ko, mas mabuti na lang na ako ang unang bumasag sa iyo para matigil ang kahibangan ko." sambit ko at ipinikit ang aking mga mata.

"-kasi narito ako sa sitwasyong sinabi mo na hinding-hindi mo gagawin sa akin ang ginagawa ng iba..."

Wicked Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon