Chapter 36

2.3K 33 2
                                    


"I'm just checking if you're okay," he answered. He looks unbothered, just like we are close to each other. Like a normal conversation.

"I'm not a kid anymore. I'm fine, but now I don't think so, since I saw you." I sighed and rolled my eyes. "Could you please leave my room? I'm sleepy," itos ko.

"Saan ka galing?" tanong nito sa akin at tiningnan ako.

Tumikhim pa ako para makapagsalita saka siya tiningnan sa mga mata sabay ngiti. "Sa baba, uminom ng tubig? 'Di ba sabi mo, hindi ako sirena para kayang languyin iyong dagat? Kaya huwag kang mag-alala, hindi ako tatakas." Inirapan ko ito sabay lapit sa aking kama at umupo.

"Umalis ka na, matutulog na ako," walang gana kong sabi, pero hindi ako nakatingin dito. Nagkunwari akong inaayos ang aking higaan.

"Good night," ani nito at narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan. Nakahinga naman ako ng maluwag sabay higa sa kama.

"Muntik na 'yon!" Binatukan ko ang aking sarili habang nakatitig sa kisame. Pinikit ko ang aking mata upang makatulog na, pero hindi ko magawa dahil kung saan-saan napupunta ang aking isip. Kaya bumangon ako at lumabas sa kwarto.

Naghanap ako ng puwede kong mainum para antukin ako. Nakakita ako na may ilang in canned beer, kaya kinuha ko ito at lumabas. Sinalubong naman ako ng malamig na hangin. Kaya napayakap ako sa aking sarili. Umupo ako sa may buhangin at tumingin sa kalawakan.

Ang ganda ng mga bituin at sobrang liwanag ng buwan. Binuksan ko ang beer sabay inom.

Napakatahimik ng paligid, tanging tunog ng alon lang ang naririnig ko. Naisip ko na naman ang anak ko. Ano kaya ang ginawa niya ngayon? Nami-miss ko na siya.

Hanggang kailan kaya ako rito? Ano kaya ang balak ni Raven sa akin? Hindi ako pweding magtagal dito.

Mas napayakap ako sa aking sarili dahil sobrang lamig ng ihip ng hangin. Hindi rin kasi makapal itong suot ko kaya mas lalo akong nilalamig.

Napatingin ako sa beer nang wala na itong laman. Hindi ko namalayang ubos na pala ito. Tinatamad naman akong tumayo para kumuha ulit, kaya hinayaan ko na lang. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok, kaya naisipan kong manatili muna rito kahit sandali.

Nagulat ako nang may biglang naglagay ng maliit na blanket sa akin. Nakita ko si Raven at seryoso ito.

"Baka magkasakit ka. Akala ko inaantok ka na?" tanong nito sa akin. Umupo ito, pero may kaunting pagitan sa amin.

Hindi ako nagsalita o pinansin siya.

Sobrang tahimik namin at wala man lang naglakas-loob na magsalita. Nagulat ako nang abutan ako nito ng beer. Kinuha ko naman ito sabay inom.

Nakatingin lang ako sa kalawakan habang umiinom. Hindi ko siya pinansin kahit sobrang lapit lang namin.

"Ano ang balak mo, Raven? Hanggang kailan ako rito?" Buong lakas kong tanong nang maubos ko ang beer.

"Hindi ko alam," mahinang sambit nito, kaya sandali akong napatingin sa kanya.

Nakatingin ito sa kalawakan kaya napagmasdan ko ito. He never changed. It's been years, but he's still eye-catching. He just got mature, but he had become more appealing. Ang lapit niya sa akin, pero pakiramdam ko ang layo nito. Unlike years ago.

Puno ng pait akong ngumiti at nag-iwas ng tingin.

"Ano ba ang gusto mo? Ano ang kailangan mo sa akin? Hindi mo ba alam na may mga taong mag-aalala sa biglaan kong pagkawala?" saad ko.

Sigurado akong nag-alala na si Mal sa akin. Baka kung ano na ang naiisip no'n. Kilala ko pa naman iyon.

"Si Martin ba?" Nagulat naman ako sa kanyang sinabi at naalala si Martin. Baka inisip no'n ay tinakasan ko ito. Kawawa naman iyong tao kung naghintay.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon