DEAR DIARY,Hi!
Kailangan ko ng kausap ngayon, eh sa ikaw lang naman yung laging nanjan para sakin, ikaw na lang kakausapin ko, may sasabihin ako sayo. . .
Grabe! He's a stupid-abrasive-good-for-nothing-jackass! I hate him! I really do!
Parang kabute na bigla-bigla na lang susulpot! Teka nga lang! Bakit ba pag bigla-biglang sumusulpot, kabute na agad? Mga tao nga naman mag-isip oh.
Back sa sinasabi ko. . .
Ayun nga! Bigla na lang siyang sumusulpot!
Lagi na lang niya akong pinagtri-tripan!
Para sa kanya isa lang akong malaking 'biro'.
Laging sinisira araw ko!
Ginagawa ngang miserable buhay ko!!! Nakakainis talaga!
Akala mo kung sino siya!
Nakakainis lang kasi. . .
Malay ko bang. . .
Sa stupid-abrasive-good-for-nothing-jackass na parang kabute na biglang sumusulpot. . .
Eh. . .
Malay ko bang. . .
Dun pa ako maiin-love. . .
Hindi ko alam pero. . .
Dahil sa Diary, nag-umpisa ang lahat. . . Dahil sayo nagsimula nang mabuo yung love story namin. . .
Tss. . . Pero paano na yan?
Itutuloy ko ba yung nararamdaman ko? Baka kasi magmukha na naman akong tanga. Ayaw ko ng mangyari ulit yun noh. Ayoko nang masakatan ulit.
So? Anu na? Nung gagawin ko? Nga-nga lang ba?
Oh? Aasarin mo ba ako Diary? Tatanungin mo ba ako kung paano ako nain-love sa kanya, kung bakit sa jackass pa ako nain-love???
Well, sorry na lang, hindi ako baliw para sabihin sayo kung 'bakit'? Syempre, hindi ka magsasalita! Naku! Kilala na kita, oy! Ang rami na nating pinag-samahan at ang alam kong bagay ka lang! O sige na, sabihin mo na lang sa author na sabihin nyang basahin nila ang love story namin at mag-enjoy sila! Sige na nga, bago pa ako makapunta sa mental hospital, baka makita ko kasi yung nagbabasa nito dun! Haha. . Lol. . . Gets nyo? Well, kung hindi. Edi wow! Babye!
Love,
XandriaJade <3