PROLOGUE

3 0 0
                                    

HANIAH

Maayos kaming kumakain sa canteen at nagkukwentuhan tungkol sa bakasyon na gagawin namin sa darating sa kapaskuhan  kasama ang mga kaibigan ko ng makarinig kami ng sigawan ng mga istudyante sa loob ng canteen kaya napahinto kami at agad na pinuntahan ang pinanggalingan ng sigawan.

Napailing nalang ako ng makita kung sino ang may pakana nun.

Damien!

Nambugbog na naman ang grupo nila ng isang lalaki na walang kalaban laban at nakahiga na sa sahig. Ang malala pa sa canteen pa talaga nila ginawa kung saan maraming kumakain at nakakakita.

Akmang susuntukin na Naman nung isang lalaki yung lalaking nakahiga na sa sahig ngunit naunahan ko siya, malakas kong sinipa yung kamao niya  para di tumama sa mukha nung kawawang lalaki kaya pati tuloy siya ay nakahiga sa sahig sa lakas ng pagkakasipa ko. Mabilis naman siyang tumayo para sugurin ako ngunit pinigilan siya ni Damien.

"Ano na namang kabaliwan yan demon?."seryosong tanong ko habang naka crossed arm at nakatingin ng deritso kay Damien.

Tuwing may ganitong pangyayare alam kong sila na agad ang may gawa, sila lang naman ang mga walang hiya sa loob ng campus na ito, bat kasi hindi pa pinaalis ang mga g*gong ito.

"Anong sabi mo? Demon?!."galit niyang sambit at saka masamang tumingin sa akin

Nagkibit balikat lang ako.  "Ikaw ang may sabi niyan."

"Ano na namang ginagawa niyo dito?! Mag fe feeling super hero na naman kayo? Ha? Ililigtas niyo tong lalaking to."galit niyang sabi saka malakas na sinipa ang lalaking nakahiga na sa sahig.

Nanatiling nakatingin ako ng deritso kay Damien, hindi na ako nagulat kung makakasaksi ako ng mga ganoong pangyayare dahil ilang beses ng nangyare ang mga ganyang bagay sa loob ng campus.

"Mabuti naman at alam mo na agad akala ko wala kang utak."natawa nalang ako ng marinig ang sinabi ng kaibigan kong si Xairus, isa pa to. Si Xairus talaga ang partner in crime ko, kasama ko siya palagi kapag may ganitong mga pangyayare na pakanan ni Demon--- este Damien.

"Isa ka pa! Yabang yabang porket may kasama e takot naman kong mag isa."saway ni Damien kay Xairus.

"Pinapatamaan mo ba ang sarili mo?."nakangising tanong ni Xairus kay Damien, hindi ko alam kong napupuno na ba si Damien dahil nakakuyom na ang kamao.

"Chill guys nasa canteen tayo."sabat si Kirt

Napailing nalang ako saka akmang lalapit sa lalaking nakahiga sa sahig ng harangan ako ng isang lalaking alagad ni demon.

"Subukan mo kundi ikaw ang isusunod namin, pakealamera kang babae ka."seryosong sabi niya. Erss skeri amp

Mahina akong natawa sa sinabi niya.  "Demon baguhan ba to? Tinatakot pa ko."natatawang sabi ko. "Tabi nga dyan."tinulak ko sya papuntang gilid haharang harang eh saka nilapitan yung lalaki at tinulungang makatayo pero di pa nga nakakatayo ng maayos ng may sumipa sa likuran ko dahilan para matumba ulit kami muntik ko ng madaganan yung lalaking nabugbog dahil sa sipa ng kung sino man yun.

"Pakialamera kasi."rinig kong sabi nung lalaki

"Aba't-------
Akmang susugurin siya ni Kirt pero sumenyas ako na ako ang bahala.

Nakapamulsa akong humarap dun sa lalaking mukhang baguhan dahil hindi kilala kung sino ang kinalaban.

"Gusto mo bang sumunod sa kaniya?."ngayon ako naman ang nagtanong nun sa kaniya habang nginunguso yung lalaki na ngayon ay tinulungan nina Xairus at Kirt na makatayo

Gender is just a WordWhere stories live. Discover now