Mula sa malayo tahimik ko pinagmamasdan ang pamilya ko na nagkakasiyahan. Ang saya nila tingnan, para walang problema. Isa-isa ko silang pinagmamasdan, simula sa pinakapanganay ang saya ng awra ng mukha niya hindi mo mahahalata na may dinadala syang bigat sa dibdib. My eldest sister is the brave one and I wish I was like her. Sunod na dumapo ang tingin ko sa pangalawa kong kapatid. She's the most beautiful, ang ganda ng mata nya ang ganda ng ngiti nya ang ganda ganda nya pagmasdan pero sino ba mag-aakala na sa angking ganda niya meron din siyang iniindang problema. My three brothers, they laughed so hard but I can see in their eyes meron din mabigat na dinadala ang puso nya. My two sisters, they look genuinely happy there is nothing sadness in her eyes, its full of love because of their kind and loving husband. How I wish katulad nila ako, matapang at malakas sa hamon ng buhay. Napakurap ako ng maramdaman ko na may pumatak na likido sa braso ko. Tumutulo na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
Bahagyang nabawasan ang bigat ng dibdib ko ng mapadako ang tingin ko sa mga batang naglalaro sa labas. Kung wala ang tatlo kong anak ano kaya ang sitwasyon ko ngayon? Sila ang lakas ko, sila lang ang meron ako na masasabi ko na tunay na pag aari ko.
Hiwalay na kami ng papa nila, naghiwalay kami dahil naging mahina ako. Nagpatalo ako sa pagsubok na dumating samin. Wala na ako kahit katiting na pagmamahal sa kanya, alam ko ang dami nya gusto sabihin sakin pero alam ko na alam nya na ayaw ko marinig yun. I'm suffering from depression mula sa mg a maling desisyon na nagawa ko.
Sobrang lungkot ng buhay ko to the point na halos hindi ako makakain at walang maayos na tulog. Pero sino ba ang nakakaalam na may pinagdadaanan ako? Sino ba ang makakapagsabi na sa kabila ng lahat nagagawa ko pa din ngumiti, sino ba ang nakakahalata na hindi umaabot sa mga mata ko ang aking pagtawa? Wala, kasi wala ako mapagsabihan. Si Lord ang palagi ko kinakausap. Sobrang bigat sa dibdib.
Pinilit ko na pawiin ang lungkot sa mukha ko ng lumapit ang panganay kong anak.
"Mama, I love you." Sabi nito sabay halik sa pisnge at yakap sakin. Yung mga ganitong senaryo ang dagling pumapawi sa sakit na nararamdaman ko.
"I love you too, anak." Sagot ko sabay ganti ng yakap na mahigpit.
Nagbibinata na ang panganay ko pero wala siyang ideya sa sitwasyon na meron ako.
"Ma papasok ka na ba bukas?" Tanong niya habang nanatiling nakayakap sakin.
"Oo, kailangan ko magtrabho kasi malapit na ang pasukan. Bibili pa tayo ng mga gamit nyo."
Sadyang malambing si Red sakin, palagi itong nakayakap kapag malapit ako. Siguro dahil palagi ako wala sinusulit nila yung mga panahon na busy ako sa trabaho. Paminsan minsan dumadalaw ang papa nila pero hindi na kami nag uusap, umuuwi ito para sa mga bata. Sa mama ko na din nito inaabot ang sustento dahil palagi din naman ako wala, mama ko ang tumitingin sa mga bata.
Bakit ganito ako ngayon? Ang dami kasi nangyari sa buhay ko. 20 years old ako ng mabuntis ako ng papa ng mga bata. Mahal na mahal ko sya noon to the point na ako talaga ang nanligaw. Hindi ako bungangerang partner at hindi din mukhang pera, never ako humingi o nag usyoso sa pay slip nya. Kung ano lang iabot sakin tinatanggap ko. Nung nabuntis ako sa pangalawa dun ko nakita ang kakulangan. Naisip ko na magtrabaho pero part time lang kasi maliit pa si Tristan yung pangalawa ko. Natuto din ako uminom hanggang sa halos araw araw na ako naglalasing.
May nakilala akong lalake, hiwalay sa asawa at may dalawa din anak. Maputi sya at hindi naman kagwapuhan. Nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa mabait sya..Nagkaroon kami ng lihim na relasyon, may nangyari samin pero hindi pa kami hiwalay noon ng papa ng mga bata. Hindi nakaya ng konsenya ko inamin ko sa ex ko na nafa-fall out of love ako sa kanya because there is someone na nagpaparamdam sakin na mahal nya ako. Nasaktan sya ng sobra isinumbat nya sakin lahat, hindi ko masabi ang dahilan ko kung bakit ang nangyari. Ayoko kasi manumbat, ayoko sabihin na ang daming kulang nya para sakin. Sinubukan ko isalba ang relasyon namin, pinatawad nya ako at sinuyo hanggang sa bumalik kami sa dati at nagkaroon pa ng isang anak. Mas lalo naging mahirap yung sitwasyon kasi lalo kami kinakapos sa budget, ang ibinibigay nya sakin kulang pa pangbudget para sa gastusin ng mga bata.
Naisip ko na mag-online bussiness kasi iyon ang patok na patok noon. Hindi ako sa kanya ng puhunan gumawa ako ng paraan para makapag umpisa. Ok naman ang kita ko, marami sakin umuorder online kaya lang parang mas lumiit ang sustento na binibigay nya, the more na kumikita ako parang inaasa naman nya sakin ang mga gastusin. Sumama ang loob ko noon pero never ako nag open up sa kanya. Tumigil ako sa pag oonline bussiness, nag apply naman ako bilang isang cook sa isang sikat na restaurant sa bayan. Medyo ok ang sahod sapat para pandagdag sa mga bayarin. Ayaw pa pumayag ng ex ko noon na magtrabaho ako, maliit pa kasi ang bunso namin mahigit isang taon pa lang, pero nagmatigas ako lasi naaawa ako sa mga bata sa tuwing hihingi sila sakin at wala ako maibigay. Itinuloy ko ang pagtatrabaho, tulong kami sa gastusin kaya lang mas lumiit pa ang ibinibigay nya nung magkatrabaho ako. Palagi din nya ako tinatanong kung magkano na ang sahod ko at kung may naiipon daw ba ako. Sa tuwing sasahod sya palagi nya sinasabi sakin na wala na syang sasahurin wich is alam ko ang ibig sabihin hindi ako dapat umasa sa sahod nya. Kinimkim ko ang sama ng loob ko again hindi ako nag open up about sa rant ko. Mabilis naman tumaas ang sahod ko kasi nakikita ng amo ko na masipag ako at mapagkakatiwalaan. Hanggang sa hindi inaasahang pandemya ang dumating, dito na nag umpisa muli ang magkalamat ang pagsasama namin na nauwi sa hiwalayan.
To be continue...
BINABASA MO ANG
The Broken(True to life)
RomanceFor the 6th time I broke my heart. Dear self hanggang kelan ka ba ganyan? Kelan ka makakawala sa madilim na lugar? Comfort zone mo ba ang pagiging lugmok? Tumayo ka naman, ilaban mo yang sarili. Hindi ka ipinanganak para lang magpatalo sa hamon ng m...