Chapter 16

9 0 0
                                    

Reminder:

Please expect foul words for some of the chapters in this story, even though I said this might be a godly story. Curse words are placed because of purpose. Thank you for being understanding.


֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍


Papasok ako na kulang sa tulog. Lord what is happening???

Mabuti na lang at mukhang hindi naman yata ito napansin ni Charls. Dahil kung hindi, baka mag-share ako sa kanya nang wala sa oras.

Tuesday ngayon, maayos naman ang ganap noong nakaraang linggo. Katulad ng sabi ko, active na rin ako sa church sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero sana dahil ito kay Lord.

Nice! Simula nang maging active ako sa church, mas pala dasal ako ngayon. Kung dati, hindi ko naman ginagamit ang pangalan niya sa kung saan— ngayon parang palagi ko na siyang na m-mention. Well wala naman kasing mawawala sa akin kung iyon ang gagawin ko.

Lalo na sabi ni Pastor, dapat may relasyon kami sa Diyos. Baka ito na ang simula...



֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍

From Mederi Agradecido: Can I tell you something Devi?

From Development Desarrollo: Sure, what is dat?

From Mederi Agradecido: I like you.

֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍




Napa-iling na lang ako. Mederi PMed me last night. He confessed, he likes me raw. Malamang nagulat ako. I mean, parang pinag-uusapan lang kung anong ganap namin kahapon, tapos walang awat na umamin ang lalake 'yon!

Ano bang meaning ng 'I like you' niya?

Wala akong reply, I was shocked. But I admit it, and I have a crush on him. Who wouldn't, right? G'wapo, matangkad, matalino, talentado, and so many to mention.

Pero kasi...

Natatakot akong umamin. Need ba kasi 'yon? Required ba ang mag confess-back sa isang tao?

Never akong nagtanong sa kanya, kung ako lang ba ang chatmate niya. Famous si Meds, for sure marami siyang ka-chat.

Hindi ko naman siya jowa, pero ang sakit lang.

"Pasok na ako ha." rinigg kong tinig.

Doon bumalik ang huwisyo ko, si Charls ang nagsalita.

Nandito na pala kami sa harap ng room nila.

Tumango na lang ako sa kanya, nakita ko siyang ngumisi sa akin at umiling, "kapag tinamaan ka nga naman." bulong niya.

Tatawagin ko sana nang aking marinig, kahit bulong pa 'yon! Kaso tinawag na rin ako ng mga kaklase namin. Mag-aayos pa pala kami sa room for teacher's day.

Yes, October na ngayon! labas na rin ang grades namin for the first quarter. Unfortunately, pareho kaming rank one ni Meds. Parehas kaming nakakuha ng 98.50. Nag expect na ako ang rank one s'yempre, pero parang nakakalimutan ko na valedictorian din si Meds.

Nang magkaalaman na kami pareho ang rank one, umulan kami ng papuri at panunudyo. Pag-uwi ko rin sa bahay ay nakita kong nag-chat siya, binati ako, kaya ayon binati ko rin siya pabalik.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now