End of the story

69 1 1
                                    

Hindi maganda yung pasok ng 2013 para sa relasyon namin ni Ryan. Nagalit sya saken. Halos kalahating buwan din kaming break nun. Syempre , masakit para saken na nasasaktan sya at masakit dahil nasaktan ako sa mga kilos at sinabe nya. Nagbati rin kami. Sa tulong ng mga kaibigan , naayos din namin yung problema. Dumating ang February , nag-away na naman kami. Natataon na sa kada 1st week ng month nag-aaway kami. Asual nagbati kami .Pero yung away na yun umbaot ng higit sa isang linggo. Nangako ako na hindi ko na sya gagalitin, magbabago na ko.

March na , nagaway na naman kami ng dahil sa ugali ko. Hinde ko naman sinasadayang sigawan yung kaibigan nya , ngayon ko na lang ulit nasigawan yun dahil sa inis. Natural lag naman sa babae yung ganun. Pero , oo nga mali din ako. Ang masakit dun , sinaktan nya ko. Babae ako , at kahit baliktarin mo man ang mundo hinde magbabago yun.At ang ayoko sa lahat ay ung sinasaktan ako . Gusto ko kasi tinatrato ako ng tama ng isang lalake. Nalaman ko na hinihintay nya na lang pala ako na makipagbreak sa kanya. Masakit, pero pinilit kong hindi ipahalata sa kanya na nasasaktan ako. As always , ang mga babae ay kilalang "The great pretender". Yung pangako nyang babalikan nya ko pag nawala sya at hinde susuko , hinde rin nya pala tutuparin. Isang malaking sampal sa pagmumuka ko yun. Marami akong gustong itanong , gusto kong malaman kung minahal nya ba talaga ako o hinde ,gusto ko syang tannungin kung may halaga ba ko o wala. Bigla kong naisip , siguro ito yung way nya para maghiwalay kami . Gumawa sya siguo ng paraan para maghiwalay kami at eto yun. Sukang suka na siguro sya saken. Ang sabe nya kasi saken nanlalamig na daw sya. Pabigat ng pabigat yung sakit na nararamdaman ko. Ayaw nya saken at malinaw nyang sinabe yun. Ayaw nya sa ugali ko .Alam kong masama ako ,pero kailangan bang humantong agad sa ganito ? Hinde ba pwedeng usapang matino muna? Siguro nga masyado pa kong bata . Mabilis lang akong paiyakin. Ang sabe nya babalikan nya daw ako , sabe ko naman wala na syang babalikan. Ang gusto ko talagang  mangyare ay magkabati kami at mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Diba kung mahal mo ang isang tao hinde mo sya iiwan? Kung mahal mo ang isang tao tatanggapin mo sya at hihintaying magbago . Siguro nga hinde sya, hinde sya ang hinahanap ng puso ko, hinde sya ang nakalaan para saken. Anung malay naten , tao lang tayo , hinde natin alam kung anung susunod na mangyayare. Maraming nagsabe saken , mas marami pa raw akong makikilala . Oo , marami nga pero ang mahirap hinde pa kaya ng puso ko . Suko na sya at wala na kong magagawa dun. Wala naman akong powers para icommand sya na wag sumuko. Ang totoo, galit ako sa taong sumusuko. Marami akong kaibigang ganyan , sabe nila suko na daw sila pero eto ako na pinapalakas ang loob nila at nagsasabing wag silang sumuko. Ang gandang paunang birthday gift to. Akala ko pa naman magiging masaya ako, hinde pala. Pero eto ako tuloy sa pagpapanggap na masaya ako kahit hinde. Hinde ako pumasok ngayong araw na to . Nagdahilan na lang ako na may sakit ako. Hinde ko kasi kayang makita sya ngayun. Sa buong buhay ko , eto na siguro yung pinakamasakit na naramdaman ko. Kung pwede lang ibalik yung dating kami . Kaso di na pwede. Hinde ko na pwede pang balikan yung nakaraan . Kailangan ko ng magmove-forward at tanggapin na wala na kami. Ang daling sabihin nu? Hayy, pero ang totoo hinde ko talaga kaya.Mahal ko pa kasi sya pero takot na ko . Takot na ko sa rejection. 

 -------------------------

           Marami akong nakausap. Yung mga kaibigan ko. Bigla syang nawala sa isipan ko.Pero nung wala na sila, hahanapin ko pa rin pala sya.  Gusto ko syang kausapin pero may pumipigil saken at sinasabing tama na ,sobra na. Siguro eto ang first stage sa pagmomove-on. Kailangan kong pigilan yung sarili ko. Kailangang itatak ko sa isip ko na , hinde na to tulad ng dati. Hinde ko na sya pedeng kausapin pa. Magsusumbatan lang kami pag nagkataon. Isang malaking temptation ang facebook , kaya nilibang ko na lang yung sarili ko sa pakikinig ng music. At ang tanga ko talaga, pang heartbreak na songs yung pinapakinggan ko. Di ko mapigilan yung sarili ko sa pagemote. Bukas, papasok na ko. Ok na yung mata ko , di na maga sa kakaiyak . Hayy, Thank God. Ayoko na ring magabsentt, kakaboryong pala dito sa bahay ,mas mabuti pang pumasok na lang ako. 

         Unti-unti din palang nawawala. Feeling ko bagong buhay na to. Pero syempre di pa ko nakamove-on .Wala pa ko sa last stage. Pero nafefeel ko talaga na magiging masaya ako.Salamat sa mga kaibigan na parating nandyan. c:

-----------------------------------------------------------------------------------------

MARCH 10

Bat ba may isang gago ako nakilala. Napapamura na ko ng dahil sa kanya. Unti-unting bumbalik yung date kong ugali. Gusto kong may sabihin sya pero wala syang sinasabe. nakakairita. Hinde ko na talaga babalikan ang taong walang effort.

Nagsearch ako kung panu ba magkamove-on. Marami akong nabasa. Ang hirap pala. Kailangan mo ng mahabang panahon para mawala yung sakit na nararamdaman mo. Nagfb muna ako,may bigla akong narinig na boses , yun pala di ko sinasadyag maclcik yung isang vid tungkol sa pagmomove=on . Sa tumblr kasi ako naghanap. Jamich, how to move-on . Ayoko talagang nanunuod ng vidpag nagsesearch , gusto ko basa lang. Pero napilitan na lang ako , nasimulan na e. Relate na relate ako. Ang sakit, pero habang tumatagal nakakainspire yung snasabe ni Jamvhille. Totoo naman ung mga sinabe nya , kailangan ko naman talagang gawin yung mga yun. Pero, miss ko na talaga sya. Nagsinungaling na naman ako. Sinabe ko sa kanya na magmove-on na kami, pero ayoko talaga:c. Kailangan ko lang talagang gawin un kasi hinde na nagwowork ung relationship namin. Kung mahal nya ko , gagawa sya ng paraan para mgkabalikan kami. Pero hinde e, walang nangyare. Sabe nya manliligaw ulit sya. San ang panliligaw dun ? Ni hinde nya nga ko magwang lapitan at kausapin. Panu ako maniniwalang mahal nya ko kung hinde man lang nya magawang maparamdam at mapakita. Torture. Isang torture tong ginagawa ko sa sarili ko. Masakit, sobrang sakit. Etto lang kasi ung basehan ko kung mahal nya talaga ako. Hanggang ngayon kasi hnde parin mawala sa isip ko ung sinabe nyang nanlalamig na sya at susuko na sya. Hinde pa rin maalis sa siip ko un. Kaya natatakot akong magkabalikan kami ng ganun lang kadali. Gusto kong makitang sincere at nagsasabe sya ng totoo bago ko sya ulit tanggapin. Pero malabo ng mangyare yun. Hanggang pangarap na lang un. Siguro nasaktan sya sa mga sinabe ko. Masakit naman talaga. Kahit sinung masabihan nun. Nagsori naman ako at sana tinanggap nya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End of the storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon