Dumating ang araw nang kaarawan ni Jelo, Ang araw na pinaka hihintay nito. Ang pag litaw ng Ugsad.
Hindi pa bumabati ang araw tinungo agad ni Jelo ang Dapdap. Nang marating ang resort agad naman itong hinarap ng katiwala roon.
"Hinihintay ka ni boss tuloy" Sabi ng katiwala ng resort.
pagtataka ni Jelo bakit ganun na lang kadali kung siya papapasukin nito sa resort. At bakit siya hinihintay ng boss ng resort. At paano nila nalaman na darating ito.
Agad na sumunod si Jelo sa katiwala At pagdating mismo sa resort mas nagulat ito nang makita ang mga nakahilirang mga tao na tila hinihintay ito sa kanyang pagdating. Sinalubong si Jelo ni Pawi na agad namang yumuko nang makita ito.
Nagulat si Jelo sa ginawang pagbati sa kanya ni Pawi. Maging ang tao na nakaabang sa kanyang pagdating, napayuko din bilang pagbati kay Jelo.
"Teka pare, anong nangyayari bakit yumuko kayo?" tanong ni Jelo.
"Batid na namin ang pagdating mo kamahalan. Maligayang pag dating" pag bati sa kanya ni Pawi
"Ano itong nangyayari? ibig ba sabihin alam na ng lahat kung ano ako? At ikaw,alam mo naman pala na Isa akong Kataw bakit hindi mo agad sinabi? Tama nga si Lolo ito ang kanlungan ng mga Kataw. At lahat ng naririto ay mga Kataw." natuwa si Jelo sa kanyang mga natuklasan at nalaman.
Ngunit kung ano ang tuwa at kasiyahan na namumutawi sa mukha ni Jelo ay kabaliktaran naman ito sa mga reaksiyon ng mga mukha ng mga taga roon, lalo na kay Pawi. Bakas ang pangamba at pag-alala sa kanilang mga mukha.
Dinala ni Pawi si Jelo sa floating resto kung saan nag hihintay roon sina Juno at Jimmy.
"ikinagagalak namin ang iyong pag babalik kamahalan." At yumukod sa pag bati si Juno kay Jelo.
"Sandali lang, alam ko na na katulad niyo rin ako, pero bakit lahat kayo iba ang tugon sa akin. Bakit ba niyo ako tinatawag na kamahalan? " tanong ni Jelo.
"Dahil pinsan ka ng Prinsipe ng mga Kataw. kaya dapat lang kamahalan Ang tawag nila sa iyo. Kaya naman pala noong una palang naming kita sa iyo rito, may nararamdaman na kaming kakaiba sa iyo. Pasensiya at medyo pinag dudahan ka namin noong una. Akala kasi namin taga labas k lang na gustong bulabugin itong Dapdap. Kasamahan mo kasi ang nag pa kalat ng balita tungkol sa Kataw." sabat ni Jimmy.
"pasensiya din kuya, kasalanan ko din ang nangyari. kung hindi ko na sana pinakita sa kanila ang nakuhanan ko hindi na sana umugong Ang balita tungkol sa mga Kataw. At ngayong alam ko na na Isa din Ako sa Inyo, aasahan niyo mananatiling sekreto ang lihim ng lugar na ito sa mga tao. Tutulong po Ako." Sabi pa ni Jelo.
"Sila lang ang kauri mo , hindi ako Kataw. tao Ako. At salamat kung iyan ang gusto mong mangyari." Tugon ni Jimmy.
Napatingin si Jelo kina Juno at Jimmy ng hawakan ni Juno ang kamay ni Jelo. Napangiti na lang ito. Naintindihan na nito ang ibig sabihin nun. Napabaling din Ang tingin nito kay Pawi, sabay nginitian ito. Ngunit umiwas ng tingin si Pawi at yumuko.
"Naparito kami para ipagdiwang ang araw ng pagtanggap mo sa iyong pipiliing tadhana, Mamaya sa pag tungha ng Ugsad, masusubok Ang iyong paninjndigan. At bilang Ako ang tagapamahala nitong Dapdap ako ang mag handa sa iyo bago ang kaganapan." paliwanag ni Juno.
"Bakit kailangan pa nang paghahanda, Magiging Kataw lang naman ako diba? Siya nga pala mga kuya, para saan nga itong bato na ito?" At inilabas ni Jelo ang kulay kahel na bato.
"Hindi iyan basta bato, baluti mo iyan na siyang mag poprotekta sa iyo sa lahat ng sitwasyon, sa dagat man o sa lupa. At tanging Ang mga piniling angkan lang ang meron niyan. Ang bato na iyan ang patunay na Isa kang maharlika." ayon pa kay Juno.
BINABASA MO ANG
A Lover, Lair and a Legend
FantasyAfter the last few years the Island in Guimahol has been peaceful and quiet. The once-buried story of the so-called mere waters is making itself felt again. After a sudden storm, Jimmy had a hunch, Juno agreed with it Especially when they met Pawi...