Chapter 17

5 0 0
                                    


Biyernes ngayon at naka-uwi na ako galing eskwelahan. Mabuti na lang at weekend na! Simula noong martes ay mas lalo na akong naiilang sa loob ng aming silid-aralan. Para bang assuming ako na laging may nakamasid sa akin. Feelingera e!

Nakatanggap din ako ng mga mauulan na mga tanong kung ano raw status namin ni Meds. Wala akong masagot s'yempre, hindi naman kami, kasi bata pa.

So magiging kayo soon, 'pag matanda na? Tanong ng aking utak. Aba ang talak ng utak ko!

Simula rin noong umamin siya sa akin ay malimit na kami mag-usap sa messenger. Hindi ko rin alam, pero gusto kong umiwas. Naguguluhan din ako.




Para man lang mag-relax ang buhay ko, pumayag ako sa paanyaya ni Charls. Gala raw kami sa robinson, kain-kain lang kung saan-saan daw. Nagpadala kasi ang kanyang Ina, at mayroon naman akong mga ipon, wala namang masama kung kukuha ako ngayon.

Nginitian ako ni Charls nang kanyang makita ang aking magandan mukha. Charot! Agad na rin kaming pumara ng tricycle para makarating sa bayan kung na saan ang robinson. Dala niya ang kanyang cellphone at mukhang may budget nga dahil parang may data rin ito. Sana All.

Nakita ko ring patingin-tingin siya sa kanyang cellphone na may ka-chat. I assume na si Beau ito kasi hindi mapakali si Charls. Nandito na kami sa may ice cream house at parang balisa pa rin si Charls. Sumasagot naman siya nang maayos kung aking kakausapin. Sisilipin ko sana kung sino ang ka-chat niya, pero napansin niya agad ako kaya parang dinipensahan niya agad ang kanyang hawak. Ay may tinatago ang gaga.

"Kanina ka pa d'yan ha. Nagseselos na ako kay Beau. Ako ang nandito pero siya ang lagi mong kausap d'yan." sabi ko sa kanya, hindi naman ako nagseselos—ene-eme ko lang siya.

"Gaga, hindi naman si Beau kausap ko." sagot niya sabay pinatay ang phone at kumain ng icecream.

Hindi si Beau ang kausap niya? Sino?

Hindi ko na lang tinanong, wala naman akong balak mangi-alam sa buhay niya.

"Kumusta na pala kayo ni Meds, chatmate pa rin ba ang Valedictorian Couple?" tanong niya.

Pero kung ako ang walang balak mangi-alam sa buhay niya, siya merong balak sa buhay ko.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ayos naman. Mej lie low pa rin ako."

"Waw tinitiis. Bakit naman?"

Kumagat muna ako ng pizza bago sumagot, "Ewan. Naiilang na ako sa kanya. Bata rin kasi ka—"

"Kasi gusto mo rin."

Tinirik ko ang mata ko sa kanya, at napa-iling na lang doon si Charls.

Mukha lang mas madaldal si Charls kung itatabi kami sa maraming tao. Pero mas open ako tungkol sa aking mga rant sa buhay kapag kaming dalawa lang. Dahil doon, na-ik'wento ko sa kanya na umamin si Meds sa akin. Sinabi ko rin sa kanya na may crush ako kay Meds kahit nais ako minsan kung mataas ang mga grades niya. May tiwala naman ako kay Charls, hindi naman niya siguro ipagkakalat 'yon. May tiwala ako sa kay Mayo. 



Nandito na kami ni Charls sa jeep, pauwi. Pwedeng tricycle o jeep kapag pupuntang robinson at kapag uuwi kami rito sa Brgy. Santo Tomas. Katulad kanina, naka-pokus na naman siya sa kanyang phone. Hindi ko na lang ito poproblemahin, d'yan na siya.

Hanggang makababa kami ng jeep ay patingin-tingin siya sa phone niya. Partida, paano pa kaya siya nakakalakad nang matino n'yan. Manakaw 'yan, iyak talaga itong si Mayo. Bagal-bagal pa maglakad

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now