CHAPTER 8

13 0 0
                                    


TULALA lang si Ayanie na nakatingin sa kisame habang paulit-ulit na naaalala ang ginawa ni North sa lalaking nahuli nila.

"Ayanie."

Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano pinasabog ni North ang bombang nakakabit sa upuan ng lalaki.

"Ayanie baby."

Hindi mawala sa isip niya ang nakita at kung paano sumabog at naghiwa-hiwalay ang parte ng katawan nito dahil sa pinasabog na bomba.

Nagulat siya nang may humawak sa magkabilang pisngi niya at kasunod no'n ay ang pagdampi nang malambot na bagay sa labi niya.

Nang matauhan ay nakita niya ang seryosong mukha ni North habang nakatitig ito sa kaniya.

"Anong iniisip mo at hindi mo 'ko pinapansin?" parang batang saad nito at natawa na lang siya nang humaba ang nguso nito at salubong na ang kilay na nakatingin sa kaniya. "What's funny, baby?"

Hindi niya na napigilan ang sarili at pinisil ang pisngi ng binata na mas ikinahaba ng nguso nito at nakasimangot na.

"Don't pinch my cheek," protesta nito na hindi niya pinakinggan at pinanggigilan lang ang pisngi ng binata.

Habang tinititigan niya ang guwapong mukha nito ay naalala niya ang hitsura nito habang may hawak na pana.

"North," tawag niya sa nakasimangot na binata. "Marunong ka pala pumana?"

Bumaling naman sa kaniya ang binatang nakasimangot pa rin. "Yeah, why?"

Natawa siya sa pagiging masungit nito na ikinasama ng tingin nito at nagdadabog na umalis saka umakyat sa kuwarto nito.

Napalingon naman siya sa mga binatang natutulog sa sala ng bahay ni North. Kaya tahimik silang nakakapag-usap ni North ay dahil tulog ang mga kakambal nitong nakahiga sa carpet sa sahig ng sala.

'Mga laki sa yaman pero kung makapuwesto sa sala ay parang mga normal na binata lang, ah.'

Napapailing na lang siya at sinundan si North sa kuwarto nito. Nadatnan niya ang binata na nakadapa sa kama nito habang nagsasalita mag-isa.

"Pinagtatawanan niya lang ako? 'Yon na 'yon? Hindi man lang ako sinundan at sinuyo? Tsk, why am I expecting na susuyuin niya 'ko? It's not like we have a thing, damn it!"

Mahina siyang natawa dahil sa pinagsasabi ng binata habang sinusuntok-suntok nito ang kaharap na unan.

"North," malambing na tawag niya sa binata na bumaling naman sa kaniya habang nakasimangot.

"What are you doing here?" masungit na tanong nito saka isinubsob ang mukha sa unan.

Nakangiti siyang lumapit sa nagtatampong binata saka tumabi at niyakap ito. "Sorry na."

Dahan-dahang sumilip ito mula sa pagkakasubsob sa unan. "Kiss me first."

Masamang tingin ang isinagot niya na ikinanguso nito at muling isinubsob ang mukha sa unan.

Napabuntong hininga siya saka nagsalita, "Fine."

Mabilis naman itong humarap sa kaniya at napatili na lang siya nang makitang nakapatong na sa kaniya ang binata na ngayon ay nakangisi na.

"North, kiss lang ang hinihingi mo. Bakit nakapatong ka na sa 'kin?" tanong niya sa binatang nakangisi habang nakatitig sa kaniya.

"I changed my mind," nakangising saad nito habang dahan-dahang sinasalubong ng mga labi nito ang labi niya. "I want more than a kiss, Ayanie."

Bago pa siya makapagreklamo ay lumapat na ang labi ng binata sa labi niya na sinalubong niya naman at agad na tinugon. Hindi nagtagal ay naging mapusok ang halik na pinagsasaluhan habang ang mga kamay ng binata ay naglilikot at nagiging mapaghanap.

BREAKING BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon