"Oh Ija You look terrible! Anong nangyari sayo?"
Hindi ako sumagot naalala ko kasi yung sinabi ni Red sa akin at buong gabi kong inisip yun. Kung habang buhay din naman akong magpapatali bakit hindi pa sa taong mahal ko diba?
At dahil kasal na namin kinabukasan hindi ko na nagawang matulog kaiisip. Napabugtong-hiniga nalang ako.
Mukhang wala lang naman kay John na nawala ako sa kanya,ni hindi manlang sya gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal na 'to.
"Ma'am tara na po aayusan na po namin kayo" sabi sa akin ng babae.
Tumango nalang ako,at naglakad kasunod nya. Ito na ang araw ng kasal ko,tuloy na talaga. At mukhang wala ng makakahadlang pa.
Nakakapagod din pala,nakakapagod din palang takasan at takbuhan ang mga problema This is the Time to be brave Krishna,tatagan mo ang loob mo ngayon araw
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin habang minimake-upan ako. Ibang Krishna na ang nakikita ko sa salamin.
Wala na yung Krishna na sunod sa layaw,sarili lang ang iniisip,matigas ang ulo, padalos dalos sa desisyon at ginagawa kung anong gusto nyang gawin.
Siguro nawala yun nung nakasama ko si John ng ilang buwan,tinuruan nya akong makuntento sa kung anong meron ako at higit sa lahat tinuruan nya akong magmahal.
John and I met for a reason,maybe he is a blessing or a lesson. At kung blessing man sya sana naman malaman nya kung anong halaga ko sa kanya,pero sa kaso ko ngayon siguro lesson lang sya,lesson na wag kaagad magtiwala sa iba kahit na mahal mo pa.
"Can I talk to you?" Nilingon ko kung kanino galing ang boses at si Mom pala yun.
Lumapit sya sa akin at tinabihan nya ako.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong nya sa akin.
"Hindi na Mom,ang tanging kasalanan nyo lang naman ay naging tanga kayo dahil sa pag-ibig at sa tingin ko pareho lang tayo" nagkibit-balikat nalang ako.
"Sa tingin ko nalaman mo na ang ibig sabihin ng sinasabi ko sayo dati na lahat ng 'to ginagawa namin ng may dahilan"
"I know Mom,I know.."
Lahat ng ginagawa nila ay may dahilan? Teka siguro may dahilan din si John kung bakit nya ginawa yun,pero sa tingin ko hindi ko na malalaman yun kasi hindi ko sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag
"You're so beautiful today,I can't imagine how you've grown from my baby to a girl and now you will be a woman"
"Mom,mahal nyo po ba ang isa't-isa ni Dad noong nagpakasal kayo?"
"Gaya nyo ipinagkasundo lang din kami ng mga lolo at lola mo,pero noon pa man mahal ko na ang papa mo pero sya siguro wala ni katiting na nararamdaman para sa akin He just did it for his father's business"
"I see" hinawakan ni Mom ang mga kamay ko.
"Krishna I think you have to think for the last time bacause if you'll marry someone that you don't love,you will live miserable like me"
"What do you mean Mom? Kaylangan kong isipin ng mabuti ang magiging desisyon ko?"
"Yes you better"
Sino bang tao ang gustong maikasal sa taong hindi nya naman mahal? Pero anong gagawin ko kung hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ni John?
Would I take the risk na takasan ang kasal ko ngayon para sa kanya? Or simply just marry Him and live miserable forever?
Ugh! Think Krishna! Think! Isang oras nalang at kasal mo na! What am I going to do? Run away or Just Stay?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤
NouvellesHer holdaper is her lover?!OMG i smell trouble!...but what if malaman mo na trinaidor ka nya mamahalin mo pa rin ba sya?o magmomove-on ka na?.. This is a story of Krishna Jewel Oxford na isang anak ng mayamang may-ari ng isang tanyag na jewelry shop...