Si Nelia ay bunsong anak na babae at pang-lima ng mag-asawang Aling Belen at Mang Luis. Nasa ikaapat na taon na siya sa mataas na paaralan ng Imaculada Conception School. Napakagandang bata, maputi, at makinis ang balat nito.
'Di nila nakapiling sa kanilang paglaki ang kanilang ama na si Mang Luis dahil nagtratrabaho ito sa ibang bansa.
Bihira lang ito umuuwi sa loob ng tatlong taon.
Ang nanay Belen na lang n'ya at siya ang natitira sa bahay dahil ang mga kapatid niya ay may kanya-kanya nang pamilya at nakatira sa malalayong lugar.
May katulong ang mag-ina, na nakakatulong kay Aling Belen sa pamamalengke gayundin sa mga gawaing bahay.
Ang katulong din nila ang naglilinis at naglalaba kung kaya't napagtuunan nang husto ni Nelia ang kanyang pag-aaral.
Samantala, kilalang babaero si Mang Luis noon pa man. Kahit kasal na sila ni Aling Belen ay 'di pa rin natitigil ang pambabae nito.
Nang malapit nang grumaduate si Nelia sa high school, umuwi rin si Mang Luis dito sa Pilipinas.
Tuwang-tuwa si Nelia dahil makakapiling na niya ang kanyang ama.
Sinundo nila ito sa airport.
Ang daming dalang pasalubong ni Mang Luis.
Agad niyakap ni Nelia ang kanyang ama nang makita n'ya ito.
"Ito ba ang bunso ko? Napakaganda mo na, anak! Halos magkasing-taas na tayo," tuwang-tuwang sabi ni Mang Luis habang yakap-yakap ang bunso.
"Papa, miss na miss na kita," tuwang-tuwang sabi rin ni Nelia sa ama habang yakap n'ya ito.
"Tara na't makauwi nang makapagpahinga ang papa mo," wika ni Aling Belen sa anak.
Nang makauwi sa bahay ay agad nagpalit si Mang Luis ng pambahay na damit.
Si Aling Belen na ang pinag-asikaso ni Mang Luis sa mga dalahin upang ayusin sa kuwarto.
Bumaba siya ng bahay upang kumain.
Laking gulat niya nang makita ang kanilang bunso sa sala.